CHAPTER 45 -Let him go

141 8 0
                                    

Mahirap pala talaga pag nasanay ka na sya 'yung sandalan mo tuwing may problema ka. 'Yung maiiyakan at matatakbuhan mo sa lahat ng oras. Ang hirap pala pag nasanay ka sa isang tao na laging anjan, kasi dadating pala 'yung point na mawawala sya. Mawawala taong laging anjan sa oras na kailangan mo sya, 'yung taong ibibigay lahat maging masaya ka lang. 'Yung taong naging dahilan kung bakit ka masaya sya din pala magiging dahilan kung bakit ka malungkot. Siguro nga kailangan na namin palayain sa isa't isa kasi kung kami talaga kami, sabi nga ni Steven Maraboli.

"The truth is unless you let go, unless you forgive yourself, unless you forgive the situation, unless you realize that the situation is over, you cannot move forward.."

Di'ba nga If you want to forget something or someone, never hate it, or never hate him/her. Everything and everyone that you hate is engraved upon your heart; if you want to let go of something, if you want to forget, you cannot hate. Nasabi yan ng prof namin sa English 123 di ko rin naman masisisi si ranz kung nag sawa na sya sa lahat, hindi ko rin sya maplea-please na balikan ako. Masaya ko na makita syang masaya sa iba.

"So ano na namang drama na'tin?" Bungad sakin ni alysa, andito kasi ko sa kanila naglilibang almost 1week na din ako nandito ayoko muna kasi makausap mga malalapit na tao samin ni ranz pwera sa babaeng 'to.

"Naguguluhan na ko. alysa! Ugh!!" Tyaka ako tumayo sa pag kakaupo at nag timpla nalang ng kape.

"Ella, mag desisyon ka ng ayos. Isipin mong mabuti kasi once na nag padala ka jan sa isip mo may posibilidad na pag sisihan mo lahat." Tumayo sya tyaka lumapit sakin tinignan nya ko mata sa mata "Nasa huli ang pagsisisi, friend."

Napaisip ako sa sinabi nya ano pa bang pag iisipan ko? Wala na nakikita ko na naman masaya si ranz at trisha simula nung huling kita namin nung hinatid nya ko sa bahay na sinabi nya na "MAHAL PA NAMIN ANG ISA'T ISA" Dafuq mahal nya ko pero pag katapos non ano? Hindi na sya nag pakita magkita man kami iwas na iwas sya sakin, hindi ko sya makausap gusto ko marinig side nya bat bigla nalang nya ko iniwasan. May times na trinatry kong tawagan sya kaso pinapatayan nya ko mas masakit pa nagpalit sya ng number.

Nagbihis na 'ko kailangan ko na talaga makausap si ranz, kailangan ko ng closure. Gusto ko marinig side nya bat nya ko ginaganto hindi 'yung para kong mang huhula na hindi malaman kung ano nasa isip nya. Ugh! RANZ KYLE ang sakit mo sa panga!! Pagkatapos kong mag bihis pumunta na ko sa kanila wala akong pakielam kahit anjan si trisha or kungs ino mang pontiopilato na babaeng kasama nya. Trinay ko ng kumatok ng dalawang beses may narinig akong yabag ng paa na papalapit sakin. Pag bukas na pag bukas ng gate gusto ko nalang tumakbo at magpakalayo layo.

"Hayy!! Ella kaya mo yan harapin mo sya!!" Sigaw ng puso't isip ko. Kaya ko na nga ba syang harapin? Nandito na rin naman kasi ko. Ano pa bang magagawa ko?

"What are you doing here?" Walang ganang sambit ni ranz, parang nanlambot 'yung tuhod ko an parang mas gusto ko nalang kainin ng lupa! Ella kaya mo yan!! Aja!!

"Pw-pwede ba tayong mag usap?" Saad ko.

"For what? Wala na tayo dapat pag usapan, Ella. Tigilan mo na ko may gi-girlfriend na ko." Sunod sunod nyang sinabi yan ng hindi makatingin sakin, kita ko sa mga mata nya na na nag sisinungaling sya! "So please... tigilan mo na ko." Tumitig sya sa mata ko bago pa man nya isarado pinto pinigilan ko na.

"Hindi naman ako nandito para mang gulo, ranz. Gusto ko lang ng closure please yon lang ang kailangan ko." Huminga sya ng malalim bago ko papasukin sa loob nila andito lang kami sa sofa walang gustong umimik di ko rin naman kasi alam pa'ano uumpisahan.

"So anong closure ang gusto mo?" Pambasag katahimikan nya na sya naman kinalamig ng buong katawan ko.

"Ranz, mahal mo pa ba ko?" Out of the blue. Lumabas nalang sya sa bibig ko umiwas sya ng tingin ilang minuto rin bago sya sumagot.

"Ella, hindi na kita mahal. May mahal na kong iba, ella tama na wag mo gawing tanga sarili mo." Feeling ko gumuho mundo ko, feeling ko huminto oras sa mga sinabi nya. Parang ayoko ng marinig pa susunod nyang sasabihin. "Ella hindi na kita mahal. Please! Tigilan mo na ko wala ng ranz na babalik sayo." Pinilit kong wag maniwala, pinilit kong wag umiyak at ipakita sa kanya na malakas ako na hindi ako apektado. Tumayo na ko narinig ko na gusto ko marinig, pag karating ko ng gate naramdaman ko may yumakap sa likod ko. Do'on na bumuhos ang luha kanina pa gustong lumabas.

"Ella, ingatan mo sarili mo. Sorry sa lahat ng nagawa ko, hindi ako lalaki para sayo. Mag iingat ka! I lo- nothing just take care of yourself." Pagkabitaw na pagkabitaw nya umalis na ko ng bahay nila eto na huling makikita ko sya eto na din 'yung huling yakap nya sakin.

RANZ KYLE POV

Pinagsusuntok ko pader ng kwarto ko hindi ko alam bat ko ginawa 'yon. Napakatanga kong tao ang swerte swerte ko na sa kanya bat mas pinili ko na itago sa kanya na may sakit ako na malapit na ko kunin ni Lord bat hindi ko nalang hinayaan na makasama sya sa mga natitira kong araw. Simula ng nalaman kong may Lung Cancer ako stage 4 parang gumuho mundo ko sa lahat ng kaibigan ko si trisha lang nakakaalam kasi sya ang nakakita ng lahat pa'ano ako nag hirap kung pa'ano ko labanan 'yung sakit.

"Ella kung alam mo lang na ginagawa ko 'to hindi para sa sarili ko para sayo 'to, kasi alam ko na mas masasaktan ka pag nawala ako sa mundong ito. Mas okey na 'yung maaga palang masanay ka na ng wala ako, masanay ka ng walang ranz na nag exist sa mundo mo. Ella kung alam mo lang kung ga'ano kita kamahal, mahal na mahal kita hinding hindi mag babago 'yon."

Kanina habang sinasabi ko kay ella lahat ng masasakit na salita para may nakabara sa lalamunan ko na hirap na hirap ako magsalita. Siguro tama na rin 'yung ginawa ko para kahit papa'ano makapag move on na sya. Mahirap pag nalaman nya makakabigat lang ako sa kanya makakaabala lang ako sa kanya, sana bago ko mawala sa mundong ito makita ko manlang sya na masaya na sya sa feeling ng iba. Makita ko na nakatapos na sya ng pag aaral na bubuo na sya ng future nya sa iba... hindi na sakin.

"No matter how much suffering you went through, you never wanted to let go of those memories."

Itatabi ko nalang ang lahat ng masasayang ala-ala namin, alam ko sa kagaguhang pinag sasasabi ko kanina malabo ng magtagpo ulit landas namin. Araw araw ko sya sinusundan ng hindi nya alam minsan nagtatagpo pa landas namin nakukuha ko nalang umiwas once na makausap ko sya at makita na naman ang mga ngiti nya baka mag bago isip ko. Wala na kasi gamot sa sakit ko ang kailangan ko nalang ay ang lumaban, lumaban kasama si God pati ang pamilya ko.

Sana bago dumating 'yung araw na mawala ako. Dumating sana yung point na maintindihan lahat ni ella bakit ko to ginagawa. Mas inisip ko mararamdaman nya kesa sa mararamdaman ko. Mas iniisp ko kalagayan nya kesa sa kalagayan ko. Mas inisip ko pa kung san sya sasaya kesa isipin ang sarili kong kaligayahan.

"Ella, mahal na mahal kita." Pagkatapos non, nag itim nalang ang lahat.

--
HI! HAHAHAHAHAHA! Sorry ngayon lang nakapag UD ang lame pa -_- Busy na kooo! Sino gusto maging co-author? Wuhuuu!! Dejoke. Hope u enjoy guys! Malapit ko na rin burahin ang CFC at IFY :) Hope u understand!! Enjoy!!! ILOVEYOU ALL!!

Im Forever Yours :) (CFCPart2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon