Isang Araw, Kinabukasan

246 32 5
                                    

ISANG ARAW, KINABUKASAN
poem by: heynette




Isang araw, nakabangaan kita.
Kinabukasan, kaibigan na kita.
Isang araw, mas nakilala pa kita.
Kinabukasan, gusto na pala kita.




Isang araw, mas napalapit ako sa'yo.
Kinabukasan, hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
Isang araw, aamin na ako.
Kinabukasan, umurong ang dila ko.




Isang araw, bigla ka na lang lumayo.
Kinabukasan, nadurog bigla ang puso ko.
Isang araw, nabalitaan ko, gusto mo na s'ya.
Kinabukasan, nililigawan mo na s'ya.




Isang araw, kayo na.
Kinabukasan, nagkalabuan kayong dalawa.
Isang araw, lumapit ka sa akin.
Kinabukasan, umiyak ka sa akin.





Isang araw, hiniling ko na sana ako na lang.
Kinabukasan, hiniling ko na tayo na lang.
Isang araw, natupad ang lahat.
Kinabukasan, minahal mo na ako ng tapat.




Isang araw, tayo na.
Kinabukasan, naging masaya tayong dalawa.
Isang araw, nag-away tayong dalawa.
Kinabukasan, natauhan na lang ako, wala na pala tayong dalawa.




Isang araw, umaasa pa din ako.
Kinabukasan, hinihiling ko na sana meron pa ding tayo.
Isang araw, akala ko, mahal mo pa ako.
Kinabukasan, iba na pala ang mahal mo.

Isang araw, KinabukasanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon