Hi! I'm Prince Seref Ngo. I'm 15 years old. Nag aaral sa Star Academy.
Love? Hehehe..Siguro parating na ko jan. Meron akong babaeng napupusuan kaso ilag siya sa tao. Maganda siya,Mabait pero ang pinag tataka ko ni isa hindi ko pa siya naririnig na mag salita siguro napakatahimik nyang tao. Madami siyang kaibigan at madami din siguro man liligaw sa kanya. Para kasi nya akong stalker nakikita ko siyang ngumiti at dahil dun lalo siyang gumaganda.
Isang araw ng pa punta ako sa hallway na nag hahadali ay may nakabungo akong babae "Miss Sorry.Sorry" sambit ko at ikinagulat ko siya. Siya yung babaeng crush ko. Pero hindi siya nag salita ngumiti lng siya sakin at lumakad na. Bat ganon? Ngingiti lng ba talaga siya? hindi ko pa kasi naririnig ang boses nya. Kaya minsan ini-stalk ko siya.
Pag ka pasok ko sa room ko umupo agad ako sa dulo dahil yun naman talaga ang gusto ko ayoko kasi na sa unahan dahil madaming babae ang ginugulo ako. Hindi sa pag mamayabang pero may itsura ako,Maputi,Chinito,At matangkad.
"Miss Lustre your late" sambit nung teacher namin kaya naman napatingin ako at nakita ko siya. Gaya ng ginawa nya ngumiti lng siya at pinapasok na ng teacher ko at ngumiti siya sakin? At kinagulat ko umupo siya sa tabi ko. *Dug* *tug* *Dug* *tug* puso ko ba yun? Bat ganon? May sakit na kaya ako sa puso?
"Pre! Swerte mo ah katabi mo si miss cutie palit naman tayo" sambit ng katabi ko. "Ayoko pre" sambit ko sa kanya kaya naman umayos na ko ng upo at pinag masdan siya ng palihim ang ganda nya talaga. Para siyang angel. Ang ganda ng buhok nya mga labi nyang---
"MR. NGO! TAPOS KANA BANG PAG MASDAN SI MISS LUSTRE?" sigaw ng teacher ko. Ako naman namula. "Sorry po Ma'am" paghingi ko ng paumanhin. Kaya tinignan ko si Lustre at tumatawa siya pero ala namang tunog. Ang ganda ganda nya tumawa sobrang ganda nya.
*TRINGGGGGG*
"Ok bye the class is dismiss" sambit ng teacher ko at lumabas na at nakita ko naman si lustre nag aayos ng gamit nya. Yayain ko kaya siya kumain sa canteen? Wag na nahihiya ako saka baka ayaw nya.
"Ammmmm.Lustre p-pwede...bang...sa-sabay...tayo...K-kumain?" hehehe. Nahihiya ako bahala na kung ayaw nya ok lng yu---TUMANGO. TUMANGO SIYA? "Ibig bang sabihin nun OO? Pwede???" Sambit ko at tumango siya ulit whoooooooo. Pumayag siya. Pumayag siya whooooooo.
Nung pag payag nya pumunta kami sa canteen at sinabi ko naman sa kanya na ako na ang mag o-order at tumango na lng siya kaya naman pumunta na ko para maka order. Pag ka tapos ko umorder pumunta na ko sa upuan pero??? Asan siya? May nakita akong sulat sa upuan namin?
"Dun na lng tayo kumain sa mini garden. Hintayin kita ah! :)"
Kaya naman agad akong pumunta sa mini garden dala dala ang mga pinabili ko at pag ka punta ko nakita ko siya naka upo sa damuhan. "Huy. Eto oh!" sambit ko sabay bigay ng burger at coke mismo sa kanya. Ngumiti lng siya sakin at kinain ang burger. "Ako nga pala si Prince Seref" sambit ko sa kanya at gaya ng ginawa nya ngumiti din siya at may kinuha sa bag nya isang papel at ballpen?
"Salamat sa Libre mo. Seref and nice to meet you. Ako nga pala si Celine Dion Lustre" naka sulat sa papel.
"Ah? Hello..ammm...p-pwede ba tayong ma-maging close?" Nauutal na sabi ko. Ngumiti naman at nag sulat ulit sa papel?
"Oo naman". sulat sa papel at ngumiti siya. Bat ayaw nya mag salita? Nahihiya ba siya sakin?
"Amm. Bat ayaw mo mag salita wag kang mahiya mag salita" ngumiti lng din siya sakin at nag sulat ulit sa papel?
"Hahahaha. Kung pwede lng Sana kaso hindi pwede eh :)" naka sulat. Naguluhan naman ka dun sa sinulat nya.
"Bakit naman hindi pwede?" Sambit ko sa kanya. At nalungkot ang mga Mata nya?
"Kasi......PIPI ako". natulala naman ako sa nakasulat at tumingin sa kanya pero nakangiti parin siya.
"P-pipi ka?" di makapaniwalang sambit ko. at tumango naman siya sakin. Yung crush ko pipi pala? Kaya pala Ni minsan hindi ko narinig siyang mag salita. Pipi pala siya. "OK lang yan basta Kaibigan na tayo ah" masayang sambit ko at ngumiti naman siya sakin.
Simula na-nalaman ko na pipi siya ganon parin naman naramdaman ko para sa kanya at shaka nga pala sinabi ko rin ang nararamdaman ko sa kanya at ang sambit nya ay 'Gusto rin naman kita seref' kaya naman ikinatuwa ko yun. At di rin nag laon. Niligawan ko siya at sinagot naman nya ko. Na laman ko pag mamahal ka pala wala ang itsura at ugali at iba pa. Lalo na mahal na mahal mo ang taong yun. Kahit pipi. Si Celine MAHAL KO SIYA AT WALANG MAG BABAGO DUN..
THE END...