PROLOGUE:
I REMEMBER her begging me to believe her, na walang nangyari sa kanila ni Adam ng gabing yun, but I saw her naked in bed with him the next morning. Tinanong ko siyang kung ano ang naaalala niyang nangyari nung gabing yun pero ang tanging sagot niya ay wala siyang ibang naaalalang nangyari bukod sa pumunta sila sa isang bar para sa birthday party ni Adam kasama ang ilan sa mga kaibigan nila.
I asked her not to go because he was her ex-boyfriend at alam kong maygusto pa din ito sa kanya kahit nananatili nalang silang magkaibigan, pero hindi siya nakinig at nag-insist pa din siyang pumunta.
Sa sobrang galit ko sa nangyari nakapagbitaw ako ng hindi magagandang salita sa kanya. I told her I was disgusted and disaapointed with her when I saw her naked in bed with him, that I can't believe she cheated on me. I was so angry and hurt dahil sa nangyari kaya hindi ko na pinakinggan ang paliwanag niya. Nakipaghiwalay ako.
Halos dalawang linggo matapos ang nangyari bigla nalang kumalat sa university ang picture ni Margaux at Adam na magkasamang nakahiga sa kama at tanging kumot lang ang nakatakip sa mga katawan nila. Hindi ko alam kung sino ang kumuha ng larawang iyon dahil wala naman akong kasamang pumunta sa hotel ng makatanggap ako ng message mula sa kanya kung nasaan siya ng umagang iyon.
She was being called names. Naging isang malaking eskandalo ang nangyari lalo pa at siya ang nag-iisang tagapagmana ng pinakakilalang business tycoon sa bansa.
"Don't you realized that maybe it was a set-up." biglang tanong ni Ashton ng mapag-usapan namin ang kumakalat na pictures ni Margaux at Adam.
"Yan din ang iniisip ko eh. Kasi bakit siya magtetext na puntahan siya sa hotel na yun kung alam niyang maabutan sila ni Matthew na ganun ang itsura nilang dalawa ni Adam? At isa pa, kung si Matt ang ang pumunta sa hotel nung umagang yun bakit may kumakalat na picture ngayon yung dalawa na kuha nung araw na yun?" dagdag naman ni Arlo.
"If that's the case why were they both naked when Matt saw them?" tanong naman ni Swisso. "If it was a set-up, malaki pa din ang posibilidad na maynangyari nga sa kanilang dalawa. She still cheated on Matt."
"Bratinela si Margaux pero sigurado akong hindi niya magagawang lokohin si Matthew. She's not that kind of girl, I can assure you that." sabi nalang ni Arlo.
"Sino naman ang magseset-up sa kanila ng ganun at sa anong dahilan?" kunot noong tanong naman ni Migs.
"I don't know. Hindi naman natin maikakailang madami ang may ayaw kay Margaux dahil sa pagiging bratinela niya." sagot ni Ash. "Kaya nga madami ang nagkaroon ng oportunidad na bullyhin siya simula ng kumalat yung pictures nila diba?"
Simula kasi ng kumalat ang pictures nila ni Adam at naging malaking eskandalo iyon kung anu-ano na ang pang-iinsultong sinasabi sa kanya ng ilang estudyante sa university at kung anu-ano na ding pambabastos ang nakadikit at nakasulat sa locker niya. Tulad nalang ng minsang makita namin nila Arlo na maynagvavandal ng salitang "Slut" sa locker niya, hinabol ni Arlo at Ashton ang mga ito para pagsabihan habang ako naman ay naiwan sa tapat ng locker niya para tanggalin ang kung anu-anong nakadikit doon at para sana burahin ang mga nakasulat doon pero nadatnan niya akong hawak ang spray paint na ginamit nung dalawang estudyante para magvandal sa locker niya.
Nakita ko kung paanong gumuhit ang lungkot at pagkadismaya sa mukha niya ng mapatingin sa hawak kong spray paint at sa nakavandal sa locker niya. Alam kong inaakala niyang ako ang gumawa noon.
"I-It's not what you think." hindi ko na napigilang sabihin pero nag-iwas lang siya ng tingin.
"Excuse me." mahinanong sabi niya kaya napaatras agad ako palayo sa locker niya.
Pinanood ko kung paanong dahan dahan niyang inilagay sa dala niyang bag ang lahat ng laman ng locker niya. Maybe she was advised to change her locker area dahil sa kung anu-anong sinusulat at dinidikit doon. Pagkatapos niyang mailagay sa bag ang lahat ng gamit niya naglakad agad siya paalis ng hindi ako tinitignan. Gusto ko siyang tawagin ng mga oras na yun. Gusto kong makipag-usap pero parang nabato ako sa kinatatayuan ko at walang lumabas na salita sa mga labi ko.
Iyon na pala ang huling beses ko siyang makikita dahil ilang araw matapos kaming magkita sa tapat ng locker niya nalaman ko nalang kayla Arlo na nagdrop out na pala siya sa university kahit na isang semester na lang ay gagraduate na siya.
"Bakit pa kailangan mong alamin kung kamusta siya? Hiwalay na kayo hindi ba? Dapat wala ka ng pakialam." galit na sagot ni Margaux ng minsang kinausap ko ito para kamustahin si Margaux at para sana tanungin kung saang university ito nagtransfer.
Noon ko lang nakitang nagalit si Janine at naiintindihan ko naman kung bakit ganoon nalang ang sama ng loob niya sa akin.
"Alam mong hindi niya magagawang lokohin ka at alam mo ding hindi totoo ang mga ibinibintang sa kanya. She begged you to believe her, na wala silang relasyon ni Adam at walang nanyari sa kanilang dalawa nung gabing yun pero maspinili mong paniwalaan ang sinasabi ng iba kaysa ang manatili sa tabi niya. Mas pinili mong hiwalayan siya kung kailan maskailangan ka niya." naiiyak na sabi nalang ni Janine kaya napaiwas agad ako ng tingin. "You should be the one protecting her, Matt."
"Gusto ko lang siyang makausap, Janine." hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaluha. "Gusto ko lang humingi ng tawad."
"You're too late, Matt." bigla nalang sabi ni Tori kaya napatingin agad ako dito. "She's flying to New York. Doon na niya itutuloy ang pag-aaral niya." napaawang nalang ang mga labi ko sa narinig.
"N-No." ang tangi ko nalang nasabi.
"Oo, Matt. Totoo ang narinig mo. Nagdesisyon na siya at ang lolo niya na manirahan sa New York pagkatapos ng lahat ng nangyari." sabi pa ni Janine. "Nagsisisi akong isa ako sa mga naging tulay para maging kayo ni Margaux. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari hindi nalang sana ako tumulong sayong ligawan siya."
"Sweetheart." pigil ni Arlo sa sasabihin ni Janine.
"Just let her be, Matt." malungkot na sabi nalang ni Louise saka silang tatlong magkakaibigan umalis at iniwan kami ni Arlo.
Nawala din ang ingay ng eskandalo halos isang buwan simula ng magdropt out si Margaux sa university dahil na din siguro hindi na ito pinag-uusapan. Ipinagbawal na din kasi ng university ang pag-uusap ng tungkol doon simula ng kumalat ang pictures at may kaukulang parusa ang sino mang mahuling magpapasa at magkakalat pa ng larawang yun.
Lumabas din ang totoong nangyari. She and Adam was drugged that night. Totoong walang nangyari sa kanila ni Adam. Tama si Ash na set-up lang ang nangyari para siraan si Margaux at ang may kagagawan noon ay ang sarili nitong pisan na si Alora na matagal ng may galit at inggit sa kanya.
Namatay din ang issue at nawalan ng ingay pero ang pagsisisi ko hindi nawala hanggang sa makagraduate ako ng kolehiyo. Kung sana hindi ko pinairal ang selos at inalam muna ang totoo. Kung sana nakinig lang ako sa sinasabi niya at kung sana siya ang maspinaniwalaan ko kaysa sa nakita ko nung umagang yun hindi sana kami humantong sa ganito. Sana siya ang maspinagkatiwalaan ko.
Simula ng umalis siya ng bansa kasama si Sir Felix ay nawalan na din ako ng kahit na anong balita tungkol sa kanya. Hindi nagkukwento si Janine tungkol sa kanya kahit na kinakausap na ako nito. Sinadya ko siyang punatahan sa New York ng magbakasyon ang pamilya namin sa Boston isang buwan pagkatapos ng board exam at sinubukan ko siyang kausapin pero nakiusap si Sir Felix na huwag ko ng guluhin ang apo niya kaya hindi ko din siya nakita at nakausap nung panahong iyon. At kahit ng bumalik si Sir Felix ng bansa at naging mentor namin ito nila Duane at Theo para ipagpatuloy ang negosyo ng mga magulang namin ay hindi din ako nakarinig ng kahit na anong balita tungkol kay Margaux o kahit kung kamusta lang ba ito. Hindi nagkukwento si Sir Felix tungkol sa kanya.
BINABASA MO ANG
MATTHEW (Way Back To Your Heart)
RomanceHe would never speak ill of anyone. He would never harm a person unless absolutely necessary. He would never cheat and is always honest. He is not sleazy and wouldn't take advantage of a person in a drunken or mourning state. That is how people desc...