w/n: STAN means "Stalker Fan" (http://www.internetslang.com)
Inspired by Eminem's "Stan" feat. Dido
_______________________________________________________
Truly Yours, Stan
Alas sinco pa lang ng hapon eh nakauwi na ako. Ngayon lang ito nang yari sa loob ng ilang buwan. Sobrang naging busy kasi ako sa pag-aaral at pati sa part time job ko.
"Maaga ka ata ngayon anak?" tanong ni Mama.
"Nakaluwag lang po sa schedule."
"Oo nga pala, noong isang buwan pa ito. Lagi kong nakakalimutang iabot sayo. Dangay lagi kang abala." aniya at iniabot sa akin ang dalawang sulat.
Natawa ako ng bahagya. Snail mail? Seriously? Uso pa ba ito?
Pumasok ako sa kwarto ko at nagbihis. Nag-ayos muna ako ng ibang gamit saka binuksan ang sulat. Ang petsa nun eh apat na buwan na ang nakakalipas.
Dear Francis,
Idol! Dalawang beses na akong nag-message sayo sa Facebook pero hindi ka nagre-reply. Siguro nga sobrang busy ka, di mo pa rin kasi yun nababasa eh. Wala pang "seen" hehehe.
Anyway, kamusta ka na? Balita ko deans lister ka ah. Alam mo ba kung nag-aaral lang ako eh gusto ko ring maging deans lister na tulad mo. Kaso wala eh, di kaya ng magulang ko na pag-aralin ako. Kaya nga bilib na bilib lalo ako sayo eh, nagagawa mo pa ring makapag-aral kahit magkatulad lang tayo ng kalagayan sa buhay. Nakakatuwa lang na nagta-trabaho ka para dun. Ang balak ko nga eh tutularan kita at sa susunod na pasukan eh magiging working student din ako na tuad mo.
Oo nga pala maayos na kami ni Nanay. Salamat dun sa istoryang sinulat mo na "Ang Sulat ni Inay". Sobrang natauhan talaga ako dahil dun. Mula nang mabasa ko yun eh naging fan mo na talaga ako. Sana makapag-sulat ka na ulit online, ikaw kasi ang inspirasyon ko eh.
Alam kong marami nang nagsabi nito sayo pero ako ang number 1 fan mo. Totoo yun! Kung may number 0 pa nga siguro eh malamang na ako na yun.
Sana matanggap mo ito, aantayin ko ang sagot mo.
P.S. Nakuha ko yung address mo sa google. Sana lang tama ito.
Truly yours,
Stan
Napailing na lang ako sa nabasa ko. Ilang buwan na rin akong tumigil sa pagsusulat online dahil sa sobrang busy ko. Tambak na nga rin ang message ko sa facebook at sa wattpad eh. Di ko na yun masagot dahil wala talaga akong oras. Mas uunahin ko na lang ang pag-aaral dahil dito, may mararating ako.
Nakaramdam ako ng gutom kaya naman nagpunta muna ako sa kusina para kumuha ng makakain.
Napaisip ako, nakuha niya sa google yung adress ko. Sabagay, nagpasa nga pala ako ng resume noon online at nakalagay dun yung address ko. Wala naman sigurong masama kung may isang nakaalam.
Bumalik na ako sa kwarto at binuksan yung pangalawang sulat. Galing din yun sa naunang nagbigay ng sulat.
Dear Francis,
Di ka pa rin sumasagot sa naunang sulat ko. Siguro naman nabasa mo na yun no? Dalawang buwan na ang nakakalipas eh. Di ako galit, tingin ko lang eh nakaka-gago na di ka sumasagot sa mga fans mo!
YOU ARE READING
Stan
Short Story[One Shot Story] Dear Francis, I'm your number one Fan. Truly yours, Stan.