A DAY WITH YOU
Andito ako ngayon sa mall. Anong ginagawa ko dito? Haha Di ko alam,basta pumunta ko dito para may magawa.
Kasalukuyan akong naglilibot ng may humawak ng kamay ko.
"Ah, miss anong kailangan mo?" tanong ko, pero hindi niya ko sinagot. Nginitian niya lang ako at hinila sa kung saan siya pupunta.
Tumigil ako sa paglalakad kaya pati siya napahinto.
"Teka miss sandali lang, hindi kita kilala kaya pwede bitawan mo ko." Sabi ko.
"Hindi nga at hindi rin kita kilala pero ikaw ang gusto kong kasama!" sabi niya with full smile pa.
"Tsk. Your unbelievable!"
Grabe nakatakas ba to sa mental? Pero mukha namang hindi, maayos naman sya mukha pa ngang mayaman eh.
"Yes I am! Kaya sa ayaw at sa gusto mo sasamahan mo ko ngayong araw na ito, ngayong araw lang naman eh. Pagsapit ng 12 midnight maghihiwalay na tayo and I promise after that hindi na tayo magkikita pa."
Pagkatapos niyang sabihin yun hinila niya ko ulet. Hindi na ko tumanggi pa wala namang mawawala sa akin besides kaya nga ako nandito para may magawa dib a?! and I think this would be fun.
Huminto siya sa paghila sa akin sa isang shop na puro pang couple ang mga gamit .
Pagpasok namin lumapit kagad siya sa mga shirt.
Kung gusto pala nito magshopping bakit dito pa sa couple shop??
Kinuha nya yung red shirt na may design na pana ata ni kupido.
"Maganda ba?" tanong nya.
"Ayos lang ." sagot ko,malay ko ba sa mga couple accessories nayan.
Tapos kinuha nya rin yung black shirt na kamukha nung sa kanya,mukhang panlalaki yun. Kanino naman nya kaya ibibigay yon. Ah siguro sa boyfriend nya.
Kumuha rin sya ng couple shades at baller pagkatapos binayaran nya sa counter.
Akala ko lalabas na kami sa shop na yon dahil tapos na sya bumili pero tinulak nya ko sa fitting room at inabot nya sa akin yung mga panlalaki namga gamit na binili nya.
"Anong gagawin ko ditto?" tanong ko .
"Malamang isusuot ! Alangan naman kainin mo di ba??" sabi nya.
"Edi ba para sa boyfriend mo ito bakit mo sa akin ipapasuot?"
"Pe-"
"Hephephep. No buts! Basta isuot mo yan!Go!"
Tapos tinulak nya ulit ako papasok ng fitting room at sinara ang pinto.
Pagkatapos ko isuot yung shirt,shades at baller . Lumabas na ko at nakita ko siya na suot yung girl version ng mga suot ko.
"Tara na!" at hinila niya ko ulit palabas naman ng shop na yun.
Nakarating naman kami sa Timezone. Syempre para makapaglaro kailangan naming magload sa card. Pumunta kami sa counter, akmang ilalabas pa nya yung kanya pero inunahan ko na siya binigay ko na yung card ko at nagbayad ng 500.
"Gusto mo di ba maglaro?? Tara na!" aya ka sakanya.
Naintindihan ko na ngayon ang gusto niyang mangyari kaya bilang lalaki sagot ko dapat lahat ng gastos . naunahan nya lang ako dun sa couple accessories na magbayad.
"Anong gusto mong unang laruin?" tanong ko sakanya.
"Hmm.. tara basketball tayo! Paramihan ng maishoshoot kung sino matalo manlilibre ng lunch!" masigla ng sabi niya.
BINABASA MO ANG
A Day With You
Teen FictionDalawang tao na pinagtagpo ng tadhana.. Pinaglapit ang puso sa loob ng isang araw.. para kaya sila sa isa't isa o hanggang doon na lang sila???