Pilot Chapter

19 0 0
                                    

Si Shiela ay isang anak ng magbubukid na sa isang malayong probinsya, dahil sa kanyang katalinuhan ay dadalhin siya ng kanyang magulang sa maynila upang mag aral ng abogasya, elementarya pa lamang siya ay honor student na siya at kahit salat sa buhay ay napagsasabay niya ang pag aaral at pag tulong sa magulang dahil siya ay nagiisang anak nila Manong Tasyo at Manang Rita kaya pinag pupursigihan nila ang pag aaral ng anak.

"Shiela gumising kana at maaga tayong babyahe pa maynila at umpisa na ng pasukan bukas, napuntahan na namin ng iyong nanay ang boarding house titirahan mo doon sa maynila " wika ni Manong Tasyo

"Opo tay kanina pa po ako gising , inayos ko po ang mga gamit ko " wika ni Shiela.

Pagkatapos nilang magayos ng mga sarili nila ay sabay sabay silang mag anak na nag almusal

"oops tasyo, bago mu isubo yang nasa kutsara mo eh magdasal muna tayo para sa biyayang binigay sa atin ng Diyos" wika ni Manang Rita

"ay pasensya , halika na shiela umupo kana dito ng maumpisahan na natin ang almusal at baka tanghaliin tayo sa byahe" wika ni Manong Tasyo

"Opo tay andyan na po"  wika ni Shiela

Pagkatapos nilang kumain at nagpahinga ng ay umalis na sila at dahil maiiwan ang ina ay sinabihan nalang niya ang kanayang anak na mag aral mabuti at laging mag iingat tumawag ka lang sa amin kapag may problema .

Pagkatapos ng 8 oras na byahe mula norte ay nakarating na ang mag-ama sa tutuluyang bording house niya

Magandang tanghali Mrs.Sanchez, ito po ang anak ko si shiela" wika ni Manong Tasyo

"Ah siya ba, ang ganda naman pala ng anak mo hindi lang marunong mag makeup at magayos "sabay ngiti ni Mrs. Sanchez

"Ganyan lang ho talaga yan, ayaw ho mag make up kasi hindi ho sanay" wika ni Manong Tasyo

"ay Shiela yung mga kasama mo baka bukas pa makarating ng umaga kung may kailangan ka tawagin mo lang ako hah" wika ni Mrs. Sanchez

"Sige po, salamat po" wika ni shiela

Pagkaalis ni Mrs.Sanchez ay inayos na nila mag ama ang kanyang gamit at ginabi na sila sa pag aayos nito at ng kwarto ni shiela.

"Oh anak gabi na , tara maghapunan na tayo at ako ay aalis na pagkatapos natin kumain" wika ng ama

"sige po itay sa ibaba po may malapit na canteen" wika ni shiela

Kumain na sila mag-ama at pagkatapos nila ay hinatid na ng ama si shiela sa kanyang kwarto.

"oh sige anak una na ko at medyo inaantok kana para makapagpahinga " wika ng ama

"salamat po itay, ingat po kyo sa pag-uwi i love you tay" wika ni shiela

"love you too anak, sige paalam" wika ng ama ..

PanaginipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon