" Wow Cristina ang suwerte mo, nabunot ni Alex ang pangalan mo, ikaw ang partner niya sa Valentines Event na inorganize ng office natin ." natutuwang sabi ni Ana, isa sa mga ka officemate ko.
"Ah, ganon ba, okay." naiilang kong sabi sa kanya.
"Grabe ka Cristina, iyan lang ang reaksyon, samantalng ang daming may crush dun kay Alex, teka di kaya may gusto sa iyo yun!."
"Ah, talaga may gusto sa iyo si Alex, nililigawan ka pa niya?"
" Ang swerte mo talaga Cristina." tanong ng iba ko pang mga ka office mate na agad na lumapit sa amin ng marinig nila ang sinabi ni Ana.
"Teka, saglit lang, hindi naman niya ako niligawan nun eh. Imposible, wag kayong basta basta magisip ng ganun."
Habang sinasabi ko ang mga salitang iyon, hindi ko namalayan na nandun na pala si Alex. Napatingin ako sa kanya at matagal kaming nagtitigan na parang kami lang ang taong nandun sa mga oras na iyon. Muli ay parang nagbalik ang mga alaala kinalimutan ko na ng matagal na panahon.
" Cristina!" Agad akong napalingon ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko.
"Oh, Alex, kaw pala, bakit?"
" Um, ano eh, wag kang magagalit ha, may partner ka na ba sa prom?." nahihiyang sabi niya.
"Bakit siguro, yayayain mo ako no," natatawa ko pang biro.
"Kung ok lang sa'yo, ganun na nga." Nagulat ako sa sinabi niya pero agad din akong nakabawi.
"Siguro sinabi ni Ninang na ako ang idate mo sa prom, no?" Ninang ko ang mommy niya at close talaga ang mga parents namin.
"Hindi, gusto ko lang talaga na ikaw ang kasama ko sa araw na yun, ok lang ba sa iyo?"
Naramdaman ko na lang na parang namumula ng pisngi ko, hindi ako nakapagsalita ng maayos kaya napa " Oo" na lang ako.
Pagkasabi ko noon, bigla na lang siyang tumakbo sabay sigaw niya " Sige susunduin na lang kita bukas ng gabi ha!" Ngumiti siya, ang ngiting niyang kinababaliwan ng mga klasmeyt kong babae, pero aaminin ko kahit ako parang apektado na rin ng mga ngiting yun, napahawak ako sa dibdib ko at naramdaman ko na lang na ang bilis na pala ng pintig ng puso.
"Ang ganda talaga ng anak ko!"
"Naku mommy, siyempre sa iyo ako nagmana." sabay yakap ko kay Mommy.
"Oh, ladies tama na yang bolahan niyong mag-ina, nandyan na sa labas ang date mo, anak."
"Si daddy talaga! Maganda naman talaga kami ni Mommy di ba." naasar ko pang sabi kay Dad.
"Oo, ang ganda mo talaga ngayon Cristina." Napatingin ako sa pinto, agad akong namula ng malaman kong si Alex pala ang nagsabi nun, ang gwapo niya lalo pa akong kinilig nang maisip kong buong gabi kaming magkakasama ngayong gabi.
Para akong nasa ulap ng gabing yun, napakagentleman ni Alex sa akin, di niya ako iniiwang magisa, kaya mas lalo pa kaming inasar ng mga klasmeyt namin. Mamaya- maya pa ay may biglang lumapit sa amin si Fredo, ang lalaking ilang beses ko nang binasted.
" Cristina saglit lang ha, hihiramin lang naming tong date mo." Halos ipagdiinan pa niya ang salitang date nang sinabi niya iyon
"Tinignan ko ang orasan, thirty minutes na ang nakalipas pero wala pa si Alex, nag-aalala na ako kaya nagpasya na akong sumunod sa kanila.
" Alex di ba ang usapan natin pagtritripan mo lang, tapos ipapahiya natin siya gaya ng panghihiyang ginawa niya sa akin eh bakit parang sineseryoso mo na, ha!" Nakita kong hinawakan ni Fredo ang magkabilang kuwelyo ni Alex.
"Fredo, bitiwan mo nga ako, ano ngayon kung seryosohin ko si Cristina, eh dib a binasted ka na naman niya ng ilang beses." Nakita kong nagdilim ang mukha ni Fredo at agad na sinuntok niya si Alex. Gumanti kaagad si Alex at nagpabuno sila.
"Tulong! May gulo dito." Narinig kong sigaw ng mga klasmeyt kong babae na nakita na rin ang gulo." Pinilit silang mapaghiwalay ng mga kaklase kong lalaki ngunit talagang matigas ang dalawa . "Sinabing kong tama na di ba! Tama na!!!! Napasigaw ako. Tila noon lang tumigil ang dalawa at naghiwalay.
Maya-maya pa ay biglang tumawa ng malakas si Fredo. " Andito ka na rin naman Cristina, tamang –tama ang dating mo, ngayon mo sabihin Alex. Sabihin mo sa harapan ng babaeng ito ang plano natin. Magsalita ka!" Akmang lalapit uli si Fredo upang suntukin siya.
"Tumigil ka na Fredo!" Alam kong nanginginig na ang boses ko at basing basa na ng luha ang mukha ko ng mga oras na yun ngunit pinilit ko pa ring magsalita.
"Di na niya kailangang sabihin pa, narinig ko na ang lahat, ngayon alam ko na at wag kayong mag-alala, nagtagumpay naman kayo eh napahiya nyo ko ."
Tumakbo akong palayo sa party, tumakbo ako ng tumakbo, binalewala ko na ang nasira kong sapatos sa kakatakbo, pati ang gown ko na bagong bili ay basang-basa na din ng biglang bumuhos ang ulan na tila nakikisimpatiya sa sakit na nararamdaman ko ngayong gabi. Hindi ako nasaktan sa pagpapahiya na ginawa ni Fredo sa akin, nasasaktan ako dahil kay Alex, ako lang pala ang nakakaramdam ng lahat ng iyon, ako lang pala....................