Voice 4-Hurricane

16 2 0
                                    

Rain Matthew's POV

"Nice to meet you! "
sabi niya .

"N-nice to meet you too."
nauutal kong sagot. Ewan peru I really feel uneasy just by holding her hand. Nakahinga lang ako ng maluwag nang bumitiw na siya sa hand shake.

"Secret Admirer kita noh? or stalker ?"
patuksong sabi nya.

"H-huh ? di noh !"
depensa ko. Eh di naman talaga eh.

"Eh di ba ikaw din yung nakita ko dito last week ? Ikaw yung sumisilip ng patago!"
sabi niya . Hinuhuli nya talaga ako.

"Ah. yun? nagkataon lang na napadaan ako dito. At narinig kasi kitang kumakanta eh."
paliwanag ko sabay kamot ng ulo.

Napansin kong parang napahinto siya sa sinabi ko peru ngumiti din naman siya muli at tumango.

Parang napapansin ko na karamihan sa mga estudyanteng napapadaan ay nagbubulungan or better to say, natatawa habang nakatingin sa amin..

Sa amin nga ba o sa kanya lang?

Nang tiningnan ko siya, nagbago ang timpla ng kanyang mukha at naglaho ang kanyang matamis na ngiti.

"Okay ka lang ba ? "
tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya at napayuko.

"S-segi .. alis na ako.."
nauutal na sabi nito habang nakayuko.

"T-teka Yuri !"
sinubukan ko siyang tawagin peru tumakbo na ito palayo.

Anong nangyari ?

Hindi ko na siya hinabol. Ang daming tanong sa isip ko.
Sino ka nga ba Yuri ?
Bakit parang puno ka ng kalungkutan?

Tulala akong bumalik ng classroom. Di parin maalis sa isip ko si Yuri. Bakit di ako pamilyar sa kanyang mukha eh samantalang dito na ako nag-aaral since highschool.

Baka transferee sya .. o dito niya naisipang mag-college.

"Hoy Ulan !! "
sigaw ni Jasper. Kanina pa ba sila sa harap ko?

"H-huh? "
tanong ko.

"Naman oh ! Talagang binaha narin yang utak mo dahil sa pangalan mo!"
reklamo ni Sky sabay upo sa bakanteng upuan.

"Bakit parang tulala ka ? Anong iniisip mo?"
seryosong tanong ni Miko. Mabuti pa itong si Miko marunong magseryoso kahit minsan.

I sigh heavily . Sasabihin ko ba ?

"Tsk. Wala !"
nagbago ang isip ko. Di ko nalang muna sasabihin.

"Sinasabi ko na nga bang binaha na yang utak mo eh! Tulala ka tapos wala ka namang iniisip? "
sabi ni Sky. Ang gagaling ng mga kaibigan ko ano?

"Haha.. di lang ulan ang nangyari sa utak ko ngayon."
sabi ko sa kanila. Umiiling iling ako habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang aking mga daliri.

"Eh anu pa ? Bagyo na?"
pakikisakay ni Jasper habang patawa tawa.

Umiling ako.
"It's a Hurricane .. kasalukuyan niyang sinasalanta ang isip ko ngayon.."
sinabi ko sa kawalan.

Tila natulala sila sa sinabi ko. Sabay napatingin sa isa't isa.

The VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon