Note:
- This story is pure fiction
- Short updates (asahan niyo yan but not that too short. Siguro minsan merong update na sobrang ikli)
- Hindi araw-araw update. Lol. Siguro, every weekend. Basta, I'll post na lang sa twitter pag may update na. Hehe!
- Free to comment your suggestions.
- And last but not the least, wag niyong irerelate sa totoong buhay nila ang story na 'to :) Kagaya ng sinabi ko sa itaas kanina "this is pure fiction"
"When God Made You" written by frvrfangirl26
© All Rights Reserved 2015
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Prologue
Alden's POV
"Alden, I'm sorry but...." Alam ko naman na matagal na niya akong gustong iwan. Alam ko naman na matagal na niyang gustong sabihin sa akin na "I am breaking up with you" pero sa tuwing nararamdaman kong sasabihin niya yun, iniiba ko ang usapan dahil ayoko. Ayokong iwan niya ako.
"But?" tanong ko sa babaeng ilang taon kong pinangarap, si Althea.
"I am.. I am breaking up with you." diretsong sabi sa akin ni Althea habang nakatingin sa mga mata ko. I guess..
"I guess... hanggang dito na lang talaga tayo, Thea." nakayuko kong tugon sa kanya. Nangingilid na rin ang mga luha ko pero hindi ko kayang ipakita sa kanya. "Nirerespeto ko ang desisyon mo." dagdag ko pa but this time nakatingin na ako sa kanya.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako, "Salamat Alden. Mabuti kang tao. Masaya kang kasama." humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at saka dinugtungan ang sinasabi niya, "Pero hindi siguro ako yung babaeng karapat-dapat sa 'yo. I don't deserve you. Hindi mo rin ako deserve. So, this is goodbye Den. I'm sorry but I swear I loved you." pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng iyon ay tuluyan na siyang umalis.
Iniwan na niya ako. Masakit. Sobrang sakit. In 3 years, sa ganito lang pala kami magtatapos. An ending without a happily ever after. Akala ko siya na ang para sa akin.
Ilang beses ba akong iiwanan? Palagi na lang ba akong ganito? Iniiwan? Pagod na ako, physically and emotionally.
**
Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip kung bakit ko ito nararanasan ay siyang buhos ng ulan. Naks! Nakisama ang panahon sa akin. Tumakbo ako sa malapit na masisilungan ko dito sa park, sa isang nag-iihaw na may malaking payong sapat para masilungan ang mga bumibili. Naki-siksik ako sa mga customer kahit wala akong balak bumili pero naisip kong nakakahiya naman na nakikipagsiksikan ako sa kanila tapos wala naman pala akong bibilhin kahit isang piraso ng tinda ni Manong.
Tinignan ko ang tinda ni Manong: betamax, adidas, barbecue, isaw, etc. Bumili ako ng barbecue na tinda ni Manong, mga... isang piraso.
"Manong, magkano po sa barbecue?" tanong ko.
"Kinse lang. Ilan?" tanong niya sa akin habang busy siya sa pag-iihaw ng mga binili ng ibang customer.
"Isa lang po" sagot ko sabay abot sa kanya ng barbecue na napili ko, "Ito po bayad." kinuha niya ang bayad ko at ang barbecue na napili ko at inihaw ito.
Medyo mahina na ang ulan at hindi na rin ganun kalakas ang hangin unlike kanina.
Matapos ang ilang minuto ay naluto na ang binili ko. Nanatili pa rin ako sa tapat ng stall ni Manong at kumain habang nag-iisip pa rin ako sa mga nangyari sa akin. Ang galing lang, nakuha ko pang kumain sa kabila ng nangyari sa akin kanina. Tsk.
BINABASA MO ANG
When God Made You (ALDUB) ON HOLD|UNDER RENOVATION
RomanceTHIS IS SOON TO BE A COMPILATION OF MAIDEN ONE SHOT-STORIES.