Most Hagardo Versoza Day

5 5 0
                                    

11/26/15

Gutom. Pagod. Saya. Takot.

Yan yung naramdaman ko noong araw na yun.

Gutom kasi di ako nakapagtanghalian. Kasi namili pa kami ng mga kailangan para sa Teacher's Day ng school. Tanging tubig na lang ang pumawi sa gutom.

Pagod. Kasi gutom ka na nga wala pang matinong upuan. Nakasalampak sa sahig ng gymasium. Lagi na lang bang ganito? Bakit di sila gumawa ng oaraan magkaroon ng maayos na upuan ang mga nasa ikaapat na taon. Pare-parehas lang naman kaming nagbabayad ng tuition ah. Pero wala kaming bangko. Gutom na nga nasalampak pa ng halos tatlong oras sa sahig.

Saya. Kasi ginawang concert ng mga teachers ang kanilang production number. Tapos yung adviser ko ay nagbreakdance pa. ANAK NG PUTS!

Takot. Takot kasi hanep lampas na ako sa curfew na binigay ni Papang na alas sais ng gabi. 6:20 pm na ako nakadating. Nagsigawan pa kami. Haneps.

Mirasolsol FasolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon