Prologue

4 0 0
                                    


Masaya ako. Bago pa siya nawala.

Walang araw na hindi ako nakangiti o natawa. Nag rereklamo na nga mga kaibigan ko dahil makulit, pasaway at sobrang daldal ko. Siya lagi ang bukang bibig ko sa bawat araw na magkakasama kami.

Masasabi kong ako na ang pinaka masayang babae sa buong mundo dahil sakanya. Matuturingan kaming 'PERFECT COUPLE' sa campus namin. Para na ngang naka glue kami sa isa't isa dahil hindi kami mapaghiwalay. Hindi ako nagsasawang siya lagi ang nakikita at nakakasama ko. Masasabi ko na ngang siya na ang forever ko.

Pero hindi pala. May hangganan pala ang lahat ng saya. Akala ko tuloy tuloy na yung saya na nararamdaman ko, kase nandito siya sa tabi ko. Nagkamali pala ako. Umalis siya. Iniwan ako ng nag-iisa. Walang paalam. Ni dahilan hindi ko alam. Kaya ang daming tanong ang nabubuo sa isip ko. Bakit siya biglang nawala?

Sabi ng mga kaibigan ko mag moved on na ako. Kalimutan ko na siya. Dahil sinasaktan at kinakawawa ko lang ang sarili ko. Pero hindi pwede. Alam kong babalik siya para saken. Alam kong may mabigat na dahilan kung bakit siya nawala, kung bakit siya umalis. At iintindihin ko yun kase mahal ko siya, mahal na mahal.

I made a promise to myself na hindi ako magmamahal ng iba bukod sakanya. Na hindi ako titingin sa iba. Na hihintayin ko ang pagbabalik niya.

Pero hindi ko akalain na mahuhulog ako sa isang kasabihan.

'Ang pangako ay laging napapako'

A Chance to Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon