Kim Tan (P.O.V)
Teka asan na ba yung ka setmate ko. Ang dali naman mawala. Tssk .. ang ganda ganda nya talaga. Kaso nahihiya ako sa kanya pagkinakausap ko sya kaya nagpalalusot nalang ako. Nakakatawa talaga sya.Since Grade 7 kami nung nakita ko at ngayong Grade 9 na kami, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na maging clasmate nya. At magkaseatmate pa talaga kami! Ang saya lang talaga. Ngayon na na malapit na ako sa kanya I will not waste any chance. Haha ..
Baka iniisip nyu na gusto ko sya.
HELL NO.
Na curious at parang na cha-challenge lang kasi ako kasi feeling ko sa tagal-tagal na ng panahon na magkaklasmate kami hanggang tingin lang ako at ni kahit minsan di kami nagkatabi o nakausap ng matagal. At sa lahat ng tao dito sa Campus parang sya lang yata ang babaeng di nakakapansin sa alindog ko na ubod ng gwapo. Ehem!! Hindi naman sa pagmamayabang. Hehe .. Pero anong magagawa ko, tssk. Habulin ng chicks ehh.
At kung nagtataka kayo kung ba't ko sya kilala. Syempre sya yung Valedictorian namin nung elementary at palagi syang rank 1 sa class namin kaya pano di ko sya makikilala."Kim !! Tara na sa canteen gutom na kami, kanina kapa tulala dyan ahh. Baka nababaliw kana." Sabi ni Ethan na kasamat sila Nash, Blake at Sky tumawa sila malakas. Itong gwapong to mababaliw lang? Hampasin ko kaya sila ng upuan. Tss.
Di ko na sila pinansin at agad naglakad papuntang canteen. At kung siniswerte ka nga naman nakita ko yung target ko. Napangisi ako bigla at pumunta sa upuan sa tapat nila.di ko naman kaylangan na kumuha pa ng pagkain kasi alam ko na may magbibigay sakin na mga chicks dito sa table.
"Ahm .. hi kuya, eto po ohh. Chocolate cake at apple juice para sayo. pina bake ko payan sa chief namin at especial talaga yan na pagkakagawa." Sabi ng girl at agad nag-iwas ng tingin na parang nahihiya.
"Thanks babe." Kinindatan ko sya sabay smile at para akong matatawa sa reaction nya bigla syang namula at dali-daling umalis. Hayyy .. nako mga babae talaga. Tss.
Tiningnan
ko nalang ulit si Jaye habang kumakain. At nung umangat yung tingin nya. Nagkasalubong kami. Di ko alam pero agad akong pinawisan at biglang kinabahan nung parang alanganin syang ngumiti sakin. Agad naman akong ngumiti sa kanya. Pero sya rin ang unang agad nag-iwas ng tingin. At ibinalik ang tingin sa pagkain."Oii .. kanina ko pa napapansin yang mga tingin mo dyan sa kanya ha. Sya na ba bagong target mo ngayon?" Sabi ni Ethan habang nakanguso at parang tinutukoy yung babaeng sa tapat namin nakasabay na pala sila sakin ng di ko namamalayan. Tss.
"Tssk. Asa naman kayo na makukuha yan ni kim ehh. Alam nyo ba na wala pa daw yang sinasagot na manliligaw, lahat basted pati na si Angelo na sikat din daw na vocalist ng banda dito sa school. Taob pagdating kay Jaye" Mahabang sabi ni Sky na kampanteng nakangisi sa kanila.
"Pareng ulap, wala kabang bilib dito sa kaibigan natin? Haha. Ehh .. kung lahat nga ng babae dito sa school kaya nyang mapaikot ehh yan pa na kung sa mukha lang ehh .. parang ang dali-daling mapaikot." Sabi ni Nash na bilib na bilib sa kaibigan nya.
"So ano mapupunta nanaman ba yo sa isang pustahan?" Sabi ni Sky na kampanteng-kampante at wagas kung makangisi.
"Sige ba, name your price" sabi ni Nash na pasimpleng sumulyap kay Jaye at ngumisi.
"How about my condo on Las Piñas bago pa yun at 500,000 ." Sabi ni Ethan.
"Aii .. ganito nalang pag napasagot mo si Jaye sa loob ng 3 months you win you can get 500,000 for the both of us sami ni Nash pero pag talo ka. ALAM MO NA." Sabi ni sky.
"Sige ba. Sounds fun. Ikaw Blake sasali ka rin ba sa kagaguhan na laro nila?" Sabi ni Ethan habang nakatingin kay Blake
"Seryoso ba kayo dyan? Di ba parang sumsobra na naman ata? Marami na kayong nasaktan na babae di pa ba kayo titigil? Tss.
I have to go. I have a class to attend." Sabi nito habang iiling-iling na tumayo at biglang nagsalita."Remember this Ethan, hindi porket nasaktan kana sa una mung pag-ibig ay kailangan mo na silang lahat paglaruan. Hindi sila pare-pareha tulad ng iniisip mo. Nasasaktan mo na rin yung mga taong dapat minamahal, sa ginagawa mo baka di mo namalayan paparating na karma mo at baka pagdumating yun di mo na kakayanin ang sakit.
At agad ng umalis kasabay na pagtunog ng bell hudyat na sa susunod na klase.
"Kita mo yun daig pang nagmemenoposal na babae sa sungit. Anyway wag nalang natin isali sa Blake. Ohh ano, ohh ano Ethan Deal?" Sabi ni Nash.
"Baka naman natakot kana sa sinabi ni Blake na "karma daw" hahaha" Nanunuksong sabi ni Sky.
"Deal" walang gatol na sabi ni Ethan.
"Ok sinabi mo yan" sani ni Nash na nagkibit balikat.
"Sige pari una na kami. Baka malate na naman kami. Hehe" Sabi nila Sky at Nash na sumunod narin kay Blake habang naiwang naka ismid si Ethan.
Jaye Catherine you will be mine soon.
BINABASA MO ANG
In my little dreams
Teen FictionPasulyap sulyap lang sa kanya. Kontento na ako na hanggang patingin tingin, nagngingitian at nagtatanguan lang kami. atleast diba, napapansin ako at nalaman nyang nag eexist ako dito sa mundo. haha .. but who knows that this handsome, famous and alm...