Wanted Girlfriend

8.1K 187 20
                                    


Story:

❤️Wanted Girlfriend❤️
With pleasing personality
Lesbian
21-29 years old
at least 5'2 ft. in height
Athletic
College Graduate

Jade Tanchinco, born into a wealthy family. Mayabang, matapobre, at masungit. Naghahanap ng worthy girlfriend para ipakilala sa kanyang pamilya at pagselosen ang taong nagwasak sa kanyang puso.

Warning: Mature and Explicit Scenes. sa mga susunod na chapters.

Prologue

"Jade!! Ano to?"

Sabi ko na nga ba, malalaman at malalaman nya din ang balak ko. Sino na naman kaya ang nagsabi sa kanya? wait alam ko na ...ikaw Paul lagot ka sa'kin mamaya pag-uwi ko.

"Yes Bestie? mukhang pagod na pagod ka, gusto mo ng Juice or ?" nasa office sya ngayon at nag aayos ng mga papers at mga documents na kailangan nyang pirmahan. Ang dami.sigh. its not easy being rich.

Binaling nya ang atensyon sa linagay nitong papel sa desk nya.

"Mayron ka pa bang suggestions para sa ad? I need help actually" seryoso kong sabi sa nag-iisang best friend ko si Sally.

"I cant believe this.... so totoo ngang ginawa mo yan? tell me Bestie, are you out of your mind? naka drugs ka ba? kasi may topak lang sa ulo ang gumagawa nito! no.. wait isa ba ito sa mga pranks mo? mga tricks mo para malibang ka? My advice friend, wag ito, mag trip around the world ka na lang kung na bobored ka!" Ang lakas ng boses nito buti na lang soundproof ang office. Nakakahiya kung may makarinig sa kanila. Pero expected ko na ganito ang magiging reaction ng best friend ko.

"Relax Bestie, hindi lang naman ako ang nag po-post ng ads na ganyan sa internet at newspaper di ba? ang dami kaya." pagpapaalala ko sa kanya.

"At kailan mo pa nalaman na meron ngang nagpopost ng ganyan sa papers and internet? hanggang business section ka lang naman, and let me inform you.. Wala. Pa. As. In. Wala. ikaw pala lang ang gumawa nyan... naku sasakit ang ulo ko sa'yo... siguro pinag fiefiestahan na yan ng mga taong walang magawa sa buhay."  totoo nga ang sinabi ni Sally, ang daming tumawag sa kanya, nag email, halos di na nya mabilang.

Kailangan ko talaga ng tulong kung paano ma filter ang mga seryoso, sa opportunista.

"Hmmm..you're right Bestie, kailangan ko ng tulong mo, halos tinatadtad na ako ng mga txts at emails ng mga hindi ko kilalang tao. ang hirap kilatisin kung totoo sila or modus lang."

Napahawak sa ulo si Sally, tuluyan na ngang sumasakit ang ulo dahil sa best friend nya.

"Bestie? seryoso ka talaga? bakit? why? Sa ganda mong yan? hindi mo na kailangan magpakahirap, isang kindat mo lang mahuhulog na ang mga babae o lalaki sa'yo, pipilahan ka pa at luluhod sa harapan mo maging girlfriend mo lang sila." Yun nga ang problema, ang mga taong yun ang ayaw nya. they are judging the book by its cover. Kailangan nya makahanap ng worthy girlfriend, para magpanggap, yung magaling na actress, yung maganda, mabait, matalino.

"Hays, bakit nakatulala ka lang? kung seryoso ka talaga dyan, ano pa ang magagawa ko? Im going to help you, kailangan natin ng onting changes sa ads mo. at while Im doing the changes, kwento mo lahat sa'kin kung bakit naging desperado ka magka girlfriend" napatingin si Jade kay Sally.

Yes somewhere out there may taong worthy para maging girlfriend ko.....

*******

[2 days passed]

"Ayan oh... bagay sa'yo Bestie!" at sabay tawa ng malakas, gosh, i cant believe na ito ang naisipan ng malikot kong best friend.

"Ikaw Bestie, ayoko na, your making fun of me naman eh, ayoko na to hubarin ko na" tinggal nya ang nakakaduling na glasses.

"Hey! wag mong taggalin yan, nag hirap akong mag-isip ng possible way para sa problem natin, at wala ka namang maisip na iba di ba? nag agree ka na kaya wala ng bawian. but Bestie, i cant take it anymore ang cute mo" tapos tawa ulit ng malakas. Kung hindi lang ako mabait, nasampal ko na ang lokaret na to.

"So ganito ang ayos ko paghumarap ako sa mga possible na applicants? gosh, mag disguise akong panget? puno ng pimples at mataba? Sa tingin mo kakagat ang mga tao dito?" tinignan nya ulit ang sarili, ang galing ng napili nilang make up artist pati sya nabilib sa transformation nya. Big glasses, pimples here and there, naglagay ng fats sa tummy, at ginawang medyo yellow and ngipin. Am I really doing this?

"Yes, so lets go, mag ready na tayo sa first applicant mo."

**********

(A/N: draft lang po sya. nag brainstorm lang ako ng mga possible stories.)
Pero thank you na rin for reading.

Wanted Girlfriend (jathea fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon