Troy P.O.V
Inutosan ako ni boss kung buhay pa ba yung mga taong pinatay nila. Binaril nila ng maraming beses tapos buhay parin aba matinde. Pumasok ako sa kwarto kung saan nila pinatay yung dalawang tao Chineck ko yung pulse nila kung buhay pa ba o patay na sila habang chinecheck ko yung pulse nila may nakita akong kwintas sa leeg ng babae kaya kinuha ko ito. Hindi ko ito isasangla kundi i tatago ko ito baka makita ko ang anak nila ay ibibigay ko ito. Hindi ako masamang tao napasok lang ako dito sa trabahong ito dahil sa papa ko.
Ako nga pala si Troy Tan. Isang taong galing sa mahirap at isang soldier sa parastate . Tulad ng sabi ko kanina pumasok lang ako sa parastate dahil sa papa ko. Oo dahil sa papa ko Hindi sa gusto niya akong maging sundalo kundi para ma bantayan ko ang aking kakambal na si smith tan. Isa siyang prime sa parastate gumagawa sila ng mga gamot para patayin nila ang mahihirap. Habang nakatunganga ako dito sa lobby may isang magandang babae na dumaan sa aking harapan mukhang kakatapos niya lang umiyak kaya sinondan ko siya hanggang dumating kami sa 2nd Floor sa Science Lab at nag mimix siya ng mga bagay na hindi ko alam kung ano yun . Lumipas ang 10 minuto may isang matabang lalake pumasok sa science lab at mukhang nag uusap sila. Pagkatapos non umalis sila sa science lab may dala dala silang maliit na bote d ko alam kung ano yun. Umalis narin ako sa pinanggalingan kung pwesto at hindi ko na sila sinundan pumunta nalang ako sa basement kung saan naka pwesto ang mga soldiers.