Chapter 5

4.5K 215 4
                                    

Sa mahiwagang lugar...

"Shanaya, anong ginagawa mo riyan? napalingon si Bella sa nagsalita. Mabilis niyang pinahid ang luhang tumulo sa pisngi. Masiyado siyang natulala sa kaiisip kanina kaya hindi na niya namalayang nakalapit na pala si Tamak, ang kababata raw ni Shanaya.

Hirap na hirap na siya sa lugar na iyon. Tinangka niyang sabihin ang lahat sa kanila; ang mga nangyari sa pagitan nila ng tunay na Shanaya, subalit naduwag siya. Nasaksihan niya kasi ang isang dayo na pinarusahan ng ninunong dayo dahil daw sa kasinungalingan. Baka gawin sa kaniya iyon at ayaw niyang makulong sa kuweba ng isang taon. Kailangan makaalis na siya rito.

"Wala. Bakit ka andito? Babalik na ako sa puwesto ko." tinangka na niyang tumalikod at pumunta sa kaniyang puwesto. Subalit, naramdaman na lang niyang hinawakan siya ni Tamak sa braso. Napasulyap siya rito at nagtatanong ang mga mata.

"May problema ka Shanaya. Sige, sabihin mo. Tayo lang makakaalam, pangako." nang-eengganyo ang ngiti nito.

Pabuntung-hiningang pinalis ni Bella ang kamay ni Tamak sa kaniyang braso. Siguro nga, wala na siyang pag-asang makaalis sa lugar na iyon. Ihahanda na lang niya ang sarili sa maaaring mangyari o gaano ba siya katagal baka habang-buhay na rin. Hindi niya alam at wala na siyang balak alamin pa.

"Sige, kung hindi ka pa handa. Narito lang ako, asahan mo." Hindi na tumugon pa si Bella sa tinuran ni Tamak. Mabilis na siyang pumunta sa kaniyang puwesto.

Anim na buwan na ang nakakalipas, subalit wala pa ring humihiling sa kaniya. At hindi rin naman niya alam kung paano pagbibigyan ang mga ito.

Nakapangalumbaba siya sa loob ng lagusang nag-uugnay sa lugar ng mga tao, nang marinig na may tumatawag sa kaniyang pangalan, sa pangalan pala ni Shanaya.

Sinubukan na rin niyang lumagpas doon subalit hindi siya makalagpas.

"Shanaya, pagbigyan ang aking hiling" boses lalaki iyon.

Hindi malaman ni Bella kung lalabasin ang lalaki o mananatili na lang sa loob ng lagusan. Subalit, nakakatatlong tawag na ang lalaki at kapag nag pang-apat na ito, maririnig na ng mga ninuno at pupuntahan na siya. Ganoon kasi ang nalaman niyang ginawa sa isang dayo.

Kinakabang nilabas na ni Bella ang lalaki. Pumikit siya at sa pagmulat ng kaniyang mata, nasa harap na siya ng lalaki. Halos kaedad lang niya ito, mga nasa teen lang at guwapo. Taga-probinsiya kaya ito?

"Hmmm... bakit?" tama ba ang unang salita niya? Hindi na kasi niya maalala ang sinabi dati ni Shanaya. Ang nakakainis na si Shanaya!

"Ikaw ba ang mahiwagang dayo?" nagniningning ang mga mata nito nang masilayan siya. Parang binigyan niya ito ng pag-asa.

"Oo. Ano bang hiling mo?" naku, heto na. Paano ba nila tinutupad ang isang hiling na mga ganito? Naghahalo-halo ang emosyong nararamdaman ni Bella; pagkalito, pangamba at excitement na rin. Paano nga ba? Ikukumpas ang kamay?

At sa hindi niya malamang dahilan, hindi pa man naibubuka ng lalaki ang labi para magsalita, parang may maliliit na salitang nagkagulo sa harap niya, diretso sa kaniyang utak.

"Ano?! Kuya, hindi ako Diyos!" biglang nasabi niya.

Natulala naman ang lalaki at pati si Bella ay hindi nakahuma sa nasabi.

"Paano mong nalaman? Nabasa mo ang nais kong sabihin?" Hindi makapaniwalang saad ng lalaki.

Nakakabasa siya ng isip? Pero bakit si Tamak kanina... a, mortal lang siguro ang kayang basahin ng dayo hindi ang kapwa niya dayo.

"O-oo naman. At hindi puwede ang hiling mo, iba na lang." Baliw ba itong lalaking ito?

Nais niyang buhayin ko ang girlfriend niyang namatay sa aksidente? Baliw nga.

"Pero, sabi ng pinsan kong si Carlo, taga-dito siya, kaya mo raw iyon. Parang awa mo na, ayaw ko siyang mawala sa akin. Mahal na mahal ko siya. Lahat ay ibibigay ko, matupad lang ang hiling ko." Lumuhod pa ito sa harap niya habang tumatangis.

Napapangiwi naman si Bella. Kahit siya ay naiiyak na sa mga pangyayari. Ano ba itong pinasok niya? Dahil sa kasakiman niya sa kapangyarihan ito tuloy? Tapos nais pa nitong bumuhay siya ng patay?

WTH ???

"A, kasi... ano balik ka bukas baka may sagot na ako. Sige, bye." At pumikit na siya bago pa man siya mapigilan nito.

Natutulala namang naiwan ang lalaki sa gitna ng kadilimang iyon. Hindi makapaniwala.

***

"Oh God! Anong gagawin ko?" Kagat ang isang daliri na pabalik-balik si Bella sa kaiisip. Nate-tense na siya!

"Shanaya!" Napaigtad si Bella nang marinig ang boses ni Tamak.

"Bakit ka ba nanggugulat?" naiinis na saad niya.

"Ha?" Matagal nang napapansin ni Tamak itong si Shanaya. Simula nang mapalaya sa pagkakakulong sa kuweba.

Dati kasi, napakasungit nito at kahit magkababata sila ay hindi siya nito kinakausap. Lagi nitong sinasabi na nais nitong maging tao, kaya hindi ito nakikihalubilo sa kanilang mga dayo.

Ang isang dayo kasi kapag tumuntong na ng bente, ito na ang kanilang huling itsura. Kaya nanatili ang kanilang kabataan. Subalit, ang pagbibilang sa kanilang edad ay magpapatuloy.

At mula pa man nang tumibok ang kaniyang puso, itong si Shanaya lang ang tanging gusto niyang mapangasawa.

Kaya natutuwa siya at kinakausap na siya nito.

Pero, marami nga siyang napapansin dito. Laging malungkot, aligaga at parang hindi sila lahat kilala.

"Tamak, may... may itatanong sana ako sa 'yo." alanganin pang saad nito. Nahihilo na nga siya sa kababalik-balik nito.

"Ano 'yon?" nakangiting sabi niya.

"Bumubuhay ba talaga kayo... I mean... tayo ng... patay?" nakangiwi pa ito habang nagtatanong.

Nakangangang hindi makapaniwala si Tamak sa sinabi ni Bella. Bakit hindi?

E, si Shanaya ang master ng mga hiling. Kabisado nito ang lahat ng puwedeng ibigay sa mga mortal. 'Di ba nga kahit hindi puwede ibinibigay nito. Anong nangyari?

"Bago ko sagutin 'yan, may tanong din ako sa 'yo?" alanganing tumango si Bella.

"Ano iyon?"

"Sigurado kang hindi mo alam?" umiling nang marahan si Bella.

"Kung ganoon, hindi ikaw si Shanaya. Sino ka?" matiim na tinitigan pa siya ni Tamak.

Napanganga naman si Bella. Oras na ba para sabihin ang totoo?

Hiling sa Mahiwagang Dayo 2: Shanaya, sa mundo ng mga Mortal
jhavril
2015

Ang kabuuan ng buong kuwento ng Hiling sa Mahiwagang Dayo 2 ay mababasa na sa DREAME (www.dreame.com). I-search lang ang JHAVRIL at naroon na ang pagpapatuloy nito. Mahilig ako sa twist kaya asahan na may kakaiba sa kuwentong ito. Maayos na rin po siyang na-edit. Pa-follow na rin po ako. Salamat sa pang-unawa :) Tapos na rin po iyon :)

Hiling Sa Mahiwagang Dayo 2: Shanaya, Sa Mundo Ng Mga MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon