"Ma, alis na po ako" sigaw ko kay mama pagkatapos kong kumain ng agahan, nandun kasi siya sa likod ng bahay naglalaba, alas sais pa ng umaga at alas otso pa yung pasok namin pero nasanay na akong umalis ng bahay ng ganito kaaga dahil naglalakad lang ako papuntang paaralan, medyo malayo, mga apatnapu't limang minuto na lakaran din bago ako makarating doon.
Pero gaya nga ng sabi ko sanay na rin akong maglakad lang papuntang paaralan, binibigyan naman ako ni mama ng baon at pamasahe pero gusto ko kasing ipunin yun, tapos sabi nga nila "Mag exercise tayo tuwing umaga" diba mabuti rin sa katawan yun hehehe may kasama naman ako mga kapit bahay ko at mga schoolmate ko din.
Alam ni mama na naglalakad lang ako papuntang paaralan pero palagi niya akong sinasabihan na sumakay kapag uwian na, alas singko ng hapon kasi labasan namin siguradong abutin ako ng dilim sa daan kung maglalakad lang ako, pero hindi ko pa naman nasubukang maglakad lang umuwi.
"Okay anak, inubos mo ba yung agahan mo? baka aalis kana naman na konti lang kinain mo." mama
"Inubos ko po ma"
"Yung baon mo baka makalimutan mo na naman" kasi makakalimutin talaga ako minsan
"Opo ma nasa bag ko na po"
"Sige mag-iingat ka anak"
"Karen!!!" bungad agad sakin ni Joey at Jessa na naghihintay sa akin dito sa tindahan nina Aleng Pasing dito kami naghintayan, sila yung mga kasama ko papuntang paaralan.
"Oh himala kasi nauna kayo sakin dito" sabi ko sa kanila.. magpinsan sina Joey at Jessa pareho silang nasa ikatlong taon ng Hayskul ako naman nasa ikaapat na taon na, sa wakas ga-graduate na ako this year.
"Nauna kami kasi nahuli ka e" joey
"Tse"
"Tara na"
Pagdating ko ng classroom tinapos ko agad yung assignment ko na di ko pa natapos, kasi naman eh ang daming project may report pa ako mamaya.
Natapos din yung isang araw na klase namin pero sandamakmak na namang assignment yung ibinigay.
Pupunta muna ako ng library para mag research, dito ko lang kasi pwedeng gawin tong isang to, tapos yung iba pwedeng sa bahay nalang.
"Kareeeen!" pabulong na sigaw ni Joey.. pabulong na sigaw kasi di pwedeng mag-ingay dito sa lib. Halatang tumatakbo to papunta rito sa library
"Oh bakit?"
"Karen naman kanina pa kami naghihintay sayo dun sa may gate!" napatingin ako sa oras 5:30 na pala
"Naku Joey sorry tatapusin ko lang tong niresearch ko konti nalang, pero kung gusto niyo mauna nalang kayo ni jessa umuwi"
"Okay lang?"
tumango nalang ako bilang sagot kay Joey
"Okay lang talaga?"
"Oo nga.. okay lang"
"Sorry karen ha? di ka talaga namin mahintay kasi pinapauwi agad kami e darating kasi sina lolo at lola ngayon"
"Okay lang talaga Joey mauna na kayo uuwi din naman agad ako pagkatapos nito tapos sasakay naman ako mamaya e"
Umalis na si Joey at ipinagpatuloy ko ang pagre-research, 6:00pm magsasara na tong library.
Sa wakaaas! natapos ko din, pagtingin ko sa oras 5:49 na. Naglakad na ako palabas ng School.
"Uy karen pauwi kana?" tanong sakin ng mayabang kong classmate na si Clark kasama niya mga barkada niya
"Oo"