Chapter 3

426 13 3
                                    


Note:

- This story is pure fiction

- Short updates (asahan niyo yan but not that too short. Siguro minsan merong update na sobrang ikli)

- Hindi araw-araw update. Lol. Siguro, every weekend. Basta, I'll post na lang sa twitter pag may update na. Hehe!

- Free to comment your suggestions.

- And last but not the least, wag niyong irerelate sa totoong buhay nila ang story na 'to :) Kagaya ng sinabi ko sa itaas kanina "this is pure fiction"

"When God Made You" written by frvrfangirl26

© All Rights Reserved 2015


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(SORRY FOR NO UPDATES THESE PAST FEW WEEKS. BEEN BUSY ON MY SCHOOL.)

3rd Person's POV


Masayang kumakain ng tanghalin ang mag-Lolang si Divina at Lola Nidora nang tumunog ang kanilang doorbell.

"Divina, ikaw na muna ang magbukas. May ginagawa pa yata si Rihanna sa kusina." utos ni Lola sa dalaga at agad naman na sumunod si Divina.

"Opo, Lola."


**

Isang matipunong binata ang nakita ni Divina nang buksan niya ang gate nila.

"Oh, ikaw pala." nakangiting sabi ni Divina.

"Hehe, ito oh, may dala akong ulam. Para sa inyo." sabay abot ni Alden ng isang malukong na sinigang kay Divina.

"Wow, may paulam! Salamat! Pasok ka." - Divina

"Hindi na, hindi na. Kakain na rin kasi kami. Pinaabot lang ni Daddy yan." sagot ng binata sa imbitasyon ni Divina.

"Ah, ganun ba. Sige, salamat ulit ha! Matutuwa si Lola nito." - Divina

Sa kabilang banda, habang nag-uusap ang dalawa ay may dumating na sasakyan. Sabay napatingin si Alden at Divina sa sasakyan na dumating.

"Divina!!!" sigaw ng dalawang Lola na lumabas mula sa sasakyan na dumating.

"Lola Tidora! Lola Tinidora!" excited din na sigaw ni Divina habang si Alden ay nakangiti lang habang tinitignan ang mag-lolola.

"Ay, may manliligaw agad?" tanong ni Lola Tidora na tila kinikilig pa.

"Oo nga, agad agad?" dugtong naman ni Lola Tinidora.

"Mga Lola, hindi po. Hindi ko siya manliligaw. Kapitbahay po namin siya." sagot naman ni Divina.

"Hello po, ako nga po pala si Alden." pagpapakilala ng binata sabay mano sa mga Lola.

"Ay, mabait na bata!" - Lola Tidora

"Pagpalain ka, iho." ani Lola Tinidora, "Halika, pasok tayo sa loob. Mainit oh. Tanghaling tapat, nandito kayo." dagdag pa ni Lola Tinidora.

"Ay hindi na po, kailangan ko na po bumalik sa bahay." tugon ni Alden.

"Yes po mga Lola, actually paalis na po siya kanina. Dumating po kasi kayo kaya hindi po siya nakaalis agad." paliwanag naman ni Divina sa mga Lola.

"Ay, kasalanan pa pala namin kung hindi siya agad nakauwi? Oh sige, balik kami sa kotse tapos dapat bago kami makalabas ng sasakyan nakauwi ka na iho." pagbibiro ni Lola Tinidora kay Divina at Alden.

"Ano ba ate! Mamaya matakot sayo si Alden." ani Lola Tidora.

"Lola naman! Hahaha." sambit ni Divina habang tumatawa. Habang si Alden naman ay nagpipigil na tawa sa gilid nila.

"Oh siya, sige. Umuwi ka na iho, baka hinahanap ka ng magulang mo. Ma-traffic ka pa." pagbibiro muli ni Lola Tinidora sa binata.s"Ate! Hindi naman malayo ang bahay niyan. May kapitbahay ba na bumabyahe pa? Nakakaloka ka ah!" - Lola Tidora

"Oh sorry naman! Halina nga kayo! Iho, sige na. Para makakain ka na." - Lola Tinidora

"Sige po, uwi na po ako. Nice meeting you po." paalam ni Alden sa mga Lola. "Divina, uwi na ako. Hehe." paalam din ng binata sa dalaga.

"Sige, salamat ulit! Ipapabalik ko na lang itong lagayan niyo." sagot naman ng dalaga kay Alden. Tanging pagtango na lamang ang naisagot ng binata kay Divina.


...to be continued


------------------------------------------------------------------------------------------

How was it?! I'm so sorry for not updating! Merry Christmas AldubBarkads!! Aldub you all!

Comment down your thoughts!


TWITTER: yowJasminee

Co-Admin at Aldub Fan Page: AlDubBarkads (<-- follow!)


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When God Made You (ALDUB) ON HOLD|UNDER RENOVATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon