Chapter 1

3 1 0
                                    

"Maria"
Naririnig ko mula rito sa aking kinauupuan ang boses ng aking matalik na kaibigan na tinatawag ang aking pangalan.
"Maria sabay na tayong umuwi, maglalakad rin kasi ako."
Ani ng bestfriend ko.
"Sige"
Matipid kong sagot sa kanya.

Habang naglalakad kami pauwi ay nagku-kwento sa akin si Ryza, ang bestfriend ko, patuloy ang pagkukwento niya kahit wala naman akong interes na makinig sa mga kwento niya.

"Maria, alam mo ba na uuwi dito ang pinsan ko na sa France lumaki, alam mo ba na ang gwapo gwa--"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil nasa tapat na ako ng bahay namin, nagpaalam na lamang ako sa kaniya. Pagpasok ko sa apartment na tinitirahan ko kasama ang aking mama at papa ay sinalubong kaagad ako ni Mario, ang aking white na puppy. Oo, mahilig ako sa mga pets, that's why i have a puppy here.
"Anak, punta ka dito dali!"
Tawag sa akin ni mama na nasa terrace na mukhang may kausap sa telepono. Kaagad akong pumunta sa tabi ni mama.
"Bakit po 'ma?"
"Anak, kausapin mo ang Tita Maricel mo"
Utos sa akin ni mama kaya't kinuha ko rin kaagad kay mama ang telepono.
"Hello tita"
Bati ko kay Tita sa telepono.
"Hello Maria, uuwi d'yan ang anak ko kaya kayo muna ang bahala sa kanya ha? Di bale, marunong naman siyang mag-tagalog kaya alam mo na"
Si Tita talaga, para namang hindi ko kayang sabayan ang pagiingles ng anak niya.
Kinuha na ni mama ang telepono sa akin kaya't pumasok na ako sa loob ng bahay namin. Nakita ko kaagad si papa na naggagawa ng lesson plan niya, kay papa talaga ako nagmana ng kasipagan. Nag-mano muna ako kay papa bago pumasok sa kwarto ko.
Pero bago ako pumasok sa kwarto ko ay pumunta muna ako sa kabilang kwarto para ilagay doon ang mga sapatos ko, ngunit pagpasok ko ay wala doon ay aking lagayan ng mga sapatos ko at mukhang bagong linis ang kwarto na ito. Nagkaroon pa ng cover ang kama dito na kulay asul. Napapunta rin dito ang kabinet sa kwarto nina mama at papa, tapos may computer na rin dito sa tabihan.Wow ha? Kalahating araw lang ako nawala, nag-improve na kaagad ang bakanteng kwarto na ito. Nagbihis na lang muna ako at pagkatapos ay tinanong ko si papa kung bakit biglang luminis yung kabilang kwarto at ang sabi ni papa ay doon daw ang anak ni Tita Maricel.
Tumakbo ako kaagad sa kwarto ko at naghalungkat ako ng posters ng mga naging bias ko at kinuha ko na rin ang little hello kitty cabin ko para ilagay at ikapit ang lahat ng yun sa kabilang kwarto. Pinalitan ko rin ang cover ng kama ng kulay pink, na may disenyong hello kitty. Sana magkasundo kami nun sa Hello kitty pero for sure, matutuwa yun kasi lalo ko pang pinaganda ang kwarto niya. Kinuha ko rin ang mga kurtina namin dati pa na hello kitty rin ang disenyo at inilagay roon. Matapos ang pagdidisenyo ko sa kwarto ng aming magiging bisita ay lumabas na ako ng kwarto at pumunta na ako sa kusina para kumain kami ng dinner nila mama at papa.
--
Kinabukasan ay tinawagan ko si Ryza para mamili kami ng kailangan para sa project namin. Pumayag naman siya kaagad kaya't nagbihis na rin ako. Jeans at white shirt lang samahan na ng nike shoes ko, ayos na. Nahirapan akong sumakay ng jeep, kaya't naglakad ako papunta sa kabilang kanto at nagbabaka-sakali na baka may masakyan ako duong pampasaherong jeep.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I thoughtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon