kabanata 1

3 0 0
                                    

"Rain dito na ba talaga mag-aaral si Calrex?" Tanong ko sa kaibigan ko.
Nasabi na niya ito sa akin nuon na babalik si Calrex at dito na mag-aaral hindi ko akalain na ngayon ang araw na iyon. Araw na makikita ko siya ulit.
"Oo lilipat na siya dito. Naging maayos na kasi ang negosyo ni tito doon sa Digos. Lumago ang restaurant ni tita, madadagdagan ito nang branch at dito sa Davao, dito iyon balak itayo. Kaya babalik sila dito para pagtuonan ng pansin ang bagong itatayo na restaurant. Bibisita na lang sila duon sa Digos may mga tauhan naman silang pinagkakatiwalaan don"
saad nya. Umupo sya sa isang bakanteng bench na nakahilera malapit sa gate. Wala kaming pasok sa last period. May mga studyanteng nakaupo sa kabilang bench hindi kalayuan sa amin.

"Nung saturday siya dumating. Busy 'yon ngayon. Inaasikaso ang enrollment form. Nagkita na kayo?"
Umupo ako sa tabi niya.
Kilala ko na nuon pa si Calrex.
Magpinsan sila ni Rain at Esiah. Malaki ang pamilyang Moltivilima family friend namin sila.
Magkababata kami ni Rain at Calrex.
Mula bata pa kilala ko na siya, kaibigan at kaklase.
Nang mag-grade six kami nalipat nang destino ang daddy nya kaya kailangan din nilang lumipat sa Digos.

"Hindi, hindi niya ako nakita.. ako lang ang nakakita sa kanya"

Habang sinasabi ko 'yon hindi ako tumingin sa kanya, natatakot ako.
Takot na malaman na hanggang ngayon may gusto parin ako sa pinsan niya. Oo alam niyang may crush ako ky pero Rex bata pa kami nun.
Mapanuri ang mga mata ni Rain kaya iniiwasan kung mapatingin sa kanya.
"Soo..nakita mo siya. Pero hindi mo nilapitan."
Hindi iyon patanong. Dahan-dahan akong napatango. Uminit ang pisngi ko, alam kung namumula ako.

"Ghaaadds!! OhMy!! Are you still into him? Sonya Dette, your blushing!!" Laglag ang panga ko sa lakas ng boses ni Rain! Napalingon abg ibang mga studyante dahil sa biglang pagsigaw nya.

"Sshhh!! Ano ba Rain ! Lower down your voice!! Nakakahiya! Ang rami pa namang chismosa dito!"
Bulong ko sa kanya.

"Goshh! It's been 5 years! Woah! Siya parin pala! Kaya pala busted si Ray 'yong kateammates ni Esiah! Your stilL into my cousin huh!" Amuse na amuse na pagkakasabi ni Rain.

"Hindi naman.. haha ewan ko! Crush lang naman.. crush lang Rain"
Nahihiya kong sinabi. Kahit bestfriend ko to, nahihiya parin ako. Pinsan niya ang pinag-uusapan dito.
Hindi ko naman binusted si Ray eh, sa katunayan sasagotin ko na sana 'yon pero bigla na lang siyang nagbago eh..
Hindi ko na siya maintindihan.
Bigla na lang niya akong iniiwasan.

Natigil ang usapan tungkol ky Calrex
Bigla kasing dumating sina Bea at Camille mga kaibigan namin ni Rain.
Kaklase namin sila nuon.
Ayaw ko na may makaalam. Kung pwede lang wala na sana ang makaka-alam tugkol dito. Takot akong malaman ni Calrex n may gusto ako sa kanya, nahihiya ako.

Napag-usapan lang namin tungkol sa mga projects.
Napepressure sila sa isang proyektong pinagawa sa kanila kaya grabe ang pagmamaktol nila sa amin.
"Group study tayo bukas sa amin Son.." saad ni Bea na agad namang sinang-ayunan namin ni Camille. Si Rain ay may kausap sa phone kaya lumayo muna siya sa amin. Maybe important matter lang iyon.

Nang makabalik siya ay nagmamadali niyang inayos ang gamit niya at
Nagpaalam.
Hindi na kami nagtanong.
Sinabi na lang namin ang plano namin bukas.

"Son.. hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ni Bea, umiling lang ako.
Nagpaalam sila na mauuna na silang uuwi. Adyan na raw ang sundo.

Inayos ko ang gamit ko.
At tinignan ang phone na may mensahe galing kay mang Isko na driver namin.

'Maam Sonya, pasensya na po pero nasiraan kasi ang sasakyan, matatagalan pa ito maam. Etetext ko na lang ang daddy mo maam, para siya ang susundo. Pasensya na talga maam'

Nagtipo ako nang erereply.
Okay lang naman sa akin ang magcomute. Madalas namin gawin 'yon ni Rain pero mukhang mahihirapan ako ngayon magcomute.
Malayo kasi ang sakayan dito.
Exclusive school kasi ito. Halos lahat ng studyante may driver ode kaya may sariling sasakyan.
Wala din gaanong dumadaan na taxi dito lalo na ngayon, mukhang uulan.

Tinext ko si daddy.
Unti-unti nang nauubos ang studyante.
Dumidilim na rin.

Pamilyar na sasakyan ang tumigil sa harap ko.
Yumuko ako at nagpanggap na maykatext. Alam ko sa loob ng sasakyan ay si Esiah, susundoin niya siguro sila Rain.

May pumapatak na tubig. Nagsimula nang bumuhos ang ulan.
Tumunog ang sasakyan ni Esiah.
Hindi ko parin pinansin.

Hindi naman kasi kami gaanong close. Ky Rain lang at sa kapatid na si Charlie. Family friend namin sila.
Si Es kasi medyo suplado. Normal lang ito, kasi lalaki naman siya.

Rinig ko ang pagbukas ng sasakyan niya.
Nilingon ko siya na naglalakad patungo sa akin. Naka darkblue longsleeve sya na nakatupi hanggang siko. Ang isang kamay ay nakahawak sa payong at ang isa ay nasa bulsa.

"Sino ba iyang katext mo at hindi mo mabasa ang text ni tito? Tumawag ang daddy mo sa akin at pinapasundo ka. Tss"
Tinignan ko ang phone ko at may tatlong missed call at text galing kay daddy.
Nakalagay duon na si Esiah ang magsusundo sakin kasi susunduin niya pa si mommy.
Sa sobrang focus ko na magpatay pansin hindi ko namalayan na tumawag si daddy.

"Ah- ano kasi.. ahm- sira iyong signal.OO tama! Sira kasi kaya ngayon ko lang natanggap ang text ni daddy" sabay pakita sa kanya.

Hindi niya ito pinansin.
Tumalikod lang siya
"Halika na sumilong ka sa payong, mababasa ka nang ulan"
Nagdadalawang isip pa ako kung makikisukob ba ako sa payong niya

Mukha na naman kasi siyang galit.
Naku! Sobrang suplado! Hindi talaga kami magkakasundo nito.

"Ahm. Hindi mo ba susunduin sila Rain?"
Nakita ko ang pag igting nang kanyang panga.
"May sasakyan sila." Tumango na lang ako at nanahimik.
Binuksan niya ang sasakyan at pumasok ako sa frontseat.

Sumalubong agad ang panlalaking amoy nang kanyang sa sakyan.
Ang sarap amuyin.
Naka on ang aircon ramdam ko kaagaad ang lamig nito.
Medyo basa kasi sa may bandang siko ko.
"Fasten your seatbelt please"
Sinirado niya ang pintuan at lumiko para makapasok narin.

Tss. Suplado!

Im Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon