I love you... Again?

5 0 0
                                    

Chapter I

Part 1 of 2

...

"I'm single and I'm proud of it!" Sigaw ng kaibigan kong si Lia.

Nandito nga pala kami sa tambayan namin. Isa itong park.

Madalas kami nandito ng buong grupo. Pero ngayon siya lang kasama ko.

Di pa pala ako nakakapag-pakilala. Ako nga pala si Shaun Santos. 19 years old, 4th year college student.

At kasama ko itong loka-loka kong kaibigan na si Lia. Lia Ramos whole name niya. 18 years old siya at 4th year college din.

Kaibigan. Kaibigan nga lang ba? Hanggang dun na lang ba? -Tanong ko sa sarili ko.

E kasi naman e. Ang labo niya.

"Huy! Ang lalim ng iniisip ah? Ano meron?"

"H-ha? Wala ah."

"Jusko Shaun. Sa 13 years na magkakilala tayo, sa tingin mo ba di kita kilala? Lahat ng mga actions mo alam ko. Pati mga secrets mo alam na alam ko. Hahahaha!" Tama. 13 years na kami magkakilala. Classmate ko siya since Grade 1 until s6 at schoolmates from highschool to college.

"Wrong. Di lahat alam mo." Bulong ko sa sarili ko.

"Anong sabi mo?"

"Ha? Wala akong sinasabe ah." Sagot ko.

Tumahimik siya. Magaling siya sa silent treatment. Promise!

"Sheeet! Nanjan si Andrew!" Sabi niya with matching hampas pa sa braso ko. Hayyy nako. Siya nanaman. Puro nalang Andrew, Andrew, Andrew. Halo-halong gulat, galit, inis ang nararamdaman ko.

"Aray! Aray! Ano ba? Akala ko ba proud ka maging single? E parang pag niligawan ka ng mokong na yan ngayon e "I Do" na agad isasagot mo e." Inis na sagot ko.

"May sinabe ba ako? At saka siya mokong? Di kaya!" Sagot niya. Kitams. Sabi ko sainyo malabo siya e.

"Ang labo mo!" Sabi ko.

"Ah ganon?" Panakot niya. Yep. Panakot niya yan.

Biglang may lumapit sa amin.

"Hi Lia! Yo Shaun! Ano ginagawa niyo dito?" Si Andrew. Ba't siya nandito?

"Kumakain. Tanga lang. Nakikita mo namang naguusap kami e nagtatanong ka pa." Bulong ko nanaman sa sarili ko. Nakakabadtrip e.

"Hi Andrew! Wala naman. Nag-uusap lang kami. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Sagot ni Lia with full smile pa yan ah! Sheesh.

"Ahh. Napadaan lang." Sagot ni Andrew na naka-smile din.

"Drew, Lia, una na ako. May pupuntahan pa nga pala ako. Andrew! Ingatan mo yang si Lia ah."

"Ge Shaun. Ingat!"

"Ge." Sabi ko sabay kaway.

"Bye Shaun! Ingat!" Sigaw ni Lia. Pero di ko na pinansin.

.

.

.

.

.

.

.

Nag-sinungaling ako. Wala talaga akong pupuntahan. Kaya eto ako. Nagdadrive papunta sa kung saan man ako dalhin mg kotse ko. Joke. Uuwi nalang ako.

Lutang ako. Ang gulo ng isip ko. Ang gulo din ng nararamdaman ko kay Lia. Mahal ko ba siya? O baka crush lang. Leche naman oh!

*Beeeeeep*

Muntik ko na masagasaan yung babae. Syete namn oh.

Bumaba agad ako ng sasakyan ko.

"Miss! Sorry! Okay ka lang ba?"

"What the hell is wrong with you?" Sigaw niya sa akin. Natatakpan ng buhok niya yung mukha niya.

"Sorry na nga miss e." inalalayan ko siyang tumayo.

"Ikaw kasi e. Are you out of you-- Shaun?" Sabi nung babae. Teka, ba't niya ako kilala?

"Huh?" Nagtataka kong tanong.

"Shaun! Shaun Santos, right? Di mo na ba ako kilala? Tricia, Tricia Garcia. Di mo na ba ako kilala?" Sunod-sunod niyang sabi.

Tricia. Tricia. Hmmm. Ahhh!

"Tricia? Yung Prom Queen?" Tanong ko

"Yep, Prom King. Haha!" Biro niya sa akin. Yeah. Prom King ako, Queen siya.

"Hahaha. Uhmm. May pupuntahan ka ba? Let's go to Starbucks. My treat!" Yaya ko sakanya. Para naman makapagcatch-up kami sa isat'-isa.

"Uhmm. Sure!" Payag niya.

Pinagbuksan ko siya ng pintuan. Then, nagdrive na ako papunta sa Starbucks.

"So, musta ka na, Tricia?" Tanong ko.

"Ako? Okay naman. Ikaw, Shaun? Musta na?" Sagot niya at tanong din sa akin.

"Okay naman din." Sagot ko ng naka-ngiti.

"You look more handsome. Lalo na yung suot mo ngayon." Sabi niya. Naka - suit nga pala ako.

"Uh. Thanks! Hahaha! You look prettier." Compliment ko din sa kanya.

"Awww. Thank you, Shaun!" Sabi niya sa akin. God! Ang ganda niya! Pero mas gumanda siya nung nag-smile siya. At namula pa.

Nakarating na kami sa aming pupuntahan.

Pinagbuksan ko ulit siya ng pintuan.

"What would you like? Madam?" Pagbiro ko.

"Hahaha! Strawberry Frapuccino, sir. Hahaha!."

"Right away, your highness." Sabi ko sabay bow.

Pumunta ako sa counter.

"One venti Strawberry Frapuccino for Trish and One venti Caramel Macchiato for Shaun."

"Okay sir, that would be P350, sir." Sabi nung cashier.

Binigay ko na yung bayad at pumunta kay Tricia.

"Hey! Hahaha!"

"So Tricia, musta ka na? Sorry talaga kanina ah."

"Ano ka ba! Okay lang yun. Di naman ako nasaktan ng masyado."

"Strawberry Frapuccino and Caramel Machhiato for Trish and Shaun." Sigaw nung barista.

"Kunin ko lang yun ah?"

"Okay!" Sabi niya with smile.

Pagkakuha ko, bumalik na ako sa table.

"Here you go!"

"Thanks!"

At ayun. Nag-usap kami. Napagusapan namin tungkol sa mga buhay namen. Kung saan nagaaral. Nalaman ko rin na nagtatrabaho din siya sa company ng parents niya. At kung anu-ano pa. Siyempre, di mawawala ang lovelife.

"Tricia, how's your love life?" Tanong ko.

"Eto, wala. Haha. Ikaw naman Mr. Loverboy." Sabi niya habang hawak ang necktie ko at unti-unting nilalapit ang mukha ko sakanya.

"How's yours?" Mahina niyang sabi.

"Uhmm, Tricia? What are you doing?" Naiilang kong tanong. First, nasa public kami. Second, ngayon lang ulit kami nagkita.

"Come on, Shaun. Do you still like me? Huh?" Sabi niya sakin in her most seductive voice. Hmmm.

"Uhh. I dunno. Maybe? I don't know. Come one, Trish. Ngayon lang ulit tayo nagkita. It's been four years. And-- Mmmmmm." Guess what she did. I guess you already know. She kissed me. God I missed this!

"How about now? Shaun?" Tanong niya nang nakangiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 16, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I love you... Again?Where stories live. Discover now