May magaakala ba na, ako, si Annika Gonzales ay magkakaroon ng chance na...makapunta sa isang ball na pang mga magaganda at popular na nilalang?! Alam kong wala kaya eto lang ang masasabi ko. May Himala!
Anyare bat ako naging ganyan? Eto basahin nyo nalang.
~bago mabaliw si Annika
Naglalakad ako papunta sa room ko ng biglang sumulpot ang reyna ng mga P******** si Claire. akala nyo mura yun noh? Mali kayo ibigsabihin nyan Puro asteris. Reyna ng mga unli call and text pati na free wifi.
"Umalis ka nga dyan!" Sigaw nito. Aba sya yung humarang ako pa tatabi?! Pero sa huli ako rin ang tumabi. Wala naman akong choice eh.
"Tatabi nalang magiisip pa." Bulong nya at binangga ako. Aba't! Naghahamon talaga tong babaitang suklubang to ah.
"Papansen kang asteris na babae ka" sabi ko. Yung maririnig nya. "Anong sabi mo?!" Sigaw nya. "Binge kaba?! Isa kang pasa load na kung kani kanino galing malande ka! Ang tagal ko ng nagtitimpi sa pagmumuka mong mukang unggoy na ewan." Sigaw ko naman.
Bigla namang may bumangga sakin. Kala nyo totoo na noh? As if naman na gagawin ko yun edi mauuwi sa wala lahat ng paghihirap ko para maging low profile student.
At dahil sa lakas ng pagkakabangga nung kung sino man to napa upo tuloy ako sa sahig. Buti nalang bagong mop to ni manong boy.
Kinuha ko naman agad yung salamin kong nasa lapag at sinuot na. Yan mas maganda na yung paningin ko. Teka...sino ba tong lalaking to?
Badtrip biglang umalis at ang masama pa nyan...hindi na nga sya nagsorry napahiya pa ko sa mga kaklase ko! Putek buti nalang tinulungan ako ni Geah. Ang aking nagiisang bestfriend.
"Thanks." Bulong ko sakanya pagka tayo ko. "Okie lang yun" sabi nya. Simple, Matino at inosente sya ibang iba sa kakambal nyang pinalamon ng kapangitan ng ugali. Kakambal nya si Claire. Si Geah at Claire?kambal?we di nga? Ganyan din yung reaksyon ko nung una kong nakita silang magkasama. Teka. Tinawag ko si Claire na unggoy dahil sa kapal ng make up nya. Kaya. Kahit kambal sila, hindi na sia magkamuka.
Naglalakad na kami papunta sa room na nasa dulo pa ng school ng biglang nagsalita si Geah. "Pumunta ka! Kung hindi....hindi tayo bate!" Inabot nya sakin yung papel na kanina nya pa hawak. Nung nahawakan ko na bigla syang tumakbo paalis. Hala anyare dun?
Nahanap mo na ba ang mr. Right mo? Kung hindi pa aba! Kaylangan mong pumunta dito!
May picture ng isang castilyo...
Ngayong saturday na! 9 pm!
Wait...what?!
Welcome ang lahat! Single, taken,loner kahit sino kahit ano dito sa ......
Ball ba kamo?!
"Teka lang Geah..." pero wala na sya. Ano bayan. Ayokong pumunta kaya lang magtatampo si Geah eh... napabuntong hininga nalang ako.
At yun na nga. Akala nyo masaya ako doon sa intro ko no? Ngayon alam nyo ng hindi. Maoop lang ako doon.
Mabilis na lumipas ng mga araw at friday na. Lahat ng mga estudyante ay naghahanda para sa ball. Pati si Geah. Wala na kong magagawa. Buti nalang pala masquerade ball to kung saan lahat ng aatend ay nakamaskara.
Sooo pumayag na ko kay Geah. Naaalala ko pa yung muka nya nung umoo ako. Maasim na masaya na ewan.
Pumayag din si mama at as usual busy parin si papa. Pero pumayag din. Binilihan narin ako ng gown at maskara which I find uncomfortable ow diba hindi nauwi ang lahat sa wala sa pagbabasa ng mga libro.
Saturday na ngayon at eto ako basang basa sa tubig kakaalaga sa garden. Sana may towel pa akong magagamit pang punas sa aking pangit na muka.
Pagkatapos ko ayusin yung mga bulaklak ko umakyat na ko sa kwarto ko para maligo. Pagkatapos kong maligo pinababa ako ni mama para maayusan na daw ako.
Nasabi ko bang 4 pm na? Kung hindi sorry hehe.
Si Kuya slash ate John ay patapos na sa mukat buhok ko at ang oras ay 6 pm na. Inabot sya ng dalawang oras sa pagaayos ng mukat buhok ko dahil malikot ako. Ano magagawa ko eh nakakairita.
Nadamitan naman na ako at 7 pm na. Bale ayos na ang lahat. May maskara naman ako kaya hindi nila ako makikilala diba? Nagpalipas oras muna ako ng isang oras at umalis na sa bahay.
"Thank you po Manongs long" sabi ko kay manongs. Kumaway sya at sinarado na yung pinto ng sasakyan. Okay lang ba na nandito ako?
Pinakita ko yung invitation ko at pumasok a sa loob.
Ngayon may tanong ako. Pangit ba ko kaya nakatingin silang lahat saakin?
Umupo nalang ako sa tabi at buti nalang bumalik na yung iba sa kung ano man yung ginagawa nila.
Bigla namang nagpatugtog ng mabagal na music.
Nasa media yung song.
We found love right where we are and baby we found love right where we are....
Wait... pano kung nasa cr sila? Pano kung nasa sementeryo sila? Nakakatakot naman tong kantang to.
Pagkatapos ng kanta bigla namang may nag alok sakin ng sayaw. Tinanggihan ko sya at may nagalok nanaman at sunod sunod. Ano bang problema ng mga to?!
Tumayo ako sa pagkakaupo ko at nilapitan si Geah. Buti nalang. "O My Gasul! Ikaw ba talaga yan An-" tinakpan ko agad yung bibig nya. "Ssshhh oo ako to" bulong ko sakanya.
Bigla namang may lalaking dumaan sa likod ni Geah...anong kulay yang buhok na yan? Maroon? Parang pinaghalong red at violet.
Bigla naman syang tumingin sakin. Aalokin nya ba ko? Pssh as if naman anu bayan nagiging assumer na ko.
Bigla naman niyang inistretch yung kamay nya. Inaalok nya taaga ako!tinitigan ko ang muna yung purple nyang mata at kukunin ko nasana yung kamay nya ng biglang may sumampal non.
"Assumera ka. Tabi nga" sabi ni asteris este Claire. "Ano ba Claire!" Sigaw ni Geah. Kinuha ni Claire yung kamay nung violet guy at nilagay yung free hand nys sa may balikat ng lalaki.
"Assumera. ako yung inaalok nya hindi ikaw." Tapos umalis sya kasama yug lalaki.
"Bayaan mo na yon." Sabi ni Geah. Nagsmile nalang ako at biglang mag nagflash. Ano yun? Pinabayaan ko nalang at umupo na sa upuan katabi si Geah.
Pareho kaming hindi sumayaw kaya kumain nalang kami. Bigla namang nagdilim. May spot light na tumutok dun sa may stage. "Ladies and Gentlemen, ako si Piolo your host fr tonight. And as you all know. Mawawala ba ang queen and king of the ball?!"tapos ang dming nagsabi ng hindi.
"Our King for the night is....still handsome as ever, Chester!" Sigaw nung host wait... Chester? Parang familiar. Tumutok yung spotlight dun sa Chester at what the what?! Violet guy?! "3 consecutive years of winning na!" Sabi nung host.
"And our queen is....oh...wait! Its her first time to be in here! She doesnt have a name but still....give her a hand of appluase!" Sabi ulit nung host nagpalakpakan nanaman yung iba at ilang segundo lang. Boom pak wtw tumutok yung spotlight sakin!
"Om Gasul! Ikaw ang queen Annika!" Bulong ni Geah. Wtw?
"Come here on the stage" tawag sakin ng host. Tumango ako at umakyat na. Shete nakakakaba to. "You may now remove your mask" wait ano?! Tatanggalin?! Umiling ako at tumawa yung host "seems like our queen likes to have a mysterious profile." At tumawa rin yung iba.
"Well thats okay." Sabi nya at tinanggal na nung violet guy yung mask nya. Ang ganda ng mga mata nya...
"Go get you dance" bulong sakin nung host sa tenga ko.
Bigla namang nagpatugtog ng slow music. Nilagay ko yung kanang kamay ko sa balikat nya...kung saan sya hinawakan ni Claire kanina at yung kaliwang kamay ko sa kanang kamay nya. Yung kaliwang kamay nya naman nasa bewang ko.
Nagsayaw lang kami.
~
Nagustuhn nyo ba? Corni ako no? Hehehe sorry! Asahan nyo na ang mga corni at may pag ka jejeng chapters ahead!
(^v^)
YOU ARE READING
Bestfriends Noon, Ano Na Ngayon? [DISCONTINUED]
RandomAko si Annika Gonzales ang nerd ng school na laging nabubully ng dahil sa katuwaan at sa lakas ng trip ng mga tao sa school. Ano kayang mangyayari sakin? Sabi nga ni Geah "Madaming pwedeng mangyari, magbago at mabuo" haayyy nagdilang anghel ang loka...