Andito ako ngaun sa isang mall sa quezon city, wala lang unwind nagmumuni-muni at nagliliwaliw mag isa. Ang Loner ko nga lang.
Pero ayus lang sanay naman akong magisa.
(simula nong umalis sya)I have Bestfriend, pero may pasok sya kaya di ko sya kasama.
"Spade"
Nagulat ako ng may bigla sumigaw ng pangalan ko kaya hinanap ko kung saan nang galing, at nakita ko na galing sa kaklase ko, Si Ethan.
"Oyy ! kala ko naman kung sino. ikaw pala yan Ethan, ikaw lang ba magisa?"
Wala kasi akong makita na kasama nya. Ano naman kayang ginawa nya dito magisa?
Nagliliwaliw din? HAHAHAHA.
baka may bibilhin ?"Ah oo , napadaan lang may pinapabili si mommy sakin, ikaw magisa ka lang rin ba?"
May bibilhin nga.
"Yup, May klase pa kasi yung bestfriend ko, kaya ako lang"
"Saan kaba pupunta? samahan mo na lang ako, di ko rin kasi alam pumili ng pinapabili ni mommy sakin e"
ano naman kayang pinapabili sakanya?
"hmp, sige di ko parin naman alam kung saan pupunta eh. ano ba pinapabili sayo at di ka marunong pumili?"
"Ah--Amp"
Ang tagal nya makasagot At parang nauutal pa HAHAHA, Ang cute talaga nito ni Ethan. Natutuwa ako sakanya kasi yung bilog ng mata nya brown ang ganda at ang pula ng pisngi Hihi matangkad sya sakin hanggang balikat nya ako.
magkaedad lang kame pero para syang bata, kaya nakakatuwa."Ah I-isda ditu sa supermarket di ko kasi alam kung pano pumili ng sariwa at hindi, HEHE Pasensya na."
Sabi nya na parang naiilang.
"Ah, akala ko kung ano, sige tara na sa supermarket."
Bumili kame ng pinapabili sakanya ng mommy nya habang nagkukwentuhan, masaya sya kasama at di ka maboboring tatawa ka ng tatawa kasi ang kwela nya, at parang walang problema.
(ang saya maging sya napaka jolly at masayahin, sana ganyan di ako)
Nang tapos nya nang mabili ang pinapabili sakanya, nilibre nya ako ng icecream sabi nya pasasalamat sa pagsama sakanya.
Ang pagmumuni-muni ko magisa kanina ay naging masaya kahit papano.
Nang tapos nya ng ubusin ang icecream na binili nya ay nag yaya na syang umuwe, kaya umuwe na rin ako, wala na rin naman akong gagawin dito sa mall.
~
Palabas na kame sa exit ng mall ng may taong nakita ko ng di inaasahan.(Nandito na pala sya, pero di ko alam at parang ang saya saya nya ngaun)
Bigla na lang akong naistatwa at di nakagalaw sa kinatatayuan ko.
YOU ARE READING
Moving Forward
Random"Life Gies On" ika nga nila , peru ganun naman talaga diba ? Hindi Titigil ang buhay dahil lang sa mga bagay na hindi mu gustong mangyare , o dahil may mga maling nagawa ang mga taong hindi mo akalang magagawa nila , o di kaya'y dahil nasaktan ka...