One Call Away( One Shot Story)

16 0 0
                                    

P.O.V John Charlie Manansala

Ring*Ring*Ring

Narinig kong Tunog ng Cellphone ko. Tinignan ko kung sino si Summer pala. Sinagot ko naman agad ang tawag niya.

"Hello" malumanay kong sagot
"Hello.. Bestpen?! Bestpen niloko niya ako.. tama ka.. mangloloko sya. Iniwan niya ako best" sabi niya habang umiiyak. Ito nanaman ang pagiging dakilang Best friend ko. Matagal ko ng nililihim kay Summer na may gusto ako sa kanya. Matagal ko ng nililihim na mahal ko sya. Tuwing nalulungkot sya sa akin ang takbo niya. Tuwing broken hearted sya, ako ang nilalapitan niya pero ni minsan di niya ako napansin ito ako isang dakilang kaibigan, oo isa lang akong kaibigan.

"Tama na yan! Lalaki lang yan marami pang iba dyan. Wag mo syang iyakan. Eh gago pala sya eh. Iiwan niya ang pinakamagandang babae sa mundo?! Puta na babaliw na ba sya?! Hayaan mo marami pang iba tandaan mo yan" Oo marami pang iba andito pa ako. Gusto ko yang sabihin kaso hindi ko magawa. Wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya na gusto ko sya dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin.

"Best sana ikaw nalang sya" sabi niya. Sana ako nalang sya?! Eh andito ako di mo lang napapansin yan ang nasa isip ko.
"Hahaha ganoon" yan nalang ang nasabi ko. Wala naman akong masasabi eh. Kundi isang tawa. Haizt nakakabaliw naman eh noh!!

"Kita tayo sa park...." sabi niya at pinatay na niya na wala manlang paalam. Eh ano pa nga ba ang dapat kong gawin di ba. Kundi puntahan sya sa Park at patahanin. Yun naman ang trabaho ko bilang isang kaibigan. Ni minsan ba hindi niya napansin na gusto ko sya. Hindi ba niya napansin lahat ng effort na binibigay ko para sa kanya?! Manhid ba sya?! O sadyang torpe lang ako kaya o baka naman talagang uumasa lang ako. Ewan ko. Hindi ko rin alam ang sagot sa lahat ng ito. Isa lang ang alam ko gusto ko sya at mahirap alisin yun dahil napamahal na sya sa akin. Sasanayin ko nalang ang sarili ko bilang isang kaibigan.

Naligo na ako at nagbihis at nag ayos na din. Umalis na ako sa bahay para puntahan si Summer sa park baka nag hihintay na sya dun. Ayaw ko pa namang pinaghihintay ang mahal ko. Malapit lang naman yung park kaya nilakad ko nalang.

Habang may nakasalubong akong dalawang mag syota. Hawak kamay silang naglalakad. Aww may forever na sila ui!! Tinitigan ko silang dalawa. Puti pa sila masaya. Ako ito nganga!! Naisip ko bigla na paano kaya kung kaming dalawa ni summer ang sweet na sweet habang nag lalakad?!

Siguro maraming maiinggit sa amin habang naglalakad kami sa daan na kahawak ang kamay. Sasabihin nila sa mga sarili nila na Perfect kaming dalawa. Tapos kakain kami ng ice cream ng sabay. Tapos maghahabulan sa ulan. Tapos bigla kaming magkakatitigan at hahalikan niya ako..... tapos tapos

"Ano ba tignan mo nga yang dinadaanan mo ng wala kang nababangga!!" Nagulat ako bigla dahil may nabangga na pala ako. Nag sorry nalang ako sa kanya.

Pumunta ako sa paborito naming Meeting place ni Summer. At di ako nag kamali nandun na sya naka upo at nakasimangot. " ui Summer" sabi ko sa kanya.

"Late ka nanaman palagi ka nalang late eh" nakasimangot niyang sabi. Ang cute niya talaga pag nagagalit.
"Sorry na po " sabi ko sa kanya at umupo sa tabi niya.

Sana habang buhay na kaming uupo dito sa upuang ito para habang buhay ko syang kasama. Sana kahit ngayong araw na ito huminto ang oras para sa aming dalawa. Sana ako nalang mahalin niya. Pero sa lahat ng Sana na yan wala namang matutupad. Tanggapin na natin na hanggang KAIBIGAN lang talaga ako

One Call Away (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon