JTW Chapter 1

75 3 1
                                    

SID'S POV

"Sid, hindi ka pa ba tapos diyan?"

"Wait mom, I'm just fixing my clothes."

"Okay! We'll wait you here at the garage"

First day of November today and it seems to be the hardest day of my life every year. Sa t'wing sasapit kasi ang araw na ito hindi ko maiwasang hindi maalala ang mga memories namin ni Ash, my girlfriend who left me three years ago.

She died in a car accident. And that's all because of me. Because of my recklessness. I hate myself back then. Pero as time as passed by, unti unti ko na ring napapatawad ang sarili ko.

I packed my things in my small backpack.

After kong bumaba ng bahay, dumiretso na kami ng family ko sa cemetery. Dadalawin kasi namin yung puntod ng mga relatives naming patay na. Including my friend Lance and my ever beloved Ash. Hanggang ngayon kasi siya at siya pa rin. I never tried falling in love again with other girls kasi naniniwala ako na wala ng mas tatapat pa sakanya. She's different. She's she. No one can ever replace her in my heart even I know na isa na lamang siyang malaking pangarap at ilusyon sakin.

Who would have thought that a guy like me will fall for her even she was already gone? No one right?

Pero kasi up to now, wala pa yung taong katulad niya.

After kong ipatong yung flower at candles sa puntod niya, I sat on the grass.

Hindi ko maiwasang maluha whenever I remember those times with her. Her sweet smiles. Her warm hugs and her calm voice. No one can ever be Ash Santa Ana. The one whom I'll always love.

Takte! Ang drama ko na! Tama na nga 'to.

Tumayo na ako sa harap ng puntod and I begun stepping towards my parents na kanina pa andun sa puntod ng relatives ko.

"Mom, I'll go first in the car."

"It's fine on me. Go ahead then."

At tsaka dumiretso na ako sa car at nagpatugtug. At kung hindi ba naman nananadya ang panahon, yung music na nag-ple-play ay Safe and Sound ni Taylor Swift. Paborito niya kasi yung song na 'to.

Hay. Buhay!

Bakit parang ang hirap pa rin niya kalimutan? Bakit parang ang sakit pa rin everytime maaalala ko siya? Ba't ganun?

Can't I say that I totally moved on?

It's been three years. Three years na, sana naman may tao ng pumalit sa kanya kahit kasi ako nahihirapan na.

It's already third day na ng pasukan. Di man lang kami nag hang out ng mga kaibigan ko. Busy na silang lahat sa lovelife. Takte kasi ni Mikko bakit pumunta pa ng London.

Ang boring talaga ng buhay ko. Makumusta nga ang mokong na si Mikko.

I chatted him.

"Brad, kumusta?"

Ang tagal magreply ng lalaking 'to. For sure, maaga pa naman sa kanila.

"Eto pogi pa rin!"

Kahit kelan talaga!

"Grabe hangin mula London, brad! Musta, baka naka-bingwit ka na?"

"Ang dami nila brad! Dami nilang naghahabol!"

"Kahit kelan ka talaga! Siraulo!"

"Sus. Ikaw maghanap ka na! Tatanga ka na lang ba? It has been ages!"

Gago ka talaga Mikko.

"Ewan ko sa'yo. Gulo mong kausap!"

Just Three Words (one-shot extra story) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon