Aj's Pov.
Nakatingin ako sa kisame ngayon. Bakit ganon? wala pa kong tulog pero hindi ako nakakaramdam ng antok.
"OO MASAMA AKONG TAO, OO INIWAN NILA AKO KASI GANTO LANG AKO!!! YUN BA AMG GUSTO MONG MARINIG?! AYAN NA, OO NILA AKO KASI MASAMA AKONG TAO!! ANO MASAYA KA NA!!!"
"Psh! Andrew bakit mo ba sinabi yun!"
"E bakit ka ba nagiguilty jan ha?! kasalanan nya naman talaga James"
"Kahit na ba. Hindi mo pa din dapat ginawa yun Andrew, nasaktan mo sya"
Umiling ako kasi pakiramdam ko para na akong tanga dito n kinakausap ang sarili ko.
***
"Mang teba?"
"Bakit hijo?"
"Ah wala po" Sagot ko saka ngiti ng pilit.
"May nais kang itanong?" tanong nito atska lumapit sya saken
"Ha? Ano po? Wala po talaga" Sabi ko habang pasimpleng ginulo ng kamay ko ang buhok ko.
"Si Ayen ba hijo?" Tanong pa ulet nya
"ah h-hindi ho. Ba-bakit ko naman po kakausapin yon?" Sagot ko.
"Hahaha ikaw na bata ka. Unang kita ko palang sayo kilala na kita sa bawat kilos mo"
"A-ano po bang sinasabi nyo?"
"hali ka, Makinig ka saken" tawag nito saken.
Ewan ko ba kung bat ko sya sinunod.
"Ayang si Ayen, Napakatapang na bata, Malakas ang loob may paninidigan at higit sa lahat may mabuting puso. Sa kabila ng lahat ng nangyari. Yung katotoohanang may ibang pamilya ang papa nya. Na yung papa nya kinuha lahat ng kayamanan nila at yung mama nya nabaliw dahil sa hindi nito kinaya ang lahat. Yung bang nasayo na ang lahat. Marangyang buhay, Masaya at buong pamilya tapos mawawala lang ng basta basta dahil sa isang kasinungalingan. Hindi bat masaket iyon? Hindi kaya tanggapin ng isang batang nasa trece anyos na gulang pa lamang. At yun ang nakakabilib sa batang yun, Kaya ang respeto at pag galang ko Ayen hinding hindi mawawala"
Ngumiti atska tinapik ang baliktad ko. Tumayo ito atsaka naglakad palayo. Pero bago ito makaalis nagbigay muna ito ng mga salitang lalo nakadagdag sa pagkaguilty ko.
"Kaya yung kagabi, Kagit sya ang mali. Hindi mo sya dapat hinusgahan ng ganon"
***
Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya
Kung may nasabi man ako init lang ulo pipilitin ko magbago para lang sayo.
Sorry na nakikinig ka ba? malamang sawa ka na sa ugali kong ito na ayaw magpatalo at parang isang tambutso na hindi humihinto.
Sorry na talaga kung akong mejo tanga hindi ako nagiisip nauuna ang galit
Sorry na talaga sa aking nagawa alam ko ng mali ako wag sanang magtampo sorry naAyen's Pov.
Nakadungaw ako s bintana ngayon pinapanuod si Aj habang mukang tanga na kumakanta habang na ulan.
"Yieeee ate Ayen sorry na daw" Sabi saken ni Abi.
Di ko nalang sya pinansin. Tatalikod na sana ako ng
"ma'am Ayen patawarin nyo na"
"Muka namang nagsisi e"
"kawawa naman basang basa na oh"
"kaya nga naten sinamahan magbasa sa ulan para effective"
"Patawarin na yan"
"patawarin na yan"
"Patawarin na yan"
Sigaw ng mga tao sa El Hardin. Ewan ko ba pero ayoko pa din. May parte saken na sobra akong nasaktan. Hindi ko alam pero madalas ko naman marinig yun sa ibang tao na hindi ako kilala pero bakit pag sa kanya galing masaket.
"Abi magpapahinga na ko. Tulog ka na" ginulo ko yung buhok nya habang sinasabi yan.
"Pero ate?"
"Sige na matulog na" utos ko.
Tumingin lang ako sa labas. Andoon pa din sya. Konti konti ng umaalis yung mga kasama nya.
Aalis ka din jan. Hindi ka tatagal kasi lahat sila iniiwan ako.
Lumakad na ko pabalik sa kama ko. Kaylangan ko ng lakas para bukas. Kaylangan ako ng sarili ko at ng mga tao dito. Kaylangan ako ni mama.