"Move On". Salitang madaling bitawan pero mahirap panindigan at lalong mas mahirap gawin. Tama? And for sure maraming tao ang nasa stage na ito ngayon. In the first place bakit ba kasi tayo mag-momove on? Tricky question?, well not really.
Maaaring magmomove-on ka dahil bumagsak ka sa quiz at sasabihin mo sa sarili mo "babawi ako sa susunod", or move-on sa pinapanood mong heavy drama na sa sobrang sakit ng mga nangyari hanggang ngayon umiiyak ka parin gayong limang oras na ang nakalipas mula nang mapanood mo ito. Syempre madaming dahilan pa kung bakit ka mag momove-on, aabutin tayo ng siyam-siyam kung iisaisahin ko pa lahat. Pero ano ngaba ang pinaka-main reason? Ano pa nga ba, kundi ang pag move-on sa pagkakasawi sa pag-ibig. Ouch!
Hay pag-ibig nga naman. Sa una matamis, masarap at masaya ngunit kapag mali na ang timpla, pumapait. Sa sobrang pait na nito hindi mo na kayang sikmurain pa at kalaunay humahantong sa break-up. At anong kasunod ng break-up? Moving-on na. Sabi ko naman kasi walang forever! (Just kidding!)
Kung tatanungin kita kung paano mag move-on masasagot mo ba? Well, actually walang tama o maling sagot ditto. Nakadepende na ito sa tao kung paano niya ihahandle ang sitwasyon. May mga tao na they totally cry their heart out, yung tipong umaga, hapon or kahit anong oras man yan umiiyak. Mugto na ang mga mata sa kakaiyak. Well crying is a form of expressing one's emotions, wag kang mag-alala hindi kita ija-judge. Sa pamamagitan ng pag-iyak, dito mailalabas mo kahit papaano ang iyong nararamdaman. Cry a river? Cry an ocean? It doesn't matter kung gaano ka man kadalas umiyak as long as nakakatulong ito sa pag move-on mo. Go lang! Just make sure may stock ka ng tissue jan :p. Maliban sa pag-iyak, maaari ka ding lumabas or gumala kasama ang mga kaibigan mo. Mas mabuti kung may mga kasama ka dahil kapag mag-isa ka may tendency na mag-emote ka lang sa isang coffee shop at magreminisce which I think ay hindi makakabubuti para sa iyo. Ika nga nila, the more the merrier. Go out and explore, go to places you've never been. Another piece of advice, idelete mo na ang mga pictures niyong dalawa, pati na rin mga messages niyo sa isat-isa. Kung isa ka sa mga matigas ang ulo at minuminuto ay nakatitig ka parin sa picture niya, believe me walang mangyayari sayo. Lalo ka lang masasaktan, hindi ka nagmomove forward kundi bumabalik ka pa sa umpisa. Huwag mo na din siya istalk sa fb, Instagram, twitter or kahit sa tumbler pa. Ikaw din, bahala ka. Basta, there's a very long list of ways to move-on, a very long one. These are just a few and I hope it helps.
I know it's hard, I've been there. Actually I've done these things. Moving on is something that's easily said than done. Days, months or even years man ang abutin mo, It doesn't matter. Kung hindi ka maka-move dahil sa tingin mo hindi mo kaya, think again. Look around you, you've got your family, friends and above all God. Palagi mong tandaan na hindi ka nag-iisa, nandiyan sila para sayo kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon. Moving on is a process, it include steps, and it can be a long or a short one. Kung si Popoy at Basha nga nakapag-move on, ikaw pa kaya?
Ang pag-move on ay parang sugat na naghilom na, it takes time.
BINABASA MO ANG
Random Thoughts
RandomJust my random thoughts about love, family, friends and a whole lot of things. At may kasamang hugot. :D