Naalala ko nung bata pa ako isa ito sa mga kwento ni lola na nakakapangilabot.Second year high school ako nang bumisita kami kay lola sa Cagayan de Oro City, dahil matagal-tagal na hindi kami bumisita.
Bago ang kaarawan niya, nag-ayos kami ng mga gamit at damit ni lola. Panay kwento si lola tungkol sa mga bagay na mahawakan niya.
Napangiti ako, dahil nakita namin na kahit matanda na siya nakaka-alala parin siya ng mga experience niya at mismong mga taong nakakasama niya noon. Para bang may malaking memory bank si lola dahil ilang oras na ang nakalipas kwento parin siya ng kwento.
Inabot na kami ng gabi kakaayos, at timing nakahanda na sila mama ng hapunan.
Si lolo naman experience niya nung world war 2 ang ipinagyayabang niya. Nakakatawa, dahil pareho silang tumatawa na para bang nasali na rin kami sa history nila.
Hindi ko namalayan kung saan sila biglang nag iba ng pinag-uusapan at umabot sa experience nila sa wakwak o maligno.
Noon kasi si lola lang ang nagiisang mid wife sa isang distrito. Na assign siya dito sa bukirin ng CDO.
Ang wika ni lolo, "wag mo nang ibalik yun! Sa panahon ngayon, wala nang maniniwala na totoo ang mga nangyari".
Ikwinento parin ni lola.
Nalala niya ang nangyari sa tinulungan nilang buntis sa bukid. Maaga silang umalis para kinabukasan o sa makalawa ay maaring kabuwanan na nito.
Paakyat sila sa bukid kasama si lolo at ng asawa ng buntis. Takot na takot si lola, dahil malapit nang gumabi at baka mahimatay na siya sa takot ng imahinasyon niya.
Di kalayuan ay nakaabot na sila sa bahay.
Gabi na nang nakarating sila at may nariring silang baboy na umaaligid sa bahay.
"Aba ang yaman niyo at may baboy pala kayong alaga?" Pabirong tanong ni lolo sa magasawa.
"Ay! wala po kaming baboy sustento lang po ng aking ama na nasa army" sagot ng buntis.
Kinabahan si lola, dahil sa dami ng mga naexperience niya pag may mga hayop na nagpaparinig o nagbibigay ng prisensya ay ika nga nila maligno o aswang.
Alam na ng mag-asawa ang tungkol sa mga aswang na maaring bibisita at kagaya noon hindi pa terrorista ang kinakatakutan nila.
Kampanteng sinabi nila na di raw dapat ikabahala.
"Wag po kayong matakot, ang bahay na ito ay ginawa yari sa nara at ang bubong naman ay sa kawayan at nipa." Sabi ng asawa kina lolo at lola.
"Sa tigas ng nara na parang bakal, hindi talaga makakapasok sino man!" Dagdag nito.
Matagal nakatulog si lola sa pangambang pumasok ang aswang o di kayay kainin sila ng buhay ng baboy na maligno.
"Eh takot ka ba noon at di makatulog eh? Parang hindi na ata makahinga ang baraso ko sa himbing ng tulog mo!" Sabat ni lolo habang nagkwekwento si lola sa amin.
BINABASA MO ANG
Kwentong Katatakutan
HorrorMga karanasang ikwinento sa akin na gusto kong ipamahagi sa mga readers Mga kwentong kababalaghan, katatakutan at mysterio. - - - ... (Mas magandang basahin kung naka scroll page) Salamat at happy reading!