Payong

664 31 10
                                    

This story is inspired by another story na nabasa ko sa Overheard at UP (Narinig ko sa UP), isang group sa FB. Hindi pa kasi ako naka-move on eh hanggang ngayon. Na-inspire talaga ako dun, at naisip ko na gumawa ng isang story na tungkol doon.

Para kay Ate na nag-share ng story na yun, dinededicate ko sa’yo to kasi… ewan ko. Na-touch po talaga ako sa story niyo.

--

Payong

[A One Shot Story]

Para saan pa ang payong kung wala na siya?

Umuulan na naman. Buti na lang at may payong ako na dala-dala. Kaso… ang dami kong naaalala sa tuwing nakikita ko ‘to… Sa tuwing ginagamit ko ‘to… Sa tuwing… Basta.

Tatlong taon na ang lumipas pero sariwa pa rin sa akin ang lahat. Ewan ko ba. Dahil kasi dito sa may payong na ‘to, naaalala ko siya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko ‘to maitapon-tapon… Pero tulad kasi ng payong na ‘to, napakahalaga niya sa akin. ‘Yung tipong ‘pag wala siya, tapos umulan, kawawa ako. Mababasa ako. O kapag wala siya, tapos malakas at mataas ang sikat ng araw, mangingitim ako. Matutusta ako. Magiging kakulay ko si Oble sa harap ng Humanities Bldg. Isa pa, kapag tinapon ko ‘yung payong na ‘to, baka magtaka si Mama. Tsaka baka sabihin niya na nagsasayang ako ng pera. Hindi niya kasi talaga alam kung anong meron sa payong na ‘to.

♖♖ Original post from Overheard at UP (Narinig ko sa UP) with some minor revisions ♖♖

Freshman ako noon. Summer. Enrolled sa Philo 1. UPLB. Dahil sa halos araw-araw na debate at recitation sa klase, bumibilib na raw sa akin si blockmate na itago na lang natin sa pangalang Pete. Gwapo, maputi, sa isang international school nag-high school. Lagi nya akong gustong maging groupmate, nirereserve ng chair, at sinasabayan pag uwian. Galante, magaling manlibre. Nagdesisyon ako na iwasan na sya gawa ng nahihiya na ako. Rich boy sya, ako simpleng promdi. Baka isipin nyang nagtetake advantage ako. Tuwing uwian, nagmamadali ako para di na kami magkasabay. Sinusundan nya ako at pag inabutan, niyaya na sabay kaming mag-lunch. Hindi sya pumapayag na tatanggi ako.

Isang uwian, lakad-takbo ako para di nya ako abutan. Mula Humanities, diretso ako sa likod ng lib at pababa ng Kanluran Street papuntang Grove. Sinadya ko na doon dumaan kahit gutom na gutom na ako para di nya ako makita at di masabayan. Hingal na hingal, gutom na gutom pero okay lang para makaiwas kay Pete. Nakarating ako sa may gate. Salamat, walang sumusunod.

Pagdating ko sa boarding house, laking gulat ko. Nauna pa sya sa akin at nakaupo sa sala hawak ang payong ko! Nagulat sya pagkakita sa akin na pawis na pawis. 

Pete: Saan ka galing? Bakit bigla kang nawala? Naiwan mo tong payong mo oh kaya hinatid ko na. 

Ako: Dumaan pa ako sa lib. Paano mo nalaman itong boarding house namin?

Pete: Andito ang name mo tsaka address mo sa payong. Anlalaki ng pagkakasulat. Akala ko di na kita makikita. Buti na lang naiwan mo ang payong.

Pahamak na payong.

Ilang beses pa din akong nagtry na iwasan sya, taguan sya. Minsan sa Biosci, minsan sa Physci. Pero lagi nya akong hinahanap at nahahanap. Di ko na kinokontra ang pagkakataon.

Nag-first sem. Second year na kami. Parang karugtong lang ng Summer. Masarap pumasok kasi makikita ko sya. Alam ko pareho kami ng nararamdaman kasi masaya sya tuwing magkasama kami at sinasabi nya na sana laging ganun na lang. Na sana hindi na matapos ang sem. 

Pagdating ng August, bigla na lang syang nawala. Di na pumasok. Wala na. Walang makapagsabi kung nasaan na si Pete. Walang paalam. Ansakit pala mawalan ng laging kasama. Para akong nabyuda. Pilit ko syang kinalimutan. Nagkaroon ako ng super crush. Nagkaroon din ng ibang boyfriends. Natutong magmahal. Pero nasaan na nga ba si Pete? 

Fast forward sa 20**. Naalala ko si Pete kasi pasukan na naman. Hinanap ko sya dito sa Facebook. Hindi ako nahirapan. Nakita ko agad ang pamilyar nyang muka. Gwapo pa din. Hindi nga lang sya nakangiti sa profile pic. Nasa Amerika na pala sya at doon na nagtapos, don na din nagtratrabaho. 

Minessage ko sya. Nagpakilala ako. Pinaalala ko ang payong. Pinaalala ko kung paano nya ako nahanap nang dahil sa payong. Ang lungkot lang, hindi pa din sya nagrereply kahit may "seen" na sa message ko. Sayang, madami akong gustong itanong. Pero mukang wala nang magiging sagot.

May pamilya na si Pete.

Wala nang silbi ang payong.

♖♖♖♖

Haay. Bakit ganun? May isang bagay talaga, maliit man ‘yun o malaki, maaalala’t maaalala mo ‘yung mga pangyayari noon na kinakalimutan mo na ngayon kasi sobra ka talagang nasaktan noon. Pero tulad nga ng sinabi ko kanina, hindi ko pwedeng itapon ‘tong payong na ‘to kasi mahalaga ‘to para sa akin. Alam kong wala na ‘tong kwenta kasi wala na siya kaso… ano bang magagawa ko? Masaya na naman siya ngayon eh. May pamilya na siya. Ni hindi niya nga ako nireplyan sa PM ko sa kaniya sa FB. Masaklap, pero ganun talaga.

Sana man lang maalala niya ako. Siguro kapag nangyari ‘yun, magiging masaya na ulit ako. Siguro kapag nangyari ‘yun, pwede ko na talagang kalimutan ang nakaraan. Pero hangga’t hindi pa kami nakakapag-usap ulit… Iyun at iyun pa rin ang laman at silbi ng payong na ito sa buhay ko.

Maliban na lang kung… ‘Wag na. Pag-aaral na lang muna ang iisipin ko.

Lumabas na ako sa BioSci Bldg. kasi kakatapos lang ng klase ko dun. Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ‘yung payong ko. Nang maging ayos na ang pakiramdam ko, sumugod na ako sa ulan. Haay. Sana ‘di na lang umulan para ‘di ko na lang sana ginamit ‘tong payong na ‘to. Pwede naman hindi ko magpayong eh. Kaso ayokong magkasakit. Mahirap umabsent. Tsk. Makapaglakad na nga. Baka ma-late pa ako sa next class ko eh. Haay.

“Kuya! Ba’t ka nagpapaulan!” Nilapitan ko ‘yung isang lalaki na nagpapaulan. Hinabol ko pa nga siya kasi tumatakbo siya. Ang tangkad niya pala. Medyo na-stretch talaga ‘yung kamay ko para lang mapayungan siya.

“W-Wala kasi akong payong eh.” Sabi niya sa akin. Medyo nakita ko na ‘yung mukha niya. Maputi siya, gwapo at medyo may katangkaran. Naaalala ko tuloy si Pete…

Teka nga! Hindi ko na tuloy alam kung anong sasabihin ko. Blame my involuntary reflexes. Bakit ko nga ba siya nilapitan? What’s with me? Tsk tsk.

“Pasalamat ka at nandito ako. Dahil nga may busilak na puso ako, ito. Pinayungan kita.” Sabi ko na lang sa kaniya. Medyo hindi ko talaga alam kung anong dapat kong sabihin. Tsk. Kainis.

Napangiti naman siya sa sinabi ko. Anong meron? Natutuwa ba siya sa akin? Shizz. Dejavu. Parang nauulit na naman ang nakaraan, kaso summer nun eh. First sem na kasi ulit ngayon.

“Saan ba ‘yung next class mo?” Tanong ko sa kaniya para basagin ang katahimikan. Actually, maingay naman kasi umuulan, so wala talagang katahimikan. Kaso hindi siya nagsasalita kasi eh. I mean, hindi siya nga-reply o wala siyang sinabi ulit. Err. Kung ano-ano nang sinasabi ko rito.

“Sa Humanities.”

“’Yun! Parehas pala tayo eh. Sabay na lang tayo.” Ngumiti ako pagkatapos kong magsalita. Ngumiti rin naman siya pabalik. Err. O-kay?

Naglakad kami papunta sa Humanities Bldg. Malapit lang ‘yung dito sa BioSci eh. Habang naglalakad kami, nag-uusap kami tungkol sa buhay-buhay namin. Paulo pala ‘yung name niya. ‘P’ na naman ano? Ayaw talaga akong lubayan ng nakaraan. Pero keribels. Same year lang pala kami. Pero hindi ko naman siya napapansin, o baka hindi ko siya pinapansin kasi busy nga ako kay Pete. Joke. Hindi naman busy. Masyado lang kasing kinuha ‘yung atensyon ko nung lalaking ‘yun.

Siya na lang ‘yung humawak dun sa payong kasi napansin niya na medyo nahihirapan ako sa pagtataas ng payong. Medyo matangkad nga siya, dba?

Pumasok na kami sa Humanities Bldg. Sa basement siya, sa first floor lang ako. Nagpaalam kami sa isa’t isa at nangitian muna bago maghiwalay ng tuluyan. Medyo wirdo pero… ewan ko.

Mukhang nauulit na naman ‘yung mga nanyari noon. Dejavu. Pero… bahala na. Haay. Siguro ngayon…

May ibang kahulugan na ang payong na ito para sa akin.

--

You deserve a happy ending, Ate. <3

Sana po magkasalisi tayo sa UPLB. Mehehehe. God bless po and good luck sa studies. Freshie pa lang po ako dun. :D

PayongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon