Part 1

70 4 0
                                    

Panibagong Araw,

 panibagong Sem na naman.

Hayss!!!

Eto ako ngayon at naglalakad papuntang building namin.

Psshh.

Eto na naman sila!

 Feeling ko nasa ibang planeta ako.

Bakit?

Kasi lagi nalang ako pinagtitinginan.

Masama bang magsalamin?

Masama bang magsuot ng T-shirt at Pants?

Ano ngayon kung di ako tulad nilang nag-sskirt?

Skirt na ewe.

Di ba sila naiilang?

Inilalabas ang Legs tapos ....

Wag na nga!

"Ohh.. Si nerd nandito na. Hahaha. Ang aga aga ang sama ng tingin."

Nagsitawanan naman ang classmates ko. Epal talaga itong si Diego.

Aga aga ito pa makakasalubong ko.

NAMAN!!

Hanep na buhay toh.

Oo inaamin kong gwapo siya, matalino at deans lister din.

Kaso,

EHEM. *cough* *cough*

Ugali niya nakakainis.

Dumaretso na ako sa upuan ko.

Baka mamaya di ko mapigilan ang sarili ko at ibitin ko siya patiwarik sa puno.

"Ohh.. Asar ka na naman kay Diego niyan? Cheska ahh.. Feeling ko may gusto sayo yun. Hilig magpapansin sayo eh"

"Yun? Yung saksakan ng kayabangan na Diego na yun? Mas gusto ko pa magsolve ng sangkatutak na equation kaysa maniwala sayo at makisama sa lokolokong yun."

 "Ohh Kalma teh Kalma. Para kang papatay ng gwapong nilalang niyan. Wag mong ituloy mababawasan ang pogi sa mundo."

"Tsk. Pati pa naman ikaw Eunice? Magsama nga kayo ni Hannah. Kung napopogian kayo sa kanya pwes ako HINDE!"

"Narinig ko yun."

"Ay Kabayo!"

"Waw. Ang pogi ko naman para maging kabayo."

Grrr.

Nakakainis itong taong ito.

Ang hangin niya kahit kailan.

Masyado siyang pasikat, papansin at KELAN pa naging kabute ito?

basta basta nalang nasulpot.

"Ano na naman?  atleast nilalang pa din sa mundo. Kaysa naman sa Abnormal na nga.. Mahangin pa!"

 "Huh? Masyado ka bang na cool-an sa akin? O baka naman nainlove ka na huh?"

Ahhh.. Sira ulong ito. Ilapit ba daw ang muka niya sakin? Kainis.

"At kelan pa huh? In your dreams. Pwede ba Mr. Diego Marquez ilayo mo yang muka mo sa akin? Kumukulo dugo ko sa pagmumukha mo."

At inilayo na niya.

"Hahahaha. Masyado ba akong hot? kasi sabi mo kanina cool so Hot na pala ako ngayon sa paningin mo? Pati dugo mo nakulo dahil ang hot ko. Hahahaha. Alam mo nakakatawa ka talaga Ms. Francheska Gomez"

Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon