Sabi dati ng isang sikat na commercial, para kanino ka bumabangon?
Wala naman akong maisip na sagot sa tanong na yan.
Hanggang dumating ang araw na yun.
Nasa kalagitnaan na ako ng kolehiyo noong makilala ko siya.
Random lang naman
Ordinaryo
Hindi tipong boy meets girl
Hindi siya sing gwapo ng favorite kong Actor na si Dennis O Neil.
Ayos lang, hindi naman rin ako kagandahan.
Hindi siya mala Superman.
Hindi rin naman ako ang tipong damsel in distress na kailangan ng superman o kung sino pang poncio pilato.
In short,
Hindi mala telenovelang inaabangan nyo gabi gabi ang story namin dalawa.
Hindi uso sa akin ang love at first sight.
Kaya malamang kung pagaganahin mo ang cs mo .Alam mo na agad na hindi love at first sight ang nangyari sa amin.
Ang pagmamahalan namin ay hinubog at pinatibay ng panahon.
Hindi dahil sa mga dates kaya kami sumasaya.
Ang date lang namin ay ang oras na magsisimba kami o kakain.
Simple lang , pero ewn ko ba masaya na ko sa ganun.
Hindi siya ng tipo ng taong nageeffort .
Hindi rin siya yung tipo ng taong pag inaway mo o nag galit galitan ka ee aamuhin ka.
Manigas ka, NGANGA ka sa kanya kung yan ang hihintayin mo.
Pero ganun pa man.
Dahil sa kanya nasagot ko ang tanong na yan.
Para kanino?
Para sa kanya:)
Para sa taong nagpaabilis ng heart beat ko.
Para sa taong simpleng eye to eye contact lang ay hindi ko magawa.
Para sa taong hindi ko manakaholding hands in public or in private.Basta't alam anjan siya sa tabi ko kalaibang saya na ang nararamdaman ko.
At higit sa lahat
Para sa taong , naiimagine ko ang future na siya at ako na talaga.
Ikaw? Para kanino ka bumabangon?:)
-In the middle of this ordinary life.Love comes your way and brings you a fairytale:)
BINABASA MO ANG
The Playlist
RandomThis is not a story. This is a compilation of a girl's feelings, thoughts and more.