Maling Akala

66 4 2
                                    

▶▶ T A G A L O G P O E M ◀◀

Ba't ang sakit?
Ni isang tingin sa kanya, hindi ko pa maakit
Akala ko, may pag-asa ako
Kaso, guni-guni lang talaga ang lahat ng ito.

Akala ko... Akala ko,
Wala akong ginawa kundi umasa sa iyo!
Ano ba talaga ang ginagampanan ko sa iyong buhay?
Ba't ang manhid mo sa pag-ibig na ipinapakita kong tunay

Alam ko naman na wala akong karapatan
Kasi inspirasyon lang kita at dyan lang yung hangganan.
Ang maging tayo ay nasa aking mga panaginip lamang,
Dahil malaki ang aking pagkukulang.

Susuporta lang ako sa inyo,
Kahit ito'y masakit at labag sa puso ko.
Isa lang naman ang aking hinihiling:
Na ika'y maging masaya sa kanyang piling.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon