Chapter 1

9 2 0
                                    

ZHOEY'S POV:

TOK ! TOK ! TOK

Malakas na galabog ng kumakatok sa pintuan namin . Ke aga aga ang lakas mang buraot
Lumapit naman ako sa pintuan at agad na binuksan as i expected..

"ANONG PETSA NA AT KAILAN NIYO BA BALAK MAGBAYAD, ANG TAGAL NA NG BINIGAY KO NA PALUGID SA INYO AHH!!" Bungad sakin ni aling "PISTENG" Este PISENG na may nanggagalaiting mukha..

"Ehh pwede po ba pagbigyan niyo po----" agad niya namang pinutol ang sasabihin ko pa sana -_-..

"PURO PAGBIGYAN !! EHH SA LIIT NA NGA NG PRESYO NG UPA DI NIYO PA MABAYARAN. AT PAG DI NIYO PA NABAYARAN TO THIS WEEK ! ABA! LUMAYAS NA KAYO RITO" nakakabinging sabi sa akin ni aling piseng halos araw araw ay laging ganyan yan sa amin . At parang siya narin ang alarm clock ko sa pang araw araw nakakairiti ..

"Sige po" maamo at magalang na sabi ko kay aling piseng , kaysa naman awayin ko pa yan baka lalo pa itong magalit at palayasin kami.

"TSE!!" Taas noo nitong sinabi at tumalikod na HAY!! Buti napaki-usapan pa si aling piseng at sana makarami ng laba ang LABANDERA kong nanay. Nakakasawa na yung ganitong buhay nakakapagod. Naghahanda na ako para pumasok sa isang unibersidad, malayo layo kasi dito banda ang maynila at dito rin ako nakakuha ng scholar, kung saan pag umaga aral, pag gabi trabaho. Working-Student ang lola niyo -_-.

***********

(ZHOEY)

Makalipas ang mahabang oras natapos rin ang klase . Naghahanda na sana ako para mag ayos at ng makauwi ng maaga nang biglang sipain ng pagkalakas lakas ang bag ko dahilan para masira.

"Oooppps. Sorry hindi ko sinasadya pero alam ko na masisira. Ehh kasi naman ang lokal ng ba-----" hindi ko na ito pinatapos at agad na sinapak dahilan naman ng pagtumba niya at dahil tatlo sila, pinagtulong tulungan ako ng dalawa at dahil sanay ako a gulo sinipa ko ito dahilan ng pagbitaw nila sa akin. Susugod pa sana ako ng biglang "Ms.Davis go to my office now" natauhan ako ng masaksihan ko na nasa harapan ko na pala ang Dean ng University.

Bwiset na araw to, di ba talaga nila ako titigilan hayst. Mahilig ako pumasok sa gulo OO! Pero gusto ko rin naman ng tahimik na buhay, bakit ba naman kasi napupuno ng mayayaman na Stupidyante ang school na'to! Mayaman lang naman sila eh, ako Matalino na dyosa pa.

Pagkadating ko sa office ni Dean ay kinabahan naman ako, dahil baka tanggalan nila ako ng scholarship pag nagkataon.

"Ms. Davis, come in" agad naman akong pumasok dahil baka lalong magalit sa akin itong matanda na ito

"Can you do me a favor?" Nagulat naman ako sa sinabi nito dahil hindi ko alam kung ano yung hihingin nyang pabor, at the same time kinabahan din.
"Ano po ba yun Dean?" Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni dean hindi ko mabasa ang kanyang iniisip dahil nananatili itong blangko.
"My Daughter has died last night" he said calmy. Nagulat ulit ako dahil sa pag kaka alam ko itong dean na ito ay hindi nagkaroon ng anak at sya'y matandang binata. Paano kayang nagkaroon sya ng anak? Pero naisip ko hindi rin naman imposible.

Dahil sa sinabi ni dean hindi agad ako nakapag-salita, ng bigla nya namang hawakan ang kamay ko.

"Please, magpanggap ka na panganay na anak ko to save my eldest daughter" so dalawa pala ang anak nitong si dean
"Ah, Dean hindi ko po alam kasi may pamilya po ako at kailangan ko po magtapos n---" agad niyang pinutol ang sasabihin ko.

