Whoooooaaaah!!! Tili ko dahil may nakita akong lalaki na sumalubong sa akin, at bigla niya tinakpan ang bibig ko.
"Wag kang maingay" narinig kong boses sa likod ko.
"Uhm! Uhm!" Dahil nakatakip nga yung kamay niya sa bibig ko, hindi ako makapagsalita.
(Pinipilit kong makawala sa kanya para makatakbo ako. At kinagat ko yung kamay niya.)
"AHHHHGGG!!!" Sigaw niya.
(At nabitawan niya na ako at tumakbo na ako papalayo. Ngunit nahabol niya ako, at bigla niya akong niyakap)
"Bitawan mo ako!" Sabi ko.
"Wag ka nang kumawala, hawak ko ang puso mo. Sige ka!" Bulong sakin ng lalaki na nakayakap sa akin.
(At binitawan niya na nga ako. Tumakbo na ako papalayo ngunit hawak niya pa pala yung isa kong kamay. At hinatak niya ako papalapit sa kanya. Nang pag tingin ko sa kanya si William lang pala. Yung ilong nameng dalawa magkadikit na at eye to eye talaga kami. Di ko tuloy mapigilan na mafall sa kanya ng tuluyan.)
"Bakit mo ginawa iyon.?" Tanong ko sa kanya.
"Wala lang, ang cute mo tignan kanina." Sabay ngiti na lang siya.
"Ah!! Ganun? PACCCCKKKK!!!!" At sinapak ko siya sa muka
"Aray" sabi niya habang nakahawak sa muka niya.
"Nanchansing ka lang eh! Kaya mo siguro ginawa iyon." Ako.
"Hahaha!! Funny ka huh!" Sabi niya habang tawa ng tawa.
"Bakit hindi ba totoo?" Tanong ko.
"Ou. Bakit kita chachansingan? Hindi ko tipo yung mga amazona na katulad mo. Libre sapak ka pa eh no?" Sabi niya.
BINABASA MO ANG
"SAD STORY FOR GANGSTER"
Short StoryDAPAT BA TALAGA KATAKUTAN ANG GANGSTER? PAANO KUNG HINDI TALAGA SYA GANUN? PAANO KUNG MAINLOVE KA SA GANGSTER? KAYA MO BANG PASUKIN ANG BUHAY NIYA. KAYA MO BA SYANG BAGUHIN? Read my story please! Para masagot naten ang mga tanong sa itaas. Sabay sab...