Ali

7 0 0
                                    

Mahabang katahimikan at ang iyong malalim na buntong hininga ang tangi mong naisagot sa akin. Hindi ka man umimik ay alam ko na ang gustong sabihin ng iyong isip na hindi kayang bigkasin ng iyong mga labi. Sapat na ang iyong katahimikan para malaman ko ang iyong sagot sa aking tanong.

"Minahal mo ba ako?"

Oo nga pala, minahal mo ako ngunit hindi sa paraang gusto at pinangarap ko.

Muli kitang tinanung,

"Meron ba akong puwang dyan sa puso mo?"

At mabilis mo akong sinagot ng "OO"

At alam kong totoo yun, alam kong may puwang ako ngunit hindi sa puwang na gusto ko.

Tumayo na ako at dahan dahang lumakad palayo, palayo sa'yo.

"Issa!"

Muli kitang nilingon at nginitian.

" Sa susunod na magkita tayo tawagin mo akong Isabella dahil sigurado ako na sa susunod na magkikita tayo ay wala na ang Issa na naging kababata mo, ang Issa na kalaro mo, si Issa na nilaro mo."

Tinalikuran ko na sya, kasabay nun ay ang pagtalikod ko sa kung ano mang pangarap o mas magandang sabihin na ilusyon na meron ako para sa kanya, sa aming dalawa.

"Paalam, Ali."



AliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon