Prologue

4 1 0
                                    

Ayoko na.

Yan ang palaging sinasabi ng isip at puso ko.

Tama na.

Yan yung palaging laman ng isip ko.Pero di ko magawang tumahan. Ano bang nagawang masama at para ipadama nya kung gano ka sakit. Mas maganda pa nga siguro kung pinatay nalang sana nya ako.

Ba't ba ganto ang tadhana?
Sadyang mapaglaro?

Pinahid ko nanaman ang butil ng luhang umaagos sa pisngi ko?
Nakakatawa, minsan na nga akong pumasok sa isang relasyon Bokya pa.

Akala ko ok na ehh ..
Parang nasa langit na ako. Pero, bigla nalang akong binagsak.

Akala ko ba walang iwanan?

Nangako ka sa akin di ba?

Di ko mapigilang mapahagulgol.
Niloko mo lang pala ako.

May iba ka na naman pala.

Akala ko ba, sabi mo sakin noon na nagbago kana. Ba't ganito? ..

Di ko na kinaya ang nakikita ko. Sobra na.

Durog na durog
Wasak na wasak na ang puso ko.

Ipinikit ko ang mata ko ng makita ko silang naghahalikan. Di ako makagalaw sa sakit na nararamdaman ko.
Ang TANGA KO.

Ang tanga tanga ko na naniwala sa mga sinabi nya noon. Nakalimutan ko ng isa pala syang manluluko, walang puso.

Kusa nalang gumalaw ang mga paa ko at biglang pumunta sa kina roroonan nila. Hinila ko ang babae na halatang nabitin sa ginawa ko at binigyan ng isang malutong na sampal si kim.

"What the?"

"Jaye"

Sabi nya at agad na napatingin sakin. Sa gulat.

"Ang sama sama mo."

Wala akong ibang masabi sa kanya. Nanginginig ako sa galit, sa sakit, sa lahat lahat.

Agad akong umalis at patakbong lumabas sa apartment nya. at patakbong tinungo ang kalsada.

Kung saan ako papunta?

Di ko alam. Bahala na basta makalayo lang ako sa kanya.

Tinawagan ko si Markie.

Nakatatlong ring muna bago nya nasagot.

"Hello? Tikya? Ang aga-aga mo--"

"Markie!" Putol ko sa kanya habang umiiyak.

"Jaye? Sh*t ba't ka umiiyak? Anong nangyari?!"

Nanginginig ako. At pagod na pagod na ang katawan ko. Di ko na kaya.

"Jaye?! Sumagot ka?! Nasaan ka ngayon pupuntahan kita!" Sabi ni Markie na halatang natataranta na. Nanghihina akong napaupo sa sahig at tiningnan ang paligid.

Nandito ako malapit sa tapat ng 24/7 grocery store malapit kela Kim."

And everything went black.

In my little dreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon