“Celine!”
Kinakabahan ako habang uma-akyat sa stage nang tawagin ang pangalan ko,
Ako kasi ang representative sa aming klase para sa Father’s Day Celebration.
Sa katunayan, ayoko talagang sumali.May isang bahagi kasi ng pagkatao ko ang nalulungkot.
“Anu ba ang kakantahin mo,iha?” tanong sa akin ng MC.
“Dance with my father po .. “ sagot ko.
“Ok, palakpakan po natin si Celine!”
Kahit kinakabahan, hinawakan ko ang mikropono at humarap sa napakadaming tao.
“Hmm, bago po ang lahat, Happy Father’s nga po pala. Ina-alay ko po ang kantang ito sa aking ama.
“Back when I was a child
Before life removed all the innocence
My father would lift me high
And dance with my mother and me and then
Spin me around ‘til I fell asleep
Then up the stairs he would carry me
And I know for sure I was loved..”
Hindi ko na natapos ang pagkanta dahil umiiyak na ako. Hindi ko na napigilan ang emosyon ko ..
Nilapitan ako ng MC at tinanong.
“Ba’t ka umiiyak,iha?” nag-aalala nitong tanong.
“May naalala lang po ako..” sagot ko sa pagitan ng paghikbi.
“Sino ang naalala mo?”
“Ang ama ko po. Napakahalaga po kasi ng araw na ito para sakin. Birthday po kasi ng ama ko ngayon, at ang araw ng kanyang kamatayan. Ang araw na pinadama niya sa akin kong gaanu ako kahalaga sa buhay niya ..”
“Bakit? Ano ba ang nangyari sa iyong ama??” tanong nya sakin.
“Ganito po ang nangyari noon ..”
Sabay na naglakbay ang aking diwa sa nakaraan na ksama ko pa ang aking ama.
BINABASA MO ANG
Dance with my father again
Short Storyitong kwento ko ay para sa mga tatay sa mundo na walang sawang magmahal at magprotekta sa kanilang anak. nararapat lang po na kayo ay pasalamatan. Happy father's Day po.