Hindi ko parin maiwasang matanong sa sarili ko,
"bakit kaya hinayaan ni God na makilala kita at mahalin kita, if mawawala ka lang din naman sakin? na hindi naman pala pwedeng maging tayo at walang chance na maging tayo?"
I still don't have the answer. But, one thing is sure. Hindi ko pinag-sisihan na minahal kita. Kahit alam kong mali ang mahalin ka.
Hindi naman tayo ganun ka-close dati, ni hindi mo nga ako pinapansin nun. Crush lang talaga kita noon eh, dahil siguro ikaw ang bukod tanging mabait sa lahat ng mga katrabaho ko? Tapos hanggang sa mas lumala yung nararamdaman ko para sayo ng hindi ko namamalayan.
Naalala ko pa nun, dahil lang sa pasaway kong cellphone accidentally kong na call yung number mo. Nagulat ako ng may lumabas sa screen ng phone ko na name mo. Hindi ko alam kung papatayin ko ba o hindi. But in the end? kinausap na lang kita, nag-sorry ako sayo dahil naistorbo kita noon, parehas tayo ng shift nun at kauuwi lang natin parehas sa mga accommodation natin. Napasarap yung kwentuhan natin. Yun ang pinaka mahaba nating usap , dahil kapag nasa work tayo, hindi naman tayo nagpapansinan na sobra, yung trabaho lang talaga. Natuwa ako dahil, i-nend mo yung call dahil alam mong' regular load ko yung gamit ko. Kala ko yun lang yun. Pero nag-ring yung phone ko at pangalan mo yung lumabas. Halos mabulunan ako sa kinakain ko. Pigil lahat ng emotion ko habang kausap ka. Simula nun, palagi na tayong magkatawagan, pero ikaw na ang laging tumatawag. Sabi ko nga sayo nun, wag ka ng tatawag dahil lalaki yung bill mo sa load mo, pero sabi mo 'ok lang , ikaw naman kausap ko'. Hindi ko alam pano itatago ang kilig ko noon.
Kapag nasa trabaho na tayo, seryoso ka sa iba pero kapag sakin, palagi kang nakangiti. Palagi mo akong tinutulungan lalo na kapag madodown ako sa fries. Pinagdo-drop mo ako ng basket ng fries, minsan mahuhuli pa kitang nakatingin sa akin, and thats make me blush! sobra.! Then , you started calling me "CRUSH" >///< .
Naririnig pa yun ng lahat ng ka-store natin, pero parang ang dating lang sa kanila nun ay biro. Pero sakin? every time na sinasabihan mo akong"CRUSH" parang gusto kong tumili at magtatalon sa tuwa.
One time, nagwindow-two ako at ikaw ang window-one. Lahat ng customers na mangagaling sa'yo may dala dalang maliit na papel at may mga messages! like
"Miss you
"Crush"
May isa pa nga na customer na nagsabi na sobrang nagpangiti sa akin
"The guy in the first window, misses you"
Napasilip ako nun sa'yo at nguti ka ng pagkatamis-tamis. Ang nasabi ko sayo "ADIK KA"
Akala ko walang ibang nakakita pero nakita pala ng CRO natin.
Yung nararamdaman ko sayo mas lumala pa. Na hindi ako sanay na hindi ka nakikita, lalo na kapag off mo at off ko.
BINABASA MO ANG
My Confession <///3
Short StoryMay mga bagay talaga na magagawa mo lang dahil sa LOVE, even magkasala. makasakit, at masaktan.