chapter 2

16 0 0
                                    

Natapos ang klase namin na maski isang subject ay wala akong maintindihan..lutang kasi ang isip ko, well not so lutang ha...busy pala ang isip ko..hehehe! all day ko kasing iniimagine ang bagong prof namin...teka ano nga palang pangalan nya? antanga ko naman...prof ko,diko man lang alam ang pangalan? hmmmp! "naku...gutom nako...di pala ako nakapagsnack kanina,punta na nga lang muna ako sa canteen" sabi ko sa sarili ko at naglalakad na papuntang canteen

"hello miss!pwedeng makishare ng table?"

"sure!"sabi ko,pero diko naman tinitignan yung nakishare sakin ng table...gutom na kasi talaga ako, kaya busy ako sa pagkain

"anyway miss...im new here..gusto ko sanang magtanong kung san banda yung library dito?" tanong sakin nung lalaki

"ganun ba?well,madali lang namang tuntunin yun eh"sabay tingin sa kanya

"miss ito juice oh,inumin mo na..baka mapano kapa nyan"

binigyan nyako agad2x ng juice kasi nga nabulunan ako...grabeh,kahit sino sa kalagayan ko ngayon, ganun talaga mangyari...biruin mo yung ultimate crush ko since grade school ay kaharap ko ngayon..grabeh! i didnt expect this...matagal na panahon nadin yung last time ko syang makita,naalala ko pa nga eh...

  flashback

"sigurado kaba talaga dito leah?" tanong sakin ni ekai

"uu...diba matagal mo nang alam ang tungkol sa nararamdaman ko sa kanya? at  matagal ko nading itinatago to...diko na kayang titignan lang sya mula sa malayo..tsaka 1more year gagraduate na tayo ng highschool"

"pero leah naman alam mo namang di maganda kung ikaw pa ang magsabi ng nararamdaman mo sa kanya diba? kababae mong tao eh"

"pls understand me naman oh...plssss!just help me.ok?" pagmamakaawa ko sa BFSK ko,at nagpuppy eyes pako sabay pout

"o sige na nga,total makulit ka eh" nauna na syang naglakad sakin

ang plano namin,magaantay kami ng dalawa ni ekai sa labas ng room nina karl..at dun na nga namin sisimulan ang plano namin...ganito lang naman ang plano namin..pakiusapan sya na manghihiram ng libro para sa assignment namin sa isang subject at magpatulong narin...magkabatch kami pero ibang section nga lang...ng makita na naming palabas na si karl,kinabahan nako..sisimulan na sana namin ang aming plano ng biglang lumabas si sheila,at magkahawak kamay pa silang dalawa...that bitch! i  hate her!

"oh hello to both of you leah and mika"nakangiti samin si karl...pero si sheila tinaasan ako ng kilay at pinandilatan..parang sinabi nya na loser ako.

"hi din" sabay naming bati ni ekai

"babe..alis na tayo...gutom na kasi ako eh, dba you promised na mag dinner date tayo? lets go na!"

grabeh ang sarap tirisin ni sheila..at ang landi2x pa

"oh pano guys..mauna na kami ha..byeeee!"paalam ni karl samin..

END OF FLASHBACK

mula nun,di na kami nagkita ulit ni karl dahil lumipat na kami ng ibang school ni ekai...ayoko na kasing makita pa sila ni sheila na magkasama..sobrang sakit kaya nun

"Leah?!ikaw pala yan...kumusta kana?"

nabigla ako dun ah..parang nagising ako sa pagmumunimuni,pero bakit ngayon parang wala man lang excitement akong naramdaman ng makita ko sya ulit...nabigla lang talaga ako..but in fairness ha..ang gwapo2x parin nya..and ang tangkad nadin

"ok lang ako karl,ikaw kumusta?"balik tanong ko sa kanya..nakatitig lang sya sakin

"well...seems ok naman..lalong lalo na ngayon"

hindi ko alam kung anong ibig nyang sabihin,basta he looks so happy ^__^ ..titig lang sya ng titig sakin..nakakailang naman, siguro kung noon lang nyako tinitigan ng ganito, napakasaya ko na..pero iba na ngayon..bat parang balewala nalang sakin?...nakamove-on na kaya ako? napapitlag ako bigla...nagring kasi phone ko, kinuha ko phone ko sabay tingin sa caller..si mommy tumawag..ano kayang importanteng sasabihin nito.?..di kasi sya tumatawag ng basta lang eh..

"excuse me muna karl..i have to answer this call" sabay tayo at lumabas ng canteen

"hello mom?" kinabahan ako..pero salamat naman at wala palang masamang balita, sinabi nya lang naman sakin na di muna uuwi ng bahay..sinabi nya lang ang address nung restaurant kung san kami magkita para magdinner..pagkatapos namin mag usap bumalik agad ako sa table ko kung san andun si karl.

"by the way karl,kelangan ko ng umuwi..sorry kung dina kita mahatid sa library ha..anyway,madali lang namang tuntunin eh" at sinabi ko na sa kanya kung san dadaan para makapuntang library

"salamat leah..ive missed you so much..im so happy that we met again..pls take care and see you again!" sabay tayo nadin nya, at nag insist pa syang ihatid ako sa parking lot..pero tumanggi nako.

Naglalakad nakong papuntang kotse ng bilang

"aray ko po"grabe antanga naman ng nakabangga sakin..diba nyako nakitang papalapit dito?grrr

"sorry miss...dimo naman kasi tinitignan ang dinadaanan mo eh" sabi nito...uu nga naman..lutang kasi ang isip ko about sa nangyari dun sa canteen kanina...hanggang ngayon di parin ako makapaniwalang same school na ang pinapasukan namin ni karl

"sorry po" sabi ko sabay tingin sa kaharap ko O_O nagulat ako..kasi diko akalain na sya pala ang nakabangga ko...this familiar face..oh god!help me...baka malunod ako sa kagwapuhan nya

"ano?tititigan mo na lang ba ng tititigan ang mukha ko?" sabi nito na iiling-iling pa

"sorry po ulit sir" paumanhin ko sa kanya..ang nakabangga ko lang naman ay yung new professor namin..goshhhhh! grabeh ang gwapo nya talaga..teka,baka tumulo na ang laway ko nito, nakakahiya at makita pa nya,baka maturn off sya sakin..ano kayang name nya? matanong nga

"excu......."diko na naituloy yung sasabihin ko sana, kasi tumalikod na ito papunta sa isang  sasakyan..pati lakad nya ang sexy tignan *__*..pero napakaungentleman naman nya...diman lang ako tinanong kung nasaktan bako...di rin lang nagpaalam na aalis na..kakainis din ah! snob ang beauty ko.itetext ko nalang si ekai kung anong name ng new prof namin,ilang minuto akong nag-antay pero walang ngreply..matawagan na nga,out of coverage din..si tina nalang itetext ko,yung isang klasmeyt ko na kaibigan ko rin pero di gaanong close

"hi tina! gusto ko lang sanang itanong kung anong name nung new prof natin?" text ko sa kanya

"hello rin sayo leah...ronaldo de guzman..bat mo natanong?" reply ni tina

"wala lang,sige tina,salamat sa reply." reply ko kay tina...

bat pang matanda naman yata name nya..ronaldo?as in RONALDO?....di talaga bagay.. makaalis na nga lang..pinaandar ko na ang kotse ko papunta dun sa restaurant na sinabi ni mommy kanina lang

i cant be inlove with somejerkWhere stories live. Discover now