"Ako ng bahala sa pag aaral mo at ako narin ang magpapasahod sayo buwan-buwan so please Ms. David?" Makakahindi pa ba ako nito! Hayst kinakabahan ako pero parang di ko rin kayang maka hindi. Ano ba naman to?

"S-sige po Dean, pero sasabihin ko po muna to sa nanay ko baka po kasi magali--"

"Don't worry iha. Ako na ang magsasabi sa magulang mo, hinihintay ko nalang talaga ang sagot mo"

Lumabas na ako sa office ni Dean, sinabi ko muna na pag iisipan ko muna kasi hindi pa din malinaw sa aking isipan kung bakit kailangan kong magpanggap na apo niya.

Pauwi na ako sa aking bahay ng makita ko si mama
"Yuri! Anak ko"
"Nay anong nangyari?"
"Anak ang kapatid mo hinimatay! Ang taas kasi ng lagnat nya eh"

Agad naming isinugod sa ospital ang aking kapatid kahit di ko alam kung saan naman ako kukuha n pang-bayad .

Masakit sa akin na makita na nahihirapan ang isa sa amin. Dahil kami nalang apat ang nagdadamayan kapag may problema.

Naalala ko noon si papa kung paano sya naging matatag para sa pamilya namin, kaya kailangan ko rin maging matatag para maahon ko sa kahirapan ang aking pamilya at mabigyan ng justice ang pagkamatay ni dad.

Nagisi-isip muna ako bago ko ituloy ang binabalak ko.

Lumabas ako sa hospital at tinawagan ko ang calling card na binigay ni Dean.

Tatlong beses palang nag ring ng sinagot niya na.
"Hello,Dean" bungad ko
"Hi iha, nakapag isip ka na ba?" Ang totoo lang hindi pa, dahil unang una di ko alam kung ano ang kahihinatnan ng buhay ko pag tumuloy ako. Pero ito lang ang natatanging paraan para mabuhay ko ang pamilya ko.

"Ah, dean magkita nalang po tayo"

"Sige iha, itetext ko sayo ang address ng bahay ko, doon nalang tayo mag usap"

"Sige po, pasensya na po sa abala" magalang na sagot na sabi ko.

"Walang anuman iha"

Tooot. Tooot. Tooot.

Hayst bigla namang nagring yung phone ko. At nagtext naman si dean sa address ng bahay niya.

○○○○○○○○○○

Pagkapunta ko ng village nalilito pa ako kung saan ako pupunta dahil sabi naman ni manong driver dito daw yung exact address. Puro mansion kaloka!

May nakita naman akong mga armadong lalaki, kinabahan ako agad kaya binilisan ko lakad ko.

"Ms. Davis, kami po ang tauhan ni Mr. Beñalez maari na po ba namin kayong maihatid sa kanya ?"

Kinakabahan naman akong sumunod sa yapak ng mga armadong lalaking yun at inihatid na ako sa bahay ni dean.

Wow!!!!

Magugulat sa laki ng bahay ni dean di ko inakala na ganito sya kayaman >.<

Ang daming pasikot sikot ng bahay na ito! Nagulat naman ako dahil may secret room dun at kailangan apakan yung secret button para umikot.

Nakita ko naman si dean na naka dikwatro. At may seryosong mukha,subalit ng nakita nya ako ngumiti naman sya ng mapait nga lang.

Ngayon naman sobrang nakita ko ang panlulumo ng kanyang mukha na tila ba parang iiyak. Kaya naman uumpisahan ko na sana magsalita subalit naunahan niya ako.

"Ang pagtung-tong sa aking bahay ay wala ng atrasan"

..........

Hello guys! Alam ko naman na walang papansin ng story ko hahahaha pero nag papray ako na sana meron kahit konti lang. Ayon ano kaya ang ibig sabihin ni dean sa last part na sinabi nya ????

Ituloy lamang kunng ito ay nagustuhan

Please vote and share my story kung maganda

Author:CHUBBYCHAN11

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's a Poor GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon