4 Private talk

53 2 0
                                    

Lumabas narin ako at sinundan si Geah. Ang lakas ng ihip ng hangin kaya para akong tinatangay. Pagkatapos umakyat...

Nakita ko doon si Chester. "Ok. Nayong nandito na kayo, tayo. Explain na." Tumango sila pareho. "Ako yung nang bubully sayo noon." Sabi ni Geah. "Huh?!" Tumango si chester. "Si Claire ang nagliligtas sayo." Tuloy niya. Hala?! Yung asteris? Weh?!

"Tapos nangyari na yung niligtas mo ko..." huh? "Teka lang Geah. Niligtas? Hinatid lang naman kita noon ah." Umupo kami pareho malapit sa puno. "Basta..." bulong nya. Wow. Just wow. Si Geah nabff ko,noon ang bully? Si Claire a.k.a asteris ang saviour ko noon? Ano naman si Chester?

"K...kahithindikonaintindihanangsinabimoGeahpwedenaikawChester?" Mabilis na sabi ko. "Wow rap lang?" Bigla naman kaming tumawa sa sinabi ni Geah. "Sige na pala mas kaylangan mag explain ni Chester sayo" nagwink pa sya. Tapos umalis na.

"Mangiiwan!" Sigaw ko sakanya bago pa tuluyang makaalis. Tumawa nalang sya at umalis na nga. Humarap ako kay Chester. "Ano ba kasing nangyari at hindi ka na bumalik?"

"Bumalik ako noon..." bulong nya. "Pero wala ka sa bahay nyo. Wala ka pati yung mga magulang mo. Walang nagsasabi kung nasaan ka..." bulong nanaman nya. "Pwede ba wag kang bumulong?" Tanong ko.

Tumango sya. Umupo na sya sa tabi ko. Nakasandal na kami pareho sa puno.

"Tapos ilang taon pa yung lumipas nakita kita pero hindi mo ko pinapansin." Halata naman syang malungkot. "Putek ka Chester. Pinaghintay mo ko ng apat na taon. Apat Chester. Kakahintay sa wala. Pinaasa mo ko. Nagpromise ka pa...." paluha na tuloy ako.

"Ginawa ko naman yun para mamana na yung kompanya. Para rin sayo yun." Ano? "Teka lang ha Chester. Iniwan mo ko,pinaghintay at pinaasa at sinasabi mong para saakin din yon? Eh ang bata pa natin noon nun ha?! Tapos mana agad?! KOMPANYA AGAD?!-" bigla naman ako napahinto sa pagsasalita ng bigla nya akong yinayap. Nakaupo parin kami

"Nakita kita nung 14th birthday mo. Pero hindi mo manlang ako napansin. Sumali pa ako sa ball para mapansin mo ko pero wala eh hindi kita nakita sa kahit saan. Tapos malalaman ko nalang nanakanerd disguise ka pala..." ang haba ng sinabi nya. Yan tuloy umiiyak na ko.

"Nagpapansin ka pa wala namang nangyari." Biro ko. Pareho naman kaming tumawa ng mahina. "Wala na kong masabi ngayon..." bulong ko.

"I love you Nika." Nabigla naman ako sa sinabi nya. "Sorry Chester pero...hindi na kita kilala." Bigla naman syang tumayo. "Ibabalik ko yung relasyon natin noon. Magsisimula tayo ulit." Nagsmile sya. Yung ngiting yan. Yung ngiting yan...yung pasimuno kung bakit ako umasa na babalik sya noon.

Napaluha nanaman tuloy ako. Ano bayan. Pinapamaga nya yung mata ko. "Wag ka ng umiyak. Tara magsimula na tayo." Tumango ako. "Ako si Chester Clyde Bautista. Tinatawag akong Joker ng childhood friend ko. 18 na ko at kakalipat lang dito." Luh? Introduction pa?

"Anikka Gonzales. 17 na ko at nagkaamnesia ako. Pero naalala ko na ang lahat." Bigla naman kaming tumawa. "Ang baduy ng intro mo!HAHAHA" sigaw nya. "HAHAHA!YUNG SAYO NGA ANG PORMAL EH!" Bigla naman nyang inistretch yung kamay nya. Kinuha ko ito at tumayo na ko.

"Umuwi na tayo Anikka."yaya nya. Tumango ako. "Sige Chester" sumakay na kami sa sasakyan nya at umuwi na.

Geah's PoV

Geah Fernandez the one and only! Yup ako ang dating bully! Nabaligtad ang lahat ng tinulungan ako ni Anikka. So nagtatanong kayo. Bakit ako niligtas ni Anikka. Eto kasi yon.

7 years old ako noon at 6 years naman si Anikka. Sa sobrang likot kasi noon naligaw ako. Walang gustong tumulong sakin dahil nga. Bully ako. Pero si Anikka...iba sya. Tinulungan nya ako. Lagi nalang kaming pinagkukumpara ni Claire ng mga magulang namin. Na mas mabait daw si Claire ako hindi.

Naglaro kami noon nila Clyde at sumali si Claire. At yun na yung naging dahilan ng lahat. Nung umalis si Clyde mahal, as in mahal ni Claire si Clyde, ang landi talaga no? 11 yrs oldpalang mahal agad. At nagnasa yung loka. Kaya ayun sinisi si Anikka naging bad girl tuluyang naging masama si Claire ng namatay si Mama. Walang paki si papa saamin at dahil sa pinamulat ni anikka sakin na mas magandang maging mabuti ayun nagiba ako.

Naging magala, malandi o kung ano ano pang masama si Claire. Tapos nung 13 kami nabalitaan naming naaksidente si Anikka. Tuwang tuwa pa yung bruha kong kapatid habang ako iyak ng iyak. Nalaman kong nagkaamnesia siya. 15 years old na kami ng gumising sya. Buti kamo sobrang talino nya kung hindi, ay nako hindi na sya makakagraduate.

Nung 14th birthday nya nakita ko si Chester na palapit pero hindi sya nakalapit kasi si Claire paepal. Hindi na tuloy sila nagkita. Pero parang nagpasalamat pa ko noon eh. Kasi pagmaynaaalala si Anikka sumasakit yung ulo nya at minsan nawawalan sya ng malay. Nagaalala ako sakanya ng sobra.

At yun na nga.17 na sya ngayon ako 18. Bumalik natalaga si Clyde kay Anikka. Nung una palang bagay na talaga sila eh. Hindi na ko naaawa kay Claire. Pake ko sa malditang yon? Haha. Pinagaalala ko lang. Baka saktan ni Claire si Anikka pag nakatalikod ako. Pero wag sana. Sana bantayan sya ni clyde ng maayos.

Ngayon nakatingin ako sa kalsada. Pinapagmasdan yung sasakyan ni Clyde hanggang sa humarurot na sila. Hahaha ako mangiiwan? Ha nek nek mo. Kanina ko pa sinisilip yung dalawa eh. Epic nga eh nagintroduce pa. Hahaha. Pareho silang baduy gumawa ng intro.

Umuwi na ako sa bahay at nagtatrabaho na si Dad. Pagkatapos ng 2 years pagkatapos ng pagkamatay ni mama umayo na sya ng konti. Nagtatrabaho na sya pero snobber parin. Bata pa naman sya eh 40 palang kaya matagal pa syang magreretire. Bale 10 years old ako ng namatay si mama. 8 years na pala kaming iniisnob ni papa...

Humiga na ko sa kama ko pagkapalit ng damit at pag hihilamos/toothbrush. Ako kaya? Kailan ako magkakaron ng tapat na boyfriend?

~

Ipagtatapat ko to 5 or 6? Readers. Ito ang chap. Na pinaka nahirapan ako. Naguluhn ako sa time skip, sa edad nila at sa events hehe. Pakitandaan po. UNEDITED karamihan ang mga chapters ng story na to ka po pakiintindi nalang yung mga wrong spelling and grammars.

YES PoV ni Geah!!! Medyo lumilinaw na yung storya :))

(^v^)

Bestfriends Noon, Ano Na Ngayon? [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now