Ang unang Tawag

9 0 0
                                    

P.O.V John Charlie Manansala

Tinitigan ko si Summer habang nilalabas niya lahat ng sama ng loob niya. Kanina pa sya iyak ng iyak, paulit ulit niyang sinasabi na niloko daw sya ni Ryan yung Bf niya na kaibigan ko. Oo yung naging Boyfriend niya ay barkada ko. Hindi naman nila alam na gusto ko si Summer. Nung pinakilala ko si Summer sa mga barkada ko. Sinabi ni Ryan na Crush niya daw si Summer. Hindi ko nalang pinansin yun. Tapos nagulat nalang ako kasi sinabi din ni Summer na gusto nya rin si Ryan. At hindi na nga ako nagulat nung naging sila. Oo aaminin ko na nasaktan ako nung nalaman kong sila na. Nagkulong nga ako sa kwarto ko noon pero na isip ko na dapat maging masaya nalang ako para sa kanya. Kung saan sya masaya doon ako.

"Niloko niya ako!! Alam mo ba yun best!! Yung tipong mahal na mahal ko sya tapos ganoon lang yung gagawin niya sa akin!! Yung tipong pinagmuka niya akong Tanga!! Yung tipong pinag muka niya akong Bobo!! Teka nga!! Parehas lang pala yung tanga at bobo!! Best!!! Nakakainis sya!! " umiiyak pa rin sya ngayon. Hindi ko magawang magsalita dahil wala naman akong masabi. Alam mo yung tipong gusto mong yakapin yung mahal mo pero hindi mo magawa!! Yung tipong gusto mo syang halikan para kahit papano mawala yung sakit na nadarama niya pero hindi mo magawa dahil isa ka lang kaibigan. Yun yung nararamdaman ko ngayon.

"Ui mag salita ka naman oh!! Kaya nga kita tinawagan para samahan mo ako sa Sakit na nararamdaman ko tapos ano?! Tutunganga ka lang dyan?! Nakakainis ka!!" Sabi niya sa akin. Kahit umiiyak sya ang Cute cute niya pa rin. Napangiti nalang ako. Dahil muka syang ewan ngayon. Pinagtitignan nga sya ng mga taong dumadaan kasi kanina pa sya sigaw ng sigaw dito. Paulit ulit naman yung sinasabi niya. Sinisigaw kasi niya na walang hiya raw si Ryan. Tapos kanina nahiya na ako kasi sinigaw niya na walang balls si Ryan kaya sya hiniwalayan. Natawa tuloy ako sa kanya.

"Ui ano ba mag salita ka!! Ano yan ngingiti ngiti ka nalang dyan?! Huh?! Alam mo hindi ko alam kung talagang kaibigan kita!! Nakakaloka!! Papanoorin mo lang ba ako?! Habang nagmumukang tanga dito ... Haizt nakakaloka!!"

Hindi ko namalayan na niyakap ko na pala sya. Basta nalang gumalaw yung katawan ko ng di ko namamalayan. Ngayon yakap yakap ko sya. Hindi sya gumalaw at umiiyak pa rin sya.

"Andito lang ako lagi para sayo kung kailangan mo ako tumawag ka lang darating ako. Isang tawag lang nasa tabi mo na ako agad agad. "Yan ang mga katagang lumabas sa bibig ko ng hindi ko sinasadya.

"Salamat huh" mahinang sabi niya.
"Para saan?!" Tanong ko naman sa kanya. Hindi sya umimik hinayaan ko nalang sya. Yakap ko sya ngayon hindi ako makapaniwala. Totoo ba ito?! Kung panaginip man ito sana hindi na ako magising.

Maya maya nakaramdam ako na parang may tubig na pumatak sa noo ko. Isa isang pumapatak ang tubig mula sa langit. At bigla itong lumakas.

"Halika, sumilong na tayo." Sambit ko sa kanya at akmang tatayo na. Pero bigla niya akong pinigilan

"Dito muna tayo wag kang aalis sa tabi ko kahit ngayon lang. " sabi niya sa akin kay hinayaan ko nalang sya. Basang basa na kami pero para bang wala lang sa amin. Nagtatakbuhan lahat ng tao dito sa park. Lahat sila naghahanap ng masisilungan. Pero kaming dalawa nakaupo parin.

"Salamat...." sabi niya.

" salamat sa dahil naging KAIBIGAN KITA" Oo nga muntik ko ng makalimutan kaibigan lang pala ako. Muntik na akong nadala dun ah..

"Walang anuman.. kaibigan mo ako HABANG BUHAY"....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Call Away (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon