7 Months Together (one shot)

638 23 27
                                    

7 months together

Nagbalik siya sa buhay ko, explaining what happened the day before we broke up. He was my first boyfriend but I never thought that he can act that way kasi sa ilang months na naging kami naging masaya naman ako.. Masayang magcelebrate ng pagsasama naming dalawa.. The greatest gift I thought God gave me, the 7 months we shared together.

December 25, Kasabay ng pagsilang ni Hesus kasabay rin ng pag-usbong ng aming pagmamahalan.. Araw na pinakamasaya para sa aming dalawa. He asked me through a letter tapos pinapunta ako sa isang lugar and then there I saw him wearing a smile that can mesmerize girls and made my heart pound in it's million beats. Sa tagal ng paghihintay niya, ngayong araw ko siya sinagot kasi saksi si Jesus sa pagmamahalan naming dalawa. Magaguide niya kami sa relasyong uumpisahan namin pareho. Ipinakilala niya ako sa mga magulang niya at sa mismong pagkatok ng alas-dose ay sinagot ko siya.

January 25, It's our new year together nung 1 and our 1st Month together. As a new couple we spent our time together sa mall para mag'date. Kain dito kain doon, nilubos lubos namin ang time namin para sa isa't isa. Ang saya ng araw na yun kasi ang sweet niya. Kapag tinitingnan ako ng mga lalaking nakakasalubong namin bigla niya akong aakbayan. Nagkulitan, nagharutan at nagpipikonan kami habang naglalakad paikot ikot sa mall na yun. It's simple but I really find it cute.

February 25, our 2nd month and also the love month wherein akala ko nakalimutan na niya ang celebration ng Valentine's day namin pero nagkamali ako. Nagulat na lang akong kinagabihan ng monthsary namin ay nandun siya kasama ang barkada niya na kumakanta ng "forevermore",theme song naming dalawa. Dala-dala ang bouquet of roses with a teddy bear on his side. That was the greatest and happiest day ever. Buti na nga lang hindi sila naabutan nina Mama at Papa kundi patay ako.

March 25, 3rd month, thankful kasi nakaabot kami hanggang dio sabi kasi ng mga kaibigan ko swerte na yung mga magkasintahang nakakatuntong ng 3rd month mostly kasi hanggang 2nd month lang tapos break up na. Lalo kaming tumatag. He visited me sa house even though alam niyang bawal siya sa bahay. Sabi niya ito daw yung gift niya para sakin ngayong 3rd monthsary namin--- ang maging legal. Kahit ayaw ng pamilya ko magalang pa rin siya sumasagot sa kanila. Nakita ko kung gaano siya kaseryoso saming dalawa. Doon ko napatunayang mahal namin ang isa't isa. Sa araw na to isang salita lang ang masasabi ko. Masaya.

April 25, Kahit nagkakaroon kami ng tampuhan hindi natatapos ang araw na hindi kami nagkakabati kasi mismong pamilya namin ayaw na mag-away kaming dalawa. Oo, tanggap na siya ng pamilya ko. Masaya diba? Bakit ayaw ng family ko na mag-away kami? Iyon daw ay dahil sa swerte daw ako sa kanya kasi minsan lang daw ang lalaking magkakaroon ng lakas ng loob na makipag-usap sa kanila ng harap-harapan para ipakita sakin na mahal ako. Alam ko namang swerte ako, swerte ako dahil minahal niya ako.

May 25, we spent our 5th month together sa isang resort kasama ang circle of friends namin pareho. At first medyo awkward pa pero nang tumagal ay ang kukulit na namin sa isa't isa habang maghawak ang kamay naming dalawa na nakangiti... Masaya. As of this summer parati kaming nagkikita nilulubosna naman namin ang mga sandaling magkasama kami kasi few weeks from now magiging busy na kami at magkakahiwalay ng school.

June 25, Madalang na lang kaming magkita. Ewan ko ba parang may mali ngayon, noong ilang months di ako nakaramdam ng takot at pagkabalisa pero bakit ganito ang feeling ko ngayon? Madalang na siyang magtext, madalang nang tumawag, madalang na kung bumisita sa bahay.. Minsan pa nga nagtanong sina Mama kung break na daw ba kami pero sabi ko ay hindi nagkibit balikat na lang ako kahit ang totoo ay may pagdududa na ako nararamdaman na alam kong hindi naman tama. Ni anino't baho niya hindi ko man lang maamoy at makita. Namimiss ko na siya. Namimiss ko na kami. Kelan kaya kami magkikitang muli?

July 25, Our seventh month together. Five months na lang 1 year na kami. Sana makaabot pa kami hanggang doon. Pero ang tanong, kami pa kaya? Makakaabot pa ba kami sa anniversary naming dalawa? Ilang araw kong hinintay ang text at tawag niya pero ni isa wala akong natanggap. Ni isang tuldok galing sa number niya na inaabangan ko at nakikita ko noon ay wala na ngayon. Ang hirap nga pag masyadong busy yung tao. Busy makipaglandian sa iba. Bakit ko nasabi iyon? Nagtext ang kabit niya. Siya. Siya raw ang original at ako lamang ang kabit. Di ko mapigilan ang luha ko sa pagdaloy sa aking namumulang pisngi, nababasa ng mga luha ko ang pisngi na noon ay hinahaplos niya. Habang binabasa ko ang text ng babae hindi ako makapaniwalang gagawin niya iyon sa akin. Inintindi ko naman siya, minahal ng buong buo, binigay ang tiwala ko at higit sa lahat seryoso ako sa pagmamahal ko sa kanya. Siya kaya? Mahal niya ba ako? Kung oo bakit maghahanap siya ng iba? Bakit may babaeng nagsasabing siya ang mahal at hindi ako? Ang sakit pala pag niloko ka ng taong pinahalagahan mo ng sobra. Ang inalayan mo ng buong tiwala sa pag aakalang hindi niya aaksayahin ang tiwalang yun, pero mali ako. Ang gandang birthday gift niya sakin. 25, petsa ng aking pagkabuhay pero petsa rin na pumatay sa pagkatao ko. Pakiramdam ko hinang hina ako.

After 4 months...

November, Bigla na lang siyang dumating ulit sa buhay ko. Nagbalik siya dala ang isang eksplanasyon na matagal na sana niyang ginawa--hindi daw iyon totoo, pinagtripan daw ako ng babaeng obsessed sa kanya. Ang tanong, bakit nasa babaeng iyon ang celphone niya? Hindi daw siya nagparamdam kasi sinabihan siya ng atrebida nang wag daw niya akong itext at tawagan pa. Hndi ako naniwala sa kanya dahil kung gusto niya talaga maayos yun, kahit pa sabihan siya ng iba, diktahan siya ng iba susundin at susundin niya ang sarili niya kung talagang gusto niya akong ipaglaban. Eh wala eh, sumuko siya agad. Mahal ko siya oo, pero hindi ibig sabihin nun maibabalik ang tiwalang sobra kong ibinigay sa kanya. Di ko alam kung pagpapakipot ba ang tawag dito kasi sabi niya mahal niya pa ako, ang mahirap dito ay may bago akong kasintahan. Kung mahal niya talaga ako maghihintay siya, gagawa siya ng effort para makuha ulit ako sa taong minahal ako kahit alam kong basag pa ako. Kahit pa mahal ko siya hindi sapat na basehan yun para pagkatiwalaan iyon. Sinira niya na iyon, at katulad ng tsokolate kapag ang tiwala ay natunaw hindi na ito mababalik sa dati nitong anyo.

7 Months Together (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon