Knowing Each Other

3 0 0
                                    

"Daddy!!! Daddy!!! Wake up, today is your big day remember?"pilit na yugyog sa aking ng makulit kong anak. Napadilat ako at nginitian tapos pumikit ulit.

"Daddy naman eh" pilit pa ring yugyog niya sa akin at tila naiinis na.

"Opo gigising na aking prinsepe" sabay halik sa namumulang pisngi nito.

Nakalimutan ko ngayon pala ang pinakaspecial na araw sa buong buhay ko. Ang araw na aking pinakahihintay at pinangarap mula pa noon. Pagkaligo ko nag-ayos agad ako ng aking sarili nang biglang may kumatok sa pinto ng aking kwarto. Pagkabukas ko ng pinto nakapamewang na nagsalita ang munti kong prinsepe "Ano na Daddy ang tagal-tagal mo naman". "malapit na akong matapos mahal na prinsepe" sagot ko naman sa kanya.

"Gwapo na ba si Daddy?" bigla kong tanong sa kanya.
"Opo pero mas gwapo ako Daddy" ngiting sagot nito sa akin.
"Ako ang mas gwapo at sympre nagmana ka sa akin, baby" hirit ko naman sa kanya.
"Naku gwapo na kung gwapo Daddy pero late na tayo oh" biglang inis na sabi nito.

Pagkatapos naming mag-ayos sumakay na kami sa aking sasakyan. Habang binabaybay naming ang daan papunta sa lugar na gaganapin ang special na araw ng buhay ko nang biglang magsalita ang anak ko pambasag sa nakakabinging katahimikan na namamagitan sa amin "Daddy?"
"Oh bakit?" tugon ko sa kanya.
"Wala lang po, Masaya lang ako kasi mabubuo na ako sa wakas" walang pagsidlang saya na bigkas nito sa akin.

Kaba, galak at excitement ang halo-halong nararamdaman ko pagdating naming sa SIMBAHAN.
"See, daddy I told you we're late" hirit na naman nito sa akin.
"Oo na po" sabay buhat sa kanya papasok sa simbahan.

"Sir, sa loob na po tayo at magsisimula na tayo" salubong ng organizer sa amin.
Binaba ko na ang prinsepe ko ay sabay bulong nito, "Congrats daddy, I love you"
"Salamat prinsepe ko, I love you, too" sabay pisil sa mga pisngi niya.

Nagmartsa na ang lahat, abay, flower girls, ring bearer, ninang at ninong.. nabibingi na ako sa sobrang kabog ng aking dibdib habang nakikita siyang palapit sa kinaroroonan ko. Gusto ko nang hilahin siya at nang matapos na ito.

PAANO nga bang humantong sa ganito kasaya?

June 6, 2005
Back on my high school days. Unang araw ng klase at ophomore ako nang una ko siyang makita. Siya ay transfery sa aming paaralan.

"Good morning class . . . ." hindi ko na narinig pa ang ibang sinasabi ni Mrs. Garcia, ang aming adviser dahil sinalampak ko na sa aking mga tenga ang aking headset.

Biglang naniko ang isa kong kaklase, "Ano?" sabay tangal sa headset ko at hindi ko namalayan nasa tabi ko na pala si Mrs. Garcia.
"Mr. Cruz, nakasalampak na naman ang headset mo kanina pa kita tinatawag" galit na sabi ni Mrs. Garcia "Hindi 'to music class kaya itigil mo pakikinig ng mga music kung ayaw mong kunin ko yan" dugtong pang sabi ni Ma'am..
"Sorry po" sagot ko

KRIIING. . . . . KRIIING

Sa wakas break time na. nakalabas na ang lahat sa classroonm maliban sa akin at ng bago naming kaklase.
"Hi, Kenneth Cruz pala" sabay abot sa aking kamay.
"Channel Salvador" ngiting sagot nito.
"Hirap mag-adjust no?" tanong ko sa kanya.
"Oo eh, nakakanibago eh" ani naman ni Channel sa akin.
"Enjoy-in mo lang, tara meryenda tayo" alok ko sa kanya.
"Sige lang busog ako" tangi naman nito sa akin kaya nagpaalam na lang ako na pupunta sa canteen, pagkalabas ko ng classroom nakasalubong ko naman si kuya Charlie.
"Bunso, tara na" aya ni kuya.
"Sige kuya, libre mo ko ngayon ah, hehe" biro kong sabi kay kuya.
"Batok gusto mo? May pera ka namang bigay ni mama ah" tugon naman ni kuya "Nga pala sino 'yong kasama mo kaninang naiwan sa classroom niyo. Girlfriend mo ba 'yon?" ngiting dugtong ni kuya. "Baliw kaklase ko lang 'yon, tara na nga kuya gutom na ako" hirit ko sa kanya.

Habang kumakain kami ni kuya sa may canteen bigla na lang itong nagsalita, "Ganda 'nun, bakit hindi mo ligawan bunso bagay naman kayo eh"
"Kuya bata pa ako wala pa sa isip ko 'yang mga bagay na 'yan" sagot ko naman sa kanya.
"Wala daw sa isip pero makaStalk kay. . ." bago pa man matuloy ni kuya ang kanyang sasabihin sumabat na ako "Shut up kuya".

Tapos na ang isang araw na puno ng lectures. Nakauwi na ang lahat ako andito pa rin sa paaralan at hinihintay ang magaling kuya. Habang nasa hallway ng paaralan nakita ko si Channel na palabas pa lang ng classroom naming.
"Hi, 'bat ngayon ka lang lumabas ng room?" ang bungad ko sa kanya.
"Kaw pala Kenneth, hinihintay ko kasi sina papa eh, ang tagal nga nila eh" pasalaysay nito sa akin.
"Ganun ba? Tara upo muna tayo, may hinihintay din naman ako" ani ko.

Nagkwentuhan kami ni Channel habang hinihintay namin sundo niya. Nakwento din niya bakit siya lumipat at kung anu-ano pang bagay. Pagkalipas ng ilang minute dumating na si kuya.

"Tara na Ken" bungad ni kuya.
"Wait lang kuya, samahan muna natin si Channel, Channel si Kuya Charlie pala, Kuya si Channel" pakilala ko sa isa't isa.

Habang nagkakamayan sila may bumusina at iyon na pala ang sundo ni Channel. "Andiyan na si papa mauna na ko, sige kuya Charlie nice meeting you ingat kayo" paalam ni Channel.
"Kaw din" pahabol kong sabi.

Naglalakad na kaming pauwi ni kuya nang makita ko siyang pangiti ngiti pag tumitingin ako sa kanya.
"Bakit?" sigaw ko sa kanya.
"Hep, bat mo ko sinisigawan?" balik na tanong ni kuya.
"Eh paano para kang praning ngingiti ngiti na walang dahilan" sagot ko.
"Bawal ba? Eh sa bagay kayo ni Channel eh" biglang sabi ni kuya sa akin.
"Kuya naman eh paanong nakapasok sa usapan si Channel?" tanong ko ulit sa kanya. Imbes na sagutin ako ni kuya humirit na naman ito sa akin, "Ligawan mo na kasi siya bagay talaga kayo eh"
"Kuya di ka naman makulit no? Hindi ko siya gusto" Sabing wala pa sa isip ko yan eh" tugon ko sa kanya.

Kinabukasan, pagpasok ko pa lang ng gate si Channel na ang una kong nakita.
"Nga nga, nakita lang si Channel ayan ba 'yong sinasabi mong hindi mo siya gusto, wakas kung makatingin sa kanya" kantiyaw ni kuya.
"Umagang umaga kuya, 'yan ka na naman" inis kong sabi sabay irap sa kanya.
"Ngiti ka nga para kang tanga" hirit pa ni kuya.

Iniwan ko na si kuya at pumasok na ako sa classroom naming.
"Tol, musta? Bakit nakabusangot ka umagang umaga eh" bungad ni Arjhay.
"Arjhay? Kala ko ba lumipat ka na?" tanong ko rin sa kanya.
"Na-miss kita eh" biro mito.
"Gago" sabay batok sa kanya.

Natigilan lang kami sa kwentuhan nang dumating si Ma'am Garcia.
"Mr. del Mundo, your back, kala ko ba lumipat ka na" bungad ni ma'am
"Miss ko kasi yong pinakamagandang kong teacher, at ikawq yon ma'am" ngiting ani ni Arjhay.
"Ay naku, di ka pa rin talaga nagbago Mr. del Mundo" sagot naman ni ma'am. "Maupo na kayo at bibigay ko na ang inyong unang proyekto ngayong taon, ito'y partner project, ako ang mag-aasign ng inyong kapareha" dugtong nito.

Sinabi na ni ma'am kung sinu-sino ang mga magkakapareha at apat na lang kaming walang kapareha ng biglasng magsalita si ma'am, "Mr. Cruz ang kaparteha mo ay si Ms. Salvador".
"Aah" gulat kong sabi.
"Partner kayo ni Channel, kayong lahat mula ngayon pag ako ang teacher niyo dapat katabi niyo ang partner niyo para magkapalagayan kayo ng loob" salay say pa nito.

Pagkatapos ng aming klase kay Mrs. Garcia pumunta kami ni Arjhay sa Canteen upang magmeryenda.
"Tol may boyfriend na kaya si Channel" tanong ni Arjhay.
"Aba ewan, gusto mo palit tayo ng partner para sa kanya mo yan itanong" satsat ko.
"Pwede para maligawan ko rin siya" walang pasubaling ani nito.
"Sino liligawan mo" biglang may sumabat sa aming usapan ni Arjhay.
"Si Channel" biglang lumingon si Arjhay sa likod niya upang makita kung sino ang sumabat sa aming usapan at si kuya pala ito.
"Pektus gusto mo Arjhay, sa bunso ko lang 'yon" satsat ni kuya.
"Patawa ka kuya Charlie, si Ken? Torpe yan eh" tawang sabi ni Arjhay.

Umalis si kuya at pumunta kung nasaan si Channel nang biglang walang pasubaling nagtanong, "Hi Channel may boyfriend ka na" medyo nilakasan ni kuya tama lang upang marinig naming ni Arjhay. Ngumiti lang ito na umiling.
"Narinig mo 'yon Kenneth, kaya bilis bilisan mo baka maunahan ka" ngiting ani ni Kuya.

After ng aming klase sinimulan na namin ni Channel ang Group Project naming.
"Sorry kanina ah, ganun lang si kuya" pambasag ko sa katahimikan sa namagitan sa amin.
"Okay lang 'yon, cool nga ng kuya mo eh" ngiting sagot nito.
"weh, hindi kaya, laging nang-aasar nga 'yon eh" ani ko sa kanya.

Simula noon naging mas close na kami ni Channel. Lagi na din naming siyang kasama ni Arjhay tuwing may lakad kami at masasabi kong kaming tatlo ang sanggang dikit.

������

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Memories of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon