Chapter 4

329 11 1
                                    

Chapter 4

Year 2007 October 1

Doreen’s POV

Nasaan ako? At sino ang lalaking ito? Bakit ito lang ang naaalala ko sa nakaraan. Inilibing ako ng isang lalaki pero hindi ko maalala ang kanyang itsura. Bakit ang init ko? May lagnat ba ako? Bakit marami akong hindi alam tungkol sa sarili ko puwera na lang sa alaala na iyon. Umalis ang lalaki pero hindi ko man lamang siya nakilala bago siya umalis. Tumayo na ako dahil naiihi na ako at nagugutom na rin kasi ako. Bumalik ang lalaki at pinagluto ako ng lugaw dahil walang laman ang aking Ref.

“ Bakit mo ginagawa ito? Hindi naman kita---- ”

“ Kilala, yun ba ang sasabihin mo dapat? ”

“ Nasaan ba ako ngayon? ”

“ Sa bahay natin at nang anak natin ”

“ Anak? Anong sinasabi mo diyan elementary pa lang ako hindi mo ba Makita studyante pa lang ako ”

“ Mahirap man paniwalaan pero yun ang totoo ”

Nagulat ako sa sinabi niya dahil isa pa lang akong elementary at wala akong naaalala na nag pakasal ako dahil masyado pa akong bata para doon.

“ Sino ka ba ha? ”

“ Ethan, ang asawa mo ”  

“ Hindi ito totoo! ”

Umiyak ako at umalis sa bahay na iyon at bigla akong nasagasaan. Dahil doon ay naalala ko siya at habang umiiyak siya ako naman ay natutuwa dahil bago ko lisanin itong mundo na ito ay naalala ko siya.

Mysterious ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon