Lahat tayo may taong gusto.
Lahat tayo may taong hinahangaan
May mga tao tayong tinatawag na CRUSH
Lalo na sa mga babae. Usong uso yan,
Hindi lang isa, dalawa,tatlo kundi madami pa.
Yung iba stick to one.
Yung iba naman ginagawang collection.
Anung masama?
Crush lang naman diba?
Pero kung minsan, ang simpleng salitang ito ay lumalalim.
Pag hindi pinansin ni crush, lumulungkot
Pag sinungitan ni crush, nababadtrip
Pag may kasamang iba, nagseselos
Pag may ibang kausap, naiinis
At higit sa lahat, pag may gustong iba, umiiyak.
Marami sa mga babaeng ganito, pinapangarap na maging crush din sila ng crush nila.
Hindi nga naman masamang mangarap diba?
Na sana, one day, hahawakan ng crush nila ang kamay nila at ihahatid sa bahay.
Laging kakausapin, pangingitiin, lalambingin at pasisiyahin.
Pero kung minsan, madamot ang tadhana.
Hindi pwede ang gusto natin.
Hindi tayo ang crush ng crush natin.
Hindi tayo ang gusto nila kundi ibang tao.
At iba talaga ang nakatadhana para sa atin.
Pag ganito, iisipin natin "Bakit ganun?"
Na nakakainis kasi hindi man lang tayo magustuhan ng taong gusto natin.
Kung minsan nga iisipin natin kung pangit ba tayo kasi hindi tayo ang pinili nila kundi ibang tao.
Kahit crush pa lang yun para na tayong pinagbagsakan ng langit at lupa pag ganun ang nangyari. .
Hindi porket crush mo siya, crush ka na din niya, yan ang totoo.
Hindi naman lahat ng gusto natin makukuha natin eh.
Kahit pa sabihin mo na nagwish ka na sa wishing well, sa pilikmatang nalaglag sa mukha mo at sa kaawa awing bulaklak na tinanggalan mo ng talulot.
Pero bakit ganun, may mga tao pa ring iniiyakan ang mga ganun bagay?
Expectations leads sometimes to disappointment.
Never expect, never assumes and you will never get hurt.
Kaya nga girls, we have to learn.
Hindi porket gusto natin ang isang tao, magugustuhan na rin nila tayo.
One day maiisip din natin kung bakit hindi tayo meant to be sa kanila at masasabi sa sarili na
.
.
.
.
.
.
.
.
."AY, CRUSH KO NGA LANG PALA SIYA."
BINABASA MO ANG
BAKIT HINDI AKO CRUSH NI CRUSH?
General FictionISANG PAGMUMULAT SA MGA MATA NG MGA KABABAIHANG NABUBULAG SA SALITANG CRUSH