The Plan (Part 2)

45 4 1
                                    

A/N:

PABAYAAN MUNA NA NATIN SILA KELLY. HAHA PUNTA NAMAN TAYO KILA MIGUEL.



MIGUEL'S POV


Ang tagal ko ng sinusubaybayan si Kelly at Gino pero wala namang nangyayari.

Lunch na namin ngayon at magkakasama kami nila Bryan.


"Bwesit naman oh!" Inis kong sabi.

"Oh bakit na naman Miguel?" Tanong ni Billy.


"Hindi naman kumikilos si Gino!! Tang ina akala ko pa naman maaasahan un." Sabi ko.

Kainis naman kasi.. Sinabi na namin kay Gino ung plano tapos wala naman siyang ginagawa!



Flashback.

AT TREE HOUSE

"Bat niyo ako pinapunta dito?" Tanong ni Gino.



"Sasabihin namin sayo ung plano. Nasabi ko naman na sayo diba na ikaw ung gagamitin namin para saktan si Kelly. So ngayon ieexplain namin sayo ang gagawin mo." Sabi ko sa kanya.


"Ok." Sabi niya.


"Dahil tutal manhid kang tao panigurado namang di ka maiinlove sa kanya right?" Tanong ni Bryan.


Tumango lang siya.


"So ang gagawin mo ay papaibigin mo siya sa iyo.. umpisahan mo na sa group project. Un ung una nating move. Kinausap namin si Maam na kau ang pagpares paresin nila Sky. Pumayag naman siya kaya gumawa ka na ng move mo. Ung tipong maiinlove siya sayo ng sobra tapos pag nagawa mo na yun saka mo siya sasaktan at iiwan." Sabi naman ni Billy.


Nalaman kasi namin na pagrereportin kami at by group un. Kaya naisip namin na pakiusapan sila maam na igroup sila Kelly Sky Stephanie at Gino.



Sinadya din namin na ibigay sa kanila ung Topic na LOVE.


Dahil kilala ang pamilya namin sa school na to at apo si Rex ng may ari ng school na to ay pinayagan kami sa gusto namin.


"Bakit ba gusto niyo siyang masaktan? Di niyo ba naisip na baka mas maging player siya kapag nasaktan ulit siya?" Seryosonh tanong ni Gino.



Actually naisip ko yan. Kilalang kilala ko si Kelly.

Kapag nasasaktan kasi siya hindi niya ipapahalata.


Ang tanging gagawin niya hihintayin ang kaibigan niyang icomfort at tulungan siya.


Pero kung hindi naman siya tinulungan o icomfort man lang ay hahanap siya ng mabibiktima at dun niya ibubuhos lahat ng sakit at galit niya..


Kaya ko nga to ginagawa dahil gusto ko siyang iligtas baka kasi mas lalo siyang lumala..



"Naisip ko yan. Kaya nga namin to ginagawa diba. Di ko naman hahayaang masaktan siya ng para lang sa wala. Naisip ko kasi na kapag nasaktan mo siya ay dun sisingit si Sky. Siya ung magiging shoulder to cry on ni Kelly. Tapos susulsulan din namin siya na baka ikaw ung karma niya at dapat magbago na siya sa pagiging playgirl niya. Hindi namin siya iiwan at icocomfort namin siya. Gagawin namin ang lahat mabago lang siya." Paliwanag ko naman.


Ang gusto kasi naming mangyari ay masaktan ulit siya ng sobra tapos hindi namin siya iiwan para maramdaman niyang di siya nag iisa.


Icocomfort namin siya ibabalik namin siya sa dating Kelly na napakasweet.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cold hearted Guy vs. PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon