CHAPTER ONE:
Matthew's
"HAVE YOU heard the news? Sir Felix is already back in the country." ani Ash habang tahimik kaming nagkakape sa coffeeshop ni Kaede.
"Yep. Hindi lang announced sa public ang pagdating niya ng bansa but he's back already. Tatlong araw na yata siyang nandito sa Pilipinas." sagot naman ni Theo. "The Lion of the Philippine Business Industry is back." nakangiting dagdag pa nito.
Malaki kasi ang naitulong ni sir Felix sa kung ano ang meron kami ngayon dahil siya ang naghasa sa mga tatay namin noong nag-uumpisa palang ang mga ito sa larangan ng pagnenegosyo. Siya din ang isa sa mga naging mentor namin nila Duane, Keiji, at Theo para ituloy ang negosyo ng aming pamilya pero naging sandali lamang iyon dahil kinailangan niyang pumunta sa America para magpasurgery three years ago.
"Edi nakabalik na din ng bansa si Margaux?" biglang tanong ni Keiji kaya hindi ko napigilan ang sarili kong mapatingin kay Ash.
"Wala namang nabanggit si Dad." sagot ni Ashton. Ang daddy niya kasi ang private doctor ni Sir Felix. "Si Janine ba walang nababanggit, pare?" napatingin agad ako kay Arlo na halatang natigilan sa paghigop ng kape niya.
"Wala naman." sagot ni Arlo na biglang nag-iwas ng tingin. "At saka hindi naman magkukwento yun ng tungkol kay Margaux dahil alam niyang maikukwento ko ang sasabihin niya sa inyo."
"Bakit, galit pa din ba si Margaux kay Matt?" biglang tanong ni Keiji kaya napatingin ang lahat sa kanya. "I mean, for what happened six years ago."
"I have no idea kung nagalit o galit pa din si Margaux kay Matt pero kilala niyo naman si Janine hindi yun nagkukwento ng tungkol kay Margaux kahit pa may balita siya." ani Arlo.
Janine and I were still friends. Sinabi niyang hindi na siya galit sa akin dahil sa pakikipaghiwalay ko kay Margaux six years ago pero hindi siya nagkukwento o nagsasabi ng kahit na anong balita tungkol dito.
"I heard she's living happily in New York kaya mukhang hindi na babalik yun ng bansa." dagdag pa ni Ashton. "Baka nga enggaged na yun sa kung sino mang swerteng lalaki at nagbabalak ng magkapamilya."
"May boyfriend na siya?" biglang tanong ni Keiji.
"Sa ganda nun ni Margaux imposibleng walang manligaw--aray!" mukhang may sumipa kay Ashton dahil hindi na nito natapos ang gusto nitong sabihin. "Oops! Sorry pare pero baka lang naman." natatawang sabi nalang nito ng mapatingin sa akin.
"Bakit? Mahal mo pa ba?" biglang tanong ni Arlo kaya hindi agad ako nakasagot. "Anim na taon na kayong walang balita sa isa't isa ha."
"Syempre first love yun ng ating Mattyboy kaya pasintabi naman." natatawang sabi nalang ni Keiji.
"Pero mahal mo pa nga?" nakangising biro ni Arlo sa akin. Nakita ko namang nakatitingin sa akin sila Ashton, Theo at Keiji na halatang hinihintay ang isasagot ko. "O naguiguilty ka lang dahil sa nangyari six years ago?" dagdag na tanong pa nito.
"Wala din kasi kayong proper closure nun no? Hindi man lang kayo nakapag-usap ng maayos bago kayo tuluyang naghiwalay." dagdag naman ni Ash.
"Naaalala ko tuloy kung gaano ka patay na patay sa kanya noon." natatawang sabi bigla ni Arlo. "Pikon na pikon ka pa sa kamalditahan niya nung una pero selos na selos ka din naman nung inakala mong shota niya yung lalaking madalas niyang kasamang nagdidinner sa resto nila Swisso. Tapos guiltying guilty ka din nung nalaman niyang iniisip mong shota niya din si Adam at pinagsasabay niya yung dalawa."
Narinig ko nalang ang pagtawa nila Ashton dahil sa sinabi ni Arlo.
"Yeah." nakabungisngis pang sabi ni Ash. "Kuntodo tanggi ka pang hindi mo siya gusto pero ilang beses ka naming nahuhuling nakatitig sa kanya kapag nakakasabay natin sila sa cafeteria."
BINABASA MO ANG
MATTHEW (Way Back To Your Heart)
RomanceHe would never speak ill of anyone. He would never harm a person unless absolutely necessary. He would never cheat and is always honest. He is not sleazy and wouldn't take advantage of a person in a drunken or mourning state. That is how people desc...