A/N sa mga dating nagbasa nito, meron akong binago... mga lines.. pero ganon pa din ang takbo ng kwento... sige happy reading!
Chapter 15
Jade's POV
"Ano ba naman 'to Bestie~ I can't believed na ginamit mo akong taga-buhat ng babaeng 'to, di ba nga~ hindi ko na siya responsibilidad~ Wala. na. kami. matagal na!" pagrereklamo ko habang akay-akay ko si Jessie.
9pm na, pagod na ako at gusto ko ng magpahinga, kaya lang tinawagan pa ako ng magaling kong kaibigan, emergency daw, so nagmadali akong pumunta, iniwan ko si Althea ng mag-isang natutulog sa kuwarto namin. Akala ko may naaksidente pero pagdating ko, taga-awat at taga buhat lang pala ako ng isang nalasing at nangungulit sa Bar.
Jessie naman sinisira mo ang moment namin ni Althea sa mga pinaggagawa mo. Sumasakit ang ulo ko sa'yo, alam mo ba yun~
Si Sally nasa kabilang side. Dalawa lang kaming nagbuhat kay Jessie. Walang may gustong tumulong sa'min dahil malaki na ang kasalan nito sa mga guest doon. Ginulo ba naman ng babaeng 'to ang celebration ng mag-asawa. Nakakahiya.
"Bestie please... wag ka ng magreklamo dyan~ wala lang talaga akong ma-isip na hingan ng favor kundi ikaw lang, wala daw kasi siyang kasama pumunta dito. Naawa ako, thats why I helped her na lang, ayokong pabayaan lang 'to don, dahil naging gf mo din siya in the past. And anyway~ pagbigyan mo na, broken hearted eh. ikaw din naman ng magbreak kayo, naglasing ka rin, halos maubos mo nga ang alak sa Bar niyo kakainom."
Ouch... natamaan ako doon. Yea, She's right, I drunk myself to oblivion ng iniwan ako ni Jessie, gusto kong makalimot at makalimutan ang lahat ng mga pinagsamahan namin.
Nasaktan ako. It hurts so damn much, kaya medyo naaawa ako sa kalagayn ni Jessie ngayon, naawa lang, hanggang don na lang, dahil hindi na niya mababalik ang dating pagtingin ko.
Wala ng pag-asang bumalik yun. Wala na.
..... I know its not easy to let go, but kailangan mong gawin, para mapanatag na ang puso ko, masakit kasi kapag nakikita kitang ganito... dahil.... I still care Jessie.
as a friend.
"...... Jade?"
Ito na naman~ ang mga tingin niya~
Wag ako Jessie, wala ng epekto yan sa'kin, ang paawa effect. kaya umayos ka please.
.... accept mo na lang na wala na tayo....
".... I ..still..love you... so please come back, I'll do anything~ maging tayo lang ulit? Jade sige na naman.... nag-sisisi na ako, kahit ano gagawin ko basta bumalik ka lang sa'kin Jade. please~ be mine again. miss na miss na kasi kita, especially, when we're together, ang saya-saya natin noon, dapat hindi na ako umalis, 'di sana... magkasama tayo ngayon.... "
her voice.. ang lungkot at ang mga mata niya iiyak na naman.
Tama na ang guilt-trip Jessie, please naman~
"Jessie... sinabi ko ng di pwede-"
Huh?!
Ano na naman ang balak nito? ang isa niyang braso na naka-akbay kay Bestie linagay niya sa balikat ko... now her whole weight ay nasa akin na. parang nagsasayaw lang kami sa prom night. ang kamay niya pinalupot pa sa batok ko?!
BINABASA MO ANG
Wanted Girlfriend (the richman's daughter fanfiction)
Romantik❤️Wanted Girlfriend❤️ With pleasing personality Jade Tanchingco, born into a wealthy family, Mayabang matapobre at masungit, Naghahanap ng worthy girlfriend para ipakilala sa pamilya, at para pagselosen ang taong nag wasak sa kanyang puso. Warning:...
