chapter 1:

52 1 0
                                    

“Happy Father’s Day, Papa! At Happy Birthday na rin po!”

Sigaw ko ng makita kong papasok na ang aking ama sa bahay sabay yakap ng mahigpit.

“Thank you my Princess.. Ikaw ba ang naghanda nito para sa akin?”

tanong sakin ng aking ama habang masayang nakatingin sa mesa.

“Opo, pinaghanda po kita ng paborito mong adobong manok at pansit palabok..”

“Sino ba ang katulong mong magluto Princess?”

“Tinulungan ko si mama sa pagluluto, Papa.”

“Di ba sabi ko wag kang magpagud masyado? Baka atakihin ka niyan?”

Concerened na sabi sakin ni papa.

May heart problem kasi ako. Blue baby ako nung ipinanganak ni mama. Kaya ayaw na ayaw nila na mapapagod ako..

“Di naman po ako napagod papa, wag po kayong mag-alala.”

Sabi ko nalang para di sya mag-alala, kahit na ang totoo ay nagsisikip na ang aking dibdib at di na ako makahinga.

Nag-celebrate kami ng birthday ni papa. Masaya ako dahil wala na ako halos mahihiling pa sa buhay, kundi ang humaba pa ang buhay ko. Para makasama ko pa ng matagal sina mama at papa.

“Blow your candle papa,”

Sigaw ko matapos naming awitin ang birthday song.

Hinipan naman ni papa ang kandila, at tinanong ko sya..

“Ano po ba ang birthday wish mo papa?”

“Ang gumaling ka anak at humaba pa ang buhay mo.. my little princess.”

Di ko mapigilan ang lumuha dahil sa sinabi ni papa.

At bigla akong napahawak sa aking dibdib dahil nagsikip bigla ang aking paghinga.

Wala na akong natandaan pa sa mga sumunod na nangyari dahil nagdilim bigla ang aking paningin.

Dance with my father againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon