Prologue

8 0 0
                                    

Prologue

"I'm sorry, Mira, but Justin isn't coming."

"W-what? What are you talking about, Alice?"

"I've got a text from him saying that he will not going here. He is now flying to Canada."

Bigla akong napaupo sa sahig. So, Justin stood me up? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Tila ba namanhid ang buong katawan ko.

He left me. Iniwan nya sa araw ng kasal namin na hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bulung-bulungan at ang pagpapaliwanag sa mga bisita na wala ng kasalang magaganap.

Nilapitan ako ni Alice at binigyan ng naawang tingin. "Mira," She touch my shoulder to comfort me pero alam kong alam nyang walang maitutulong iyon.

Tumayo ako at tumakbo palabas ng simbahan na ikinagulat nilang lahat.

Hindi ko pinansin ang mga tawag nila bagkus ay dere-deretso akong sumakay sa supposed-to-be bridal car namin.

I smiled bitterly.

Nagdrive ako. Nagdrive ako ng nagdrive hanggang sa kung saan man ako mapadpad ay wala na akong pakialam.

Hanggang sa matagpuan ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa gilid ng isang matarik na bangin.

Doon ko ibinuhos ang ang lahat ng nararamdaman ko. Patuloy sa pag-agos ang luha ko.

Sumigaw ako ng sumigaw hanggang sa mapaos ako.

Ang sakit. Sobra.

Hindi ko maintindihan kung anong mali. Kung saan ako nagkamali. Bakit ganito ang kinahinatnan ng lahat?

Maraming katanungan sa isip na hindi ko alam ang sagot o kung masasagot pa nga ba?

Walang paliwanag. Walang kahit ano. Umalis na lang syang bigla at iniwan ako sa kahihiyan. Iniwan ako na durog.

Tumingin ko sa ibaba ng bangin at kitang-kita ko ang mga mataas ng malalakas na alon na humahampas sa mga bato.

Pero wala akong pakialam. Isa lang ang pumasok sa utak ko.

I have no reason to be here, anymore. Now that my life has already left me hurting.

I close my eyes. Hinayaan ko ang sarili kong mahulog sa bangin.

And the last I remembered was the cold salty water drowning me bago ako tuluyang nawalan ng malay.

÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